Chapter Twelve

1272 Words
"You may now kiss the bride" sabi ng pari kina Zac at kaibigang si Tricia. Bakas sa mga mata ng dalawa ang kaligayahan. Siya ang maid of honor sa kasal ng mga ito. Samantalang si Luke ang Best man. Masaya siya para sa kaibigan. Nararapat lamang dito ang lumigaya pagkatapos ng mga pagsubok na pinagdaanan nito sa buhay mula ng yumao ang mga magulang nito. Nagpalakpakan ang mga naroon sa loob ng simbahan nang halikan ni Zac ang kanyang kaibigan. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit na sila sa bagong kasal para sa picture taking. Private ang naging kasal ng dalawa kaya walang mga media. Ayaw na rin naman ni Zac na muli na namang magkaroon ng isyu. Sa reception ay masayang inabangan ang entrance ng bride at groom. Sinimulan na rin ang iba pang seremonya. Pagkatapos ay pinakinggan ang speech ng bride and groom sa isa't isa. Kapwa emosyonal ang dalawa. Nahiling niyang sana ay maranasan niya rin ang ganung klase ng pagmamahal. Makikita sa mga mata ni Zac na sobrang mahal nito ang kaibigan niya. Teary eyes na ito. Matapos iyon ay nag umpisa na ang sayawan. Isinayaw ng ama ni Zac ang kanyang kaibigan. Batid niyang maligaya ito para sa dalawa. Nang ihagis ang bouquet ay hindi sinasadyang sa kanya ito tumama. Wala sa sariling dinampot niya iyon. Nagpalakpakan naman ang mga naroon. "Ikaw na ang susunod na ikakasal," nakangiting baling ni Tricia sa kanya. Ngumiwi lamang siya rito. Hindi naman siya naniniwala sa kasabihang iyon. Nang lingunin niya ang kanyang ina ay malawak ang ngiti nito. Lumapit siya dito at niyakap ito ng mahigpit miss na miss na talaga niya ito. Ang sumunod na nangyari ay naghihiyawan ang mga bisita nang tanggalin ng groom ang suot na garter ng kanyang kaibigan gamit lamang ang bibig nito. Todo cheer ang mga bisita. Matapos ay inihagis nito iyon sa kumpol ng mga kalalakihan. Sa lakas ng hagis ay sa ibang direksyon iyon napunta. "Am I late?" anang baritong boses ng lalaki. Nakataas ang kamay nito na hawak ang garter na inihagis ni Zac. Ito pala ang nakasalo ng garter. Walang iba kung hindi ang lalaking akala niya ay nakalimutan na niya sa paglipas ng anim na taon. Si--Hugo! Nakangiti ito habang unti-unting lumalapit kay Zac. "Not really. Just in time to celebrate with us," sagot naman ni Zac. Nagbatian ang mga ito. Magkakilala pala ang mga ito. Siya naman ay tila ipinako sa kinatatayuan. Lalo pa itong tumangkad at kumisig ang pangangatawan. Tila nais na naman kumawala ng malandi niyang puso. Anong ginagawa nito sa kasal ng kanyang kaibigan? Hindi naman nabanggit ni Tricia na invited ito? Maya-maya ay tinatawag na siya ng Wedding coordinator. Pinaupo siya sa isang silya. Alam na niya ang mangyayari ngunit sa labis na kaba ay hindi siya mapakali sa inuupuan. Lumapit sa kinaroroonan niya ang seryosong mukha ni Hugo. Tila hinihigop nito ang lahat ng lakas niya dahil sa titig nito. Bago lumuhod ay ngumiti ito ngunit sa isang sulok lamang ng labi nito. Hinawakan nito ang isa niyang binti at nag umpisang isuot ang garter doon. Habang tumataas ang nararating nito ay napipigil niya ang hininga. Hiyawan ang mga bisitang nanunuod. Diyos ko masyado mo naman akong sinorpresa! Nakaramdam siya ng kilabot nang paabutin pa nito sa tuktok ng hita niya. Nakagat niya pa ang pang ibabang labi. Maya-maya ay tumayo na ito at inilahad ang palad sa kanya. Wala siya sa sarili nang tanggapin iyon. Iginiya siya nito sa dance floor. Pumailanlang ang malamyos na tugtugin. Hinapit nito ang baywang niya. Dahil wala siya sa sarili ay ito na rin ang naglagay ng mga braso niya sa balikat nito. Hindi niya magawang tumingin sa mukha nito kaya sa baba na lang nito siya tumingin. Pakiramdam niya ay nasira na ata ang mga nerve cells niya. Hindi siya makapag isip ng tama. Kung sana lang ay na nanaginip siya ay gusto na niyang magising. Ayaw na niyang paniwalain ang sarili na babalik pa ito. "It's been a long time since we've last seen each other," he said in a husky voice. Nang tingnan niya ito sa mga mata ay nababasa niya ang pangungulila roon. Totoo ba ang nakikita niya rito? Matapos nitong basta na lamang umalis. "M-masaya akong makita kang muli," sabi niya. Bukal iyon sa kalooban niya. Naroon pa rin ang nararamdaman niya para dito, ngunit ayaw niyang umasa. Matagal na panahon silang nagkalayo nito. Maraming maaaring magbago. "Same here. I didn't expect that you would look more attractive. I can't wait to kiss those sweet and soft lips of yours," tila nang aakit ang boses nito. Natigilan siya sa sinabi nito. Iniisip ba nito na pwede pa rin nitong gawin ang gusto nito pagkatapos siya nitong basta na lamang iwan? "I'm sorry, Hugo. Kailangan ko ng umalis,"aniya bago inalis ang pagkakapulupot ng mga braso sa leeg nito. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "It's still early, My love. Didn't you miss me?" nakataas ang isang sulok ng labi nitong sabi. Bakit ba parang casual lang dito ang muli nilang paghaharap? Nakaramdam siya ng pagkainis. "What do you think? Maraming pwedeng mangyari sa loob ng anim na taon," sarcastic niyang sabi. Bago pa ito makasagot ay nagmamadaling nilisan na niya ang kinaroroonan. Nasasabik siyang makita ito ngunit mas nangingibabaw ang galit niya. Wala man lang ba itong sasabihin kung bakit basta na lamang itong umalis? Naupo siya sa isang bench kung saan walang gaanong tao. Gusto niyang mapag isa. Tila hindi pa nakakahuma ang puso't isip niya sa mga nangyari kani-kanina lang. Maya-maya ay tumayo siya. Pupunta sana siya ng ladies room nang may humaklit ng baywang niya at walang anu-ano'y naramdaman na lamang niya ang mainit ang mapusok nitong labi. Agad binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Nagpumiglas siya ngunit malakas ito. Sa pusok ng halik nito ay ramdam na niya ang pamamanhid ng mga labi niya. Nag ipon siya ng lakas at buong pwersang itinulak ang walang pakundangang humahalik sa kanya. Nang bahagya itong napaurong dahil sa ginawa niya ay kaagad siyang sumigaw. "Magnanakaw!" sigaw niya na nakaagaw ng atensyon ng karamihan sa mga naroon. "Hulihin niyo ang lalaking ito. Magnanakaw ng halik!" nag hi-histerikal niyang sigaw. Humihingal pa siya nang masamang tingnan ang walang hiyang basta na lamang siya hinalikan. Bumungad ang amuse na mukha ni Hugo. Bahagya nitong pinahid ang basang labi gamit ang ilang daliri. May mga naririnig siyang nagtatawanan. Maging ang kanyang kaibigan at si Zac ay nakikitawa na rin. Pakiramdam niya ay bumalik siya noong high school kung saan naging tampulan sila ng tukso ng bakulaw na ito. "Kung sa tingin mo'y nakakatuwa yung ginawa mo. Pwes, ako sobrang naiinis. Hindi na ako kagaya ng dati na magpapauto pa ulit sa'yo,"galit na sabi niya. Akmang aalis na siya nang matigilan at muling harapin ang ngayon ay mataman ang tingin sa kanyang si Hugo. "Ipapaalala ko lang sayo na wala ka ng karapatan na halikan o umakto na parang boyfriend ko, dahil ang alam ko ay matagal na tayong tapos," walang kangiti-ngiting sabi niya. Agad namang dumilim ang mukha nito ngunit tinalikuran na niya ito. Hindi na ito humabol pa. Nang makalayo ay kusang kumawala ang mga luha niya sa magkabilang pisngi. Pagkatapos niya akong saktan ay babalik siyang parang walang nangyari. Anong palagay niya sa akin? Uto-uto? Na marupok? Ang kapal ng mukha. Kahit mas lalo pa siyang gumwapo ay nunca na maaakit niya pa akong muli. Dadaan muna siya sa butas ng karayom! Ipinangako niya sa sarili na iiwasan na ito. Nahiling niyang sana ay iyon na ang huli nilang pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD