Kabanata 4

1410 Words
Habang nakakulong ang apat na manggagamot, si Efres ay nanatiling malaya. Inatasan sya ni Furton na alagaan at gabayan ang sanggol na si Hermosa. Lahat ng pagbabago sa palasyo ay hindi alintana ni Efres. Na tila ba normal lamang ang lahat kahit pa batid nyang nasa lihim na silid lamang ang ina ng sanggol at nagdurusa. Ang Reynang itinuring syang bahagi ng pamilya mula ng mapangasawa ito ni Hevacio. Ang Reynang nagbigay sa kanya ng buong tiwala at halos ituring syang pangalawang Ina. Ang Reynang ngayon ay nag-iisa. ..... Matulin ang paglakad ng panahon, lumaking mabait at matalino ang bata. Kinakitaan sya ng malakasakit sa kapwa na gaya ng pinagmulan nya. Ngunit walang makalaro, walang makausap. Tanging ang mga bantay lang sa palasyo at si Efres ang lagi nyang nakakasama. Sina Rogan at ang ilan pang binatang mandirigma ang madalas magkatuwaang makipaglaro sa munting bampira. Nakikipaghabulan at nakikipagtaguan na parang mga bata rin. Patitigilin naman sila ni Kawaye kapag nahuli at ipapa-alalang hindi bata ang Prinsesa, kundi isang sandata. Malayo ang loob nito sa kinikilalang Ama na si Furton, dahil lagi lamang sya nitong naaangilan. Gustuhin man nyang lumabas sa palasyo at makipag kaibigan sa ibang bata, tila naman halimaw sya na kinatatakutan ng mga ito. Iniiwasan ng buong mamamayan. .... Nakatakda na ang ika-dalawang taong kaarawan ng bata, ang selebrasyon kung saan babasbasan sya bilang prinsesa at papalitan din ang kanyang pangalan. Isang malaking piging ang magaganap sa araw na iyon sa bulwagan ng palasyo. Nakasuot ng isang magandang kasuotan si Hermosa. Halos lahat ng nasasakupan ng Halmero ay naroroon. Upang saksihan ang masayang pagtitipon. Ang pagbabasbas ay isinagawa ni Efres. Gamit ang dugo mula sa batang kambing at banal na abo, minarkahan nya ang nuo ng bata. At saka isinuot ang maliit na gintong korona. Ganap ng tagapagmana ng Halmero. Ang pangalan nya ay pinalitan, mula sa Hermosa, tatawagin syang Serez. Ang nag-iisang prinsesa at anak ng Haring si Furton. .... Ngunit pagkatapos mismo ng pagbabasbas, isang nakakakilabot na pangitain ang nasaksihan ng lahat. Isang puting nilalang na may pakpak ang nasa ulunan nito ang biglang nagpakita at lumulutang. May hawak na malaking tabak na tila nakaturo sa trono na kinauupuan ni Furton. Nakakasilaw ang mukha ng nilalang. Nanlaki ang mga mata ni Furton sa takot dahil tila sa kanya nga nakatingin ang nilalang na iyon. Ilang saglit lang ay nagliwanag ang mukha ng bata. Nasilaw sila at napatakip ng mga mata. Sa kanilang pagmulat, wala nang nilalang sa ulunan nito. Isang pangitain! Nagbunyi ang lahat. "Mabuhay ang prinsesa!!!" "Mabuhay!!!" Dagling napawi ang kasiyahan ng patunugin ang malakas na tambol. Pinatigil ni Furton ang pagtitipon at pinauwi ang lahat at isinara ang buong palasyo. Gaya ng utos ng Hari, walang sinuman ang maaring makalapit o makpag-usap sa bata. Matapos ang pangyayaring iyon, hindi na halos makatulog si Furton. Isinangguni nya kay Core ang pangitaing naganap sa bulwagan. Ngunit walang maisagot na paliwanag ang itim na salamangkero. Sa pangamba, lalong naging mahigpit sa Prinsesa si Furton. Kulang nalang ay ikulong nya ito habang naghahanap sya ng paliwanag sa pangitain. Nagkaroon sya ng agam-agam habang lumalaki na ang bata. ..... Ilang taon pa nga ang lumipas, bigo si Core sa pagtuklas ng mahika kung paano mabubuksan ang lagusan patungo sa mundo ng nga tao. Lahat ng kaalaman ay ibinuhos na nya, ngunit walang nangyari. Ano nga ba ang pakay ni Core, bakit sya nakipagkasundo kay Furton at umaayon sa mga utos nito na tila tagasunod? May hukbo ring inatasan ang Hari para galugarin ang labas ng kastilyo at hanapin ang Puting Salamangkero. Ang mga kagubatan, kabundukan, mga yungib. Kulang na lamang ay balatan nila ang lupain. Pagsapit sa ika-labinlimang taon, si Serez ay nagsisimula nang magtanong kung bakit wala syang ina. Kung bakit hindi sya mahal ng Ama. Kung bakit ayaw sa kanya ng mamamayan ng Halmero. Sa edad ring iyon hindi na sya nilalapitan ng mga mandirigma na dati nyang kalaro nuong maliit pa sya. "Bakit tila kinatatakutan nila ako Efres? Kakaiba ba talaga ako? May problema ba sa akin?" nalilito nyang palaging tanong. Efres: "Serez, bakit mo ba naiisip yan? Hindi mo ba nakikita, ikaw ay natatangi. Balang araw, magiging Reyna ka ng kahariang ito." Serez: "Pero, wala naman akong mga kaibigan. Mag-isa lang ako palagi. Lagi lang dito sa loob ng palasyo." Efres: "Paanong mag-isa, narito kami. Ang iyong ama. Ang mga bantay. Ligtas ka sa lugar na ito." Serez: "Bakit? Di ba ako ligtas sa labas ng Halmero?" Efres: "Mapanganib sa labas, maraming mababangis na hayop. Masasamang bampira, halimaw at mga mangkukulam." Serez: "Kung ganuon, hindi ako pwede lumabas?" Efres: "Oo, kahit kelan. Hindi pwede." Ang usapang ito ay nag-iwan ng mas malaking puwang sa loob ni Serez. Nais nyang maging normal na bampira. Na pagala-gala lang sa labas ng palasyo. Masayang nagagawa ang mga nais nila. Nag-aalaga ng mga hayop. Nakakarating sa mga kabundukan. Samantalang sya nakakulong sa matataas na pader at laging may nakabantay. "Prinsesa nga ba ako o bilanggo." nalulungkot nyang tanong lagi sa sarili. Nag-dalagang lubhang kahali-halina ang Prinsesa. Bukod sa maganda nitong mukha, balingkinitang katawan at mahabang buhok, mabait ito makitungo sa lahat, kaya naman marami ang humahanga sa kanya. Pagtuntong ni Serez ng bente-singko anyos, nagsimula na syang magkainteres sa espada. Ninais nyang matutong pakipaglaban, gaya ng nakikita nya tuwing nagsasanay ang mga mandirigma. Nakita nya din kung paano kagaling makipaglaban ang Ama, at gusto nyang gumaya rito. Minsang nakiusap sya sa Amang Hari. Furton: "Nahihibang ka ba? Para saan at gusto mong humawak ng espada." Serez: "Ama, nais ko po itong matutunan, para narin kaya kong protektahan ang sarili ko kung kinakailangan." Furton: "Bakit pa, napakarami mong bantay na poprotekta sayo. Kung nais mo, magdagdag pa tayo kahit gaano karami." Serez: "Ama, tingin ko rin po kasi...masaya ang magsanay kasama ng mga bagong mandirigma. At paano kung mag-isa lang ako. Paano ko ipagtatanggol ang aking sarili?" Furton: "Hindi mangyayari iyan dahil hindi ka naman lalayo, ni lalabas sa palasyong ito!" Serez: "Malaki na po ako Ama, baka maari ko na pong makita ang labas nitong---." Naging mabagsik ang mukha ni Furton sa narinig. "Wag mo nang ipilit pa Serez! Kakasabi ko lamang, hindi ka lalabas ng palasyong ito. Tapos na ang usapan!" angil ng Hari. Masama ang loob na nilisan ni Serez ang silid ng trono. Naiinis sya sa kalagayan nya. Kung naging ordinaryong bampira lang sana sya, baka hindi ganito ka miserable ang knyang buhay. Sinadya nyang magtungo sa arena kung saan may kasalukuyang pagsasanay na nagaganap. Napahanga sya sa kisig at liksi ng mga mandirigma. Napako ang atensyon nya sa matipunong lalaking matikas ang tindig habang nanunuod sa pagsasanay. Si Rogan, ang heneral ng mga mandirigma. Tama, maari nya itong lapitan at hingan ng tulong. Siguradong hindi ito tatanggi sa kanya dahil prinsesa sya. Naglakad sya palapit, napalingon ang lahat sa kanya at agad na yumuko. Ngunit hindi si Rogan, nagulat sya ng makita ang prinsesa. Natauhan lamang sya ng sikuhin ng kaibigang si Mohep. Bago buong galang na yumukod kay Serez ang matikas na heneral ng hukbo. Serez: "Tumayo kayong lahat. Heneral, nais kitang makausap sa hardin. Nang tayo lamang dalawa." Pagkasabi nito ay tumalikod sya at naglakad palayo sa arena. Mohep: "Anong pakay sayo ng Prinsesa?" Rogan: "Hindi ko rin alam. Marahil ay may problema?" Lukan: "Mula ng lumaki ang Prinsesa hindi na tayo makalapit. Baka nasasabik sya sayo Heneral? Hahahha." Nagtawanan ang mga kasama nya. Rogan: "Tumigil ka nga Lukan, hindi magandang biro yan. Kapag narinig ka ni Ama, baka mapatay tayo. Pero, bakit nga kaya gusto nyang makipag-usap?" Mohep: "Mas masaya parin nuong maliit pa sya, pwede pa tayo makipaglaro. Ngayon kahit tignan ang kanyang mukha ay bawal na." Rogan: "Dahil nga Prinsesa sya. Tayo ay mga mandirigma lamang. Hindi tayo pwedeng lumapit at basta lang makipag-usap." "Pagkakataon mo na kung ganun. Alam namin may gusto ka sa Prinsesa." muling tukso ni Mohep. Rogan: "Ano ba naman kayo, wala akong gusto sa Prinsesa!" Lukan: "Wala? Alam namin kung paano mo sya bantayan at subaybayan mula sa malayo ngayong ganap na syang binibini." Rogan: "Trabaho ko ang bantayan sya. Natural lamang na lagi akong nakasubaybay hindi ba?" Mohep: "At nakita mo, lumaki syang maganda at kaakit-akit tama ba? Hahahha." Panay ang asar kay Rogan nina Mohep, Lukan at ng iba pa. Sapagkat batid nila ang lihim na paghanga ng heneral sa Prinsesa. Trabaho nyang bantayan ito, ngunit bawal lapitan. At mula sa malayo, hindi nya napigilan ang sarili na humanga sa ganda ni Serez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD