Chapter Thirteen

1346 Words
"Madam Lily, may customer po tayong gusto kayong makausap. Gusto daw pong mag reklamo," nag aalalang sabi ni Ann. Itinigil niya ang ginagawa at binalingan ito. Paminsan-minsan ay may nai-encounter silang ganung customer pero napaka bihira lamang. Maganda ang serbisyo ng Coffee shop nila. Bumaba na rin ang preparation time dahil nagdagdag sila ng mga kagamitan sa paggawa ng kape at pag be-bake ng mga muffins at paggawa ng mga sandwich at kung ano-ano pa. "Ano bang nangyari?" mahinahon niyang tanong. "Wala naman po akong matandaan na ginawa kong mali. Sa totoo po ay saglit lang naman siyang naghintay pero nung hinatid ko na po ang order niya ay nagalit siya. Napakatagal daw po at yung iba niyang sinabi ay hindi ko na naintindihan kasi English. Nag expire na po kasi yung English ko kapag ganung usapan," nahihiyang sabi nito. Nginitian niya ito. " Okay, sige ako na ang bahala sa kanya. Dadaanin natin 'yan sa beauty ko,"pagbibiro niya para mawala ang malungkot na mood ni Ann. "Sige po, Madam Lily. Actually po ay guwapo yung customer kaya lang ay mukhang may pagka-istrikto," dagdag pa nito habang kinikilig. Napailing-iling na lang siya. "Naku, hindi yun uubra sa akin. O, sige puntahan ko na," sabi niya. Itinuro nito kung saan naka-pwesto ang nasabing irate customer. Nasa second floor VIP seat daw. Malamang ay big time iyon. Inayos niya ang buhok na tumatabing sa mukha niya. Nang malapit na ay huminga muna siya ng malalim bago ito tuluyang lapitan. Nakahalukipkip ang walang kangiti-ngiting mukha ni--Hugo! "Hey, are you the supervisor?" nakabusangot na baling nito sa kanya. Napalunok siya bago ito sinagot. "Yes, sir. Ang sabi ng isa kong barista ay may problema daw po sa service namin?" aniya at pilit na ngiti itong hinarap. "I was disappointed about the service. The preparation time was too long compared to the other coffee shops that I've been with," naiinis na reklamo nito. "And look at this," tukoy nito sa slice na blueberry cheesecake hiniwa pa nito iyon gamit ang kutsara. "I didn't order for this. It doesn't look like blueberry cheese cake by the way," sarcastic pang sabi nito. Siya naman ay nag uumpisa ng uminit ang ulo sa kaartehan nito. Napakababaw lang naman ng mga inirereklamo nito. "I apologize sir kung na disappoint man kayo. Pwede pa naman nating magawan ng paraan iyan," mahinahong sabi niya. "Okay good. I want to get compensated for this," demanding pang sabi nito. Siya naman ay pinipilit na maging kalmado dahil malapit na niya itong masapak. Kung makapag-demand ito ay akala mo napakatagal na nila itong customer. Ngayon lang naman ito napadpad sa Coffee shop nila. "Yung tungkol po sa preparation time ay patuloy naming ginagawan ng paraan. Ito na lang kasi ang unang beses na may nag reklamo pa tungkol dyan. Ito namang inorder niyo sir ay pwede naman naming palitan at hindi mo na kailangan pang maghintay ng matagal," mahinahon niyang paliwanag. Hindi man lang nagbago ang hitsura nito. Seryoso itong nakatingin sa kanya. "No. I'm still not satisfied with your resolution," seryosong sabi nito. Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. Gusto talaga siyang pahirapan ng bakulaw na ito. Marahil ay gumaganti ito dahil sa mga sinabi niya dito nang nagdaang gabi. "Okay, tutal naman po ay new customer namin kayo at na-appreciate namin ang feedback mo sa aming serbisyo. Hindi mo na kailangan pang bayaran ang mga ito," tukoy niya sa mga in-order nito. Ipinagkadiinan niya ang salitang 'new customer' Malapit na talaga siyang maubusan ng pasensya dito. Iyon na lamang ang huling resolusyon na naiisip niya. Bahala na. Kahit siya na lang ang mag abono ng mga iyon. "What do you think of me? Broke? I can pay whatever I want to order here," sarcastic na sabi nito. Tama naman talaga ito. Hindi na niya alam kung ano pa bang gusto nito? Bumuntong hininga muna siya. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganito ka demanding na customer. Magpasalamat na lang talaga ito at customer nila ito at VIP pa kaya hindi niya ito masungitan. "Okay, I'm so sorry sir. Kung ganun ay ikaw na lang ang tatanungin ko. Paano ba kami makakabawi sayo? How can we make you a satisfied customer?" tanong niya sa pilit pinakalmang boses. Natigilan ito bago ngumiti ng nakakaloko. "Good question. Well.." sandali itong nag isip. Sumeryoso ang mukha. "Be my date tonight," deretsahang sabi nito. Agad na binundol ng kaba ang dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang hihilingin nito. "S-sorry sir pero hindi po pwede ang gusto mo. Labas na po iyan sa serbisyo namin," paliwanag niya nang makabawi. Tila hindi nito nagustuhan ang sinagot niya. Naging seryosong muli ang mukha nito. "Okay then. I will make sure that my complaint will be sent to the owner of the coffee shop. I would tell him that the supervisor wasn't helpful and I will make sure that my relatives and friends will be aware how suck the service here is," pagbabanta nito. Oh my gulay! Napakawalang hiya talaga ng bakulaw na ito! Hindi niya alam ang sasabihin. Bina-black mail pa siya nito. Maaring masira ang reputasyon ng Coffee shop kapag ginawa nga nito iyon at hindi niya hahayaang mangyari iyon. Malaki ang tiwala sa kanya ng kaibigang si Rick kaya siya nito prinomote as supervisor. "So, is there anything that you want to say before I leave?" tila nang iinis pa nitong sabi. Ang tingin pa nito ay nakakaloko na para bang wala na siyang pagpipilian pa kung hindi ang pumayag sa gusto nito. "Okay. Pumayag na ako sa gusto mo," napipilitang sabi niya. Agad namang lumiwanag ang mukha nito. "I assure you, my love. You will never regret your decision," nakangiting sabi nito sabay kindat sa kanya. Siya naman ay pinandilatan ito at binigyan ng malutong na irap. Sinasabi na niya. May hindi magandang plano ang bakulaw na sa kanya. "Ngayon pa lang nagsisisi na ako," nanggigigil na sabi niya. Sinuklian naman siya nito ng napakatamis na ngiti na lalo niyang ikinabwesit. Pakiramdam niya ay kinuha nito ang kaligayahan niya. "Give me your address. I will fetch you at eight in the evening," animo'y nag uutos na sabi nito. "Sunduin mo na lang ako dito ng eight ng gabi," nakasimangot niyang sabi. Ayaw niyang malaman pa nito kung saang apartment siya tumutuloy. Tiyak na hindi siya nito tatantanan. "Okay, but still I want to know your address," pamimilit pa nito. Marahas na napabuga siya ng hangin. Kumuha siya ng tissue at kinuha ang nakaipit na ballpen sa kanyang pang itaas na damit at isinulat ang Address ng tinutuluyang apartment. Bago pa ito makapagdemand ay inirapan niya ito at nagmamadaling tinalikuran ito. Nais na niyang makalayo sa lugar na iyon dahil baka kung ano na naman ang hilingin ng bakulaw na ito. "I'm starting to like the the service here," dinig niya pang sabi nito. Napakaligaya na ng bakulaw ngayon. Siya naman itong parang pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon. Bwesit! May araw ka rin sa aking bakulaw ka! ngitngit niya. "Ayos lang po ba kayo, madam?" nag aalalang tanong ni Ann. Nakalapit na pala ito sa kanya ng hindi niya namamalayan. "Oo ayos lang ako," sabi niya at pinilit ngumiti. "Nasungitan po siguro kayo ni kuyang pogi," alanganing ngiti na sabi nito. "Ah, hindi noh. Siya kamo ang nakatikim ng katarayan ko," pagyayabang niya. Tila namangha naman ito. "Ay, mukhang nadali--este nadaan sa beauty nyo," bilib na bilib na sabi nito. Kung alam mo lang ang nangyari hinaing niya sa isip. "Sabi ko sayo di yun uubra sa beauty ko eh," pagyayabang niya. Nag apir muna sila nito bago ito bumalik sa trabaho. Kaibigan ang turing niya sa mga empleyado sa Coffee shop. Masisipag naman kasi ang mga ito. Naupo muna siya sa swivel chair sa loob ng opisina. Hinilot ang kanyang sentido. Pinayapa ang sarili. Kailangan ay makaisip siya ng paraan para mabwesit din ito sa kanya. Hindi pwedeng siya palagi ang ginagawa nitong kawawa. Humanda ka sa akin mamayang bakulaw ka! aniya sa isip habang nakangiting tagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD