ANDI'S POV
"Hindi ba't matagal ko nang nasabi sa'yo ang tungkol dito? Bakit ba hanggang ngayon ay hindi mo pa rin maintindihan?" halos pa sigaw na sabi ni Hector kay Daphne.
Paglabas ko pa lamang ng silid ay narinig ko na ang iringan nang dalawang magkasintahan. Maaga akong nagising ngayon dahil ito ang huling araw ng aking pag-re-review.
"Lagi na lang bang ako ang hindi nakakaintindi, huh? Ako nga itong laging umuunawa sa'yo, Hector. For once! Ako naman ang pakinggan mo!"
"Ano ba kasi ang hindi mo maintindihan na kailangan kong sumama sa mga team building para sa ikagaganda ng samahan ng aking team?"
"Team building na pinagsisimulan ng pambabae ng mga lalaki," tumawa pa nang mapait si Daphne.
Kumuha ako ng tinapay at naglagay ng palaman na peanut butter. Dinig na dinig ko pa ang sigawan ng dalawa sa sala.
"I don't know why you always think of that. I was once a babaero, but I never been a cheater. Hindi ko ugali ang pagsabayin ang dalawang babae. Bakit ka masyadong naghihinala? Siguro... gawain mo, 'no?"
Nagulat pa ako sa sinabi ni Hector kaya agad akong napasilip sa awang sa pagitan ng kusina at sala. Sakto naman na mabilis sinampal ni Daphne ang aking kaibigan. Kitang-kita ko ang pag-iyak nito at talagang nasaktan sa sinabi ni Hector. 'Asshole'. Oo kaibigan ko si Hector ngunit maling-mali na pagsalitaan niya ng gano'n ang nobya.
Nagtitigan pa sandali ang dalawa at saka mabilis lumabas ng condo unit si Daphne. Hindi man lang ito pinigilan ni Hector. Saka ako lumapit.
"You should apologize. Maybe she over reacted but it doesn't mean you have the right to say that," I said.
"Iyon na lang lagi ang nagiging problema namin. Hindi naman siya nakikinig sa akin. Ayaw niyang maniwala na hindi ko siya magagawang lokohin." Hector sat down at hinawakan ang kanyang pisngi na nasampal.
"You deserve that," I walked to the kitchen. Kumuha ng ice bag at muling bumalik sa kinauupuan ni Hector. "Put this. Para hindi na mamaga 'yang mukha mo. Sabihin mo kay Daphne, mag MMA na lang. Muntik ng maputol ang leeg mo sa lakas ng sampal niya."
Umangat ang ulo ni Hector at napangiti sa aking sinabi.
"Sira ulo ka talaga," natatawa pa nitong sabi at tinanggap ang ice bag na aking binigay. "Hatid na kita," habol niyang sabi nang makitang nakabihis na ako ng aking pamasok.
"Hindi na, noh! Baka mabangga lang tayo at masama pa ang loob mo, baka idamay mo pa ako. Marami pa akong pangarap."
Muling tumawa si Hector, "okay, pero umuwi ka nang maaga. Magluluto ako ng dinner."
DUMERETSO ako nang uwi after nang review. Papasok pa lamang sana ako ng aming unit nang makita ko si Daphne. Kararating lang din nito. I notice the paper bag she is holding.
"How's the review, Andi?" she asked me while opening the door.
"Last day na kanina. Ready na ako sa exam."
Pagpasok pa lamang namin ay nakita na namin na nakatulog si Hector sa sofa. Marahang naglakad si Daphne papasok sa kanilang silid ng hindi man lang ginigising ang kasintahan. Akma ko sanang gigisingin ito ngunit dinig ko pa ang kanyang paghilik. Kaya hinayaan ko na lamang.
Dumeretso muna ako sa kusina at kumuha ng maiinom nang lapitan ako ni Daphne. She changed her clothes. Binaba nito ang mga hawak sa lamesa at kumuha rin ng kanyang maiinom.
"Andi. May ipapakisuyo sana ako sa'yo mamaya. Mag-tetext ako sa'yo later, para masabi mo kay Hector na pumunta sa roof deck. Meron akong surprise sa kanya. It's our anniversary kasi."
Kita ko ang excitement sa mukha ni Daphne. Masaya ito na surpresahin ang aking kaibigan. Nakaramdam din ako ng lungkot dahil naging saksi rin ako kung paano sila nagtalo kanina.
"Ow, really? Okay sure. No problem. Gusto ko 'yang mga ganyang surprise-surprise. Ano bang plano mo?"
"Actually lalabas pa ako at titingin ng iba pang kakailanganin ko. Marami pa kasing kulang." Tinaas pa niya ang hawak na paper bag. "Meron naman sa labas nitong building na bilihan ng mga supplies 'di ba?"
"Yeah. Sa may kanto lang nitong building, meron doon." I looked at the paper bag she's holding. Mukhang may pa lobo effect pa ito. Sa tagal naming magkakasama ay talagang naramdaman ko na seryoso si Daphne sa aking kaibigan at unti-unti ko nang na tatanggap na sila ang para sa isa't isa.
"Sige, Andi. Just wait for my text." Atska marahan ulit itong naglakad at nilampasan ang natutulog na si Hector sa sofa.
Nilagok ko ang tubig na aking hawak. Pagbaba ko ng baso sa lamesa ay napansin ko ang wallet ni Daphne. 'Paano bibili 'yun, naiwan niya ang kanyang wallet.' Mabilis ko itong dinampot at patakbong lumabas para siya ay mahabol. Ngunit hindi ko na siya nahabol sa pasilyo ng building. I decided to just go out, pupuntahan ko na lamang siya sa supplies store na aking nabanggit sa kanya. I was looking for her and finally I saw her. Medyo malayo pa ako sa kanya ngunit tanaw ko na siya. Bubwelo sana akong sumigaw ngunit napansin ko ang ingay ng mga sasakyan. Hindi niya ako maririnig. Lalapit na lang ako sa kanya.
Akma sana akong tatawid upang siya'y lapitan nang makita ko ang isang matangkad at maputing lalaki na papalapit sa kanya. Hindi agad ako makatawid dahil sa mga naglalakihan at mabibilis na sasakyan. Nang una napansin ko pa na nagtatawanan ang estrangherong lalaki at si Daphne ngunit habang tumatagal ang kanilang pag-uusap ay mababanaad na ang takot sa mga ngiti ni Daphne.
Sinubukan ko nang tumawid ng businahan ako ng isang jeep. Napakabilis nito na akala mo ay pakealam sa mga taong nasa tabihan. Muli akong napabalik sa may gilid at pinagmasdan ulit si Daphne.
Nang biglang may dinampot ang estrangherong lalaki na isang mahabang kahoy at mabilis inihampas sa ulo ni Daphne.
Sobrang bilis nang mga pangyayari. Parang na simento ang aking mga paa. Nabigla ako sa aking nakita. Kitang kita ko ang mga sumunod na pangyayari. Pinagsa-sasaksak ng lalaki si Daphne. Para namang nananadya ang mga sasakyan dahil biglang wala ng dumaraan. I run as fast as I could. Pinipilit ko siyang lapitan dahil nahihirapan na akong makalapit dahil sa dami ng taong nakikiusyoso. Huli na ang lahat. Nakabulagda na si Daphne. Ni hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan! I saw it! He killed Daphne and stabbed her multiple times!