Andi's POV
A year ago...
"Gising, Andang! Nandito na si Daphne!"
Papungas-pungas pa akong bumangon at diretsong tinignan ang orasan. 8 AM. It's weekend. This is too early. Then I looked at Hector na nakaupo pa rin sa gilid ng aking kama at nakahawak pa rin sa aking balikat.
"Intsik ba si Daphne? Bakit ganito naman siya kaaga dumalaw?" I sat properly at sumandal sa headboard.
"Pinapunta ko siya nang maaga para naman matagal-tagal kaming magkasama. Alam mo naman na magiging busy ako sa mga susunod na araw."
I took a deep breath. "Bakit mo pa ako kailangan gisingin? May kwarto ka naman, hindi ba?"
"Kakain tayo. Nagluto ako ng almusal. Sumabay ka na sa amin. Bumalik ka na lang sa pagtulog ulit." Iniangat niya ang kanyang kamay at masuyong tinanggal ang aking kaunting buhok na nakaharang sa aking mukha. Tinanggal n'ya rin ang kaunting morning star sa aking mata.
Ganito na kami ka-close na hindi na kami nandidiri sa mga ganitong bagay. Para sa kanya, natural na lang ito. Ngunit para sa akin, it gives butterflies in my stomach.
"Si-sige lalabas na ako. Magpapalit lang ako at maghihilamos." Sana ay hindi niya mahalata ang aking kaba.
Tumango lang ito at muli pang hinaplos ang ilalim ng aking buhok.
"I never knew that you are beautiful even when you just woke up."
I held my breath for a bit. He's staring at me with no emotions. This is the first time na hindi ko siya mabasa.
Then he laughed, "madalas kasi, mukha kang bruha! Ngayon mukha kang tao!" He stood up at hindi tumigil kakatawa. "Bilisan mo, huh. Don't let me come back here."
Napapikit ako nang maisara niya ang pinto ng aking silid. Nahihibang na ako para isipin na kahit sandali ay hahanga siya sa akin.
He passed the board exam, and now, Hector is working. 2 months na ito sa kanyang trabaho as Civil Engineer sa private company. Ako naman ay naka-schedule pa lang para sa aking board exam. He chose to stay with me kahit pa nga nagtatrabaho na siya. His reason was, baka raw maglakwatsa lang ako at hindi pagtuunan nang mabuti ang aking exam.
I stood up and went straight to my bathroom. I brushed my teeth and washed my face. Then, I changed my clothes.
After my morning routine, I went out to my room. Sumikip ang dibdib ko sa aking nakita. Hector and Daphne is kissing. Nakaupo si Daphne sa kitchen counter at nakapulupot ang mga kamay ni Hector sa kanyang bewang habang patuloy silang naghahalikan. Hindi naman ito ang unang beses na makita ko siya na merong kahalikan or ka-make-out, but this one is different. Nararamdaman kong seryoso siya kay Daphne. Tumagal din ito higit sa tatlong buwan na siyang pinakamatagal na karelasyon ni Hector. Sa lahat ng babaeng nakasama nito ay si Daphne lang talaga ang hindi ko feel.
Don't get me wrong. She is nice and approachable, it's just... meron itong aura na hindi ko gusto or maybe kinakain ako ng aking selos dahil alam ko na maaaring seryoso na talaga si Hector sa kanya.
"Aham!" tikhim ko na siya namang paghinto nang dalawa.
Napangiti pa si Hector nang makita ako.
Ganu'n din naman si Daphne.
Nakita ko pa ang pagbaba nito sa counter at dumeretso sa lamesa.
"Halika, Andi. Kain na tayo," aya ni Daphne sa akin.
Tumango lamang ako at dumeretso na sa upuan at ako ay umupo.
Pinaglagay ako ni Hector ng kanin sa aking plato at naglagay din ng hotdog at ketchup. Heto ang hindi nagbago sa kanya na kahit meron na itong girlfriend ay hindi nawala dito ang pag-aasikaso niya sa akin.
I saw Daphne na nakatingin sa bawat galaw ni Hector. Nakikita ko ang selos sa kanyang itsura. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako man ang nasa kanyang posisyon ay magseselos din ako.
"Thank you Torry," I said.
I started to eat and so are they.
"Andang, meron pala kaming sasabihin sa'yo." Sumubo muna ito ng kanin bago nagsalita.
"Ano 'yun?" I continued eating.
"Plano na naming tumira sa isang bahay ni Daphne."
Nabilaukan akong bigla sa kanyang sinabi. Mabilis akong inabutan ng tubig ni Hector.
"Sorry kung nabigla ka namin, Andi. Heto kasing si Hector ang mapilit," Daphne explained.
"Huwag ka mag-alala, Andang. Hindi naman kami lalayo. Actually napag-usapan namin na she will stay here with us. Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka pa nagtatrabaho," paliwanag naman ni Hector.
"Okay lang ba sa'yo Daphne na tatlo tayo rito?" I asked her. Dahil nakakakita ako ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha.
She smiled. "I'm okay with it. Basta kung ano ang gusto ni Hector. Wala namang problema sa akin, Andi. Sa'yo ba ay okay lang na narito ako?"
Tumango ako nang mabilis. "Y-yes. Kay Hector ang condo na ito, kaya siya lang ang may karapatan na mag desisyon kung sino ang titira rito."
"This is also yours, Andang. I told you. Kami ang aalis if ever magkatrabaho ka na. You can stay here as long as you want."
I smiled bitter. Sana lang ay hindi nila maramdaman ang sakit na aking nadarama. Hanggang kelan ako magtitiis? Hanggang kelan ko makakaya na makita siyang maligaya sa ibang babae? Ano ba ang wala sa akin na meron sila, para hindi niya ako magustuhan ng higit pa sa kaibigan?
Sumubo ulit ako ng kanin. "Mas marami, mas masaya!" I said at pinagpatuloy ang pagkain. Pinagmasdan ko sila na nagpatuloy din sa pagkain.
Paano ko magagawang gumising sa umaga at makikita na sila'y magkasama? Paano ako uuwi na sila pa rin ang aking makikita? Ano ba ang magagawa ko? Hindi ko kayang malayo kay Hector. Nasanay na ako na sa aking paggising na siya ang nakikita, na sa pag-uwi ay siya ang nakakasama. Bago pa tumulo ang luha sa aking mga mata ay mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa common bathroom na nasa sala.
Narinig ko pa ang pagkatok ni Hector.
"Andi, are you okay?"
He's worried. I know. There are only 2 reasons for him to call me by my real name. When he is mad or when he is worried.
"I-i am fine, Torry. Sumakit lang bigla ang tiyan ko. Bumalik ka na sa kusina. Pupupo lang ako!" at ako'y tumawa.
Hindi na ito nagsalita, ngunit naramdaman ko ang pag-alis nito sa pinto.
I turned the faucet on and let the water flow down the sink.
Then I started to cry! My heart is aching! I love him but he's not into me.