Natakot ang mga manggagamot para sa kaligtasan ni Efres. Alam nito kung saan itinago ang Reyna kaya siguradong pahihirapan sya ng masasamang bampira para magsalita.
Inutos ni Furton sa pangkat na ipasok sa isang kabaong ang katawan ni Hevacio at sunugin hanggang sa maglaho.
Ngunit si Rogan na anak ni Kawaye ay hindi gusto ang planong iyon. Dahil kahit pa mabuhay ang pinuno, maari naman nila itong ikulong at gapusin ng pilak na kadena para hindi na makalaban pa. Gawin na lamang bilanggo at hindi na kailangang sunugin ng buhay.
Rogan:
"Ama, bakit kailangan pa nating patayin ang Hari. Ikulong na lamang natin sya."
Kawaye:
"Wala na syang pakinabang sa atin. Ang dugong ating kailangan ay nananalaytay na sa bata. Wala ng silbi ang hari."
Rogan: "Kung ganun wala ring dahilan para paslangin pa sya."
Kawaye:
"Mamamatay na rin sya Rogan. Halos nasaid na ang dugo sa kanyang katawan at wala ng pag-asang maghilom pa ang hiwa. Ilang saglit lang maglalaho na ang katawan ni Hevacio."
Rogan:
"Hantayin nalang natin syang maglaho."
Kawaye:
"At paano kung magbalik ang lakas nya, mapapatay nya tayong lahat! Nag-iisip ka ba? Hindi natin sya kakayanin. Sundin mo ang utos ni Furton. Sya na ang magiging bagong Hari ng Halmero. Sya na ang mamumuno. Wag kang matigas ang ulo!"
Rogan:
"Ngunit ikaw na rin ang nagsabi, wala na syang pag-asang mabuhay!"
"Rogan! Sumunod ka na lamang sa utos ng Pinuno!" mataas ang boses na wika ni Kawaye sa anak.
Tumalima na lamang si Rogan kahit pa labag sa kalooban ang gagawin. Dinala nila sa silid ng mga kabaong ang katawan ni Hevacio. Habang inihahanda ang katawan nito, inabala ni Furton ang sarili sa pag-iikot sa palasyo.
Napakasaya nya at nagtagumpay sya. Natalo nya ng walang kahirap-hirap si Hevacio. Kanya na ang trono. Ang korona. Sya na ang bagong Hari ng Halmero. Malakas! Matapang!
Nang nasa bulwagan na ang kabaong, lahat ng kabahayan ay ginalugad ng mga tauhan ni Furton. Ang mamamayan ay tinipon sa harap at sapilitang pinatayo. Lahat ay takot na takot ngunit walang magawa.
Gusto ni Furton na saksihan ng mga bampira ang pagsunog sa kabaong na pinaglagyan sa kanilang mabait na Hari.
Furton:
"Masdan nyo, mamamayan ng Halmero! Ang pagpanaw ng inyong mahal na Haring Hevacio! Ang haring ipinahamak kayong lahat, mabuhay lang ang anak nya! Isang makasariling hari!
"Simula sa araw na ito, ako na ang magiging Batas ng Halmero! Ako lang ang susundin nyo at wala nang iba! Magsiyuko kayo sa bagong Hari!!!"
Tila kulog ang mga sigaw ni Furton, nanginginig ang lahat. Yumukod sila para mag bigay pugay sa kanya. Mula sa likuran, isang babaeng bampira ang humiyaw.
"Hindi ka karapat-dapat masamang nilalang! Masama ka! Hindi ka----"
Biglang umapoy ang katawan nito at naglaho. Isang tarak lang ito ng espadang may lason mula sa tagasunod ni Furton.
Nahintakutan ang lahat.
"Ganyan ang mangyayari sa lahat ng susuway sa amin. Lahat papatayin!" pahayag ni Kawaye.
Sa hudyat nya, isinaboy sa kabaong ang isang timbang likido. Malakas na nagliyab ang kabaong at natupok hanggang sa wala ng bakas. Walang sigaw na narinig, walang daing mula sa katawang nasa loob ng kabaong.
Pumapailanlang ang halakhak ng masasamang bampira. Nag-iiyakan naman ang marami, mahal na mahal nila si Hevacio. Mabuti ito at malaki ang malasakit sa lahat. Masakit para sa kanila na mawala sya.
Lalo silang nabalot ng sindak kay Furton. Kung ang Hari nga ay nagawa nilang sunugin ng buhay, paano pa kaya silang mga mababang uri ng bampira lamang.
.....
Sa loob ng lihim na silid, umabot sa pandinig ni Anasia ang alulong ng mga lobo sa kabundukan. Napahigpit sya ng yakap sa anak at nasambit ang pangalan ng mahal na kabiyak kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.
Nararamdaman ng mga lobo ang pighati sa puso ni Anasia. Konektado sya sa mga nilalang na iyon at dama nila ang paghihirap ng loob nya ngayon.
Nagdalamhati ng labis ang Reyna. Hindi man nya nakikita, ngunit batid nyang may naganap ng masama. Paano na sila ni Hermosa? Ito na atah ang palantadaan ng malalagim na pagbabago sa kanilang mundo.
Nang bigla syang makarinig ng mga hiyaw ng bampirang nasusunog. Ang mga bantay sa labas ng pintuan, ubos na. Ang kanyang dibdib ay nagsimulang tumahip. Bumukas ang pinto at bumungad si Kawaye hawak ang espadang may lason na syang pumaslang sa mga bantay. Nasa likod nito ang ilan pang masamang kauri nya.
Kawaye:
"Ibigay mo sa akin ang bata Anasia."
Anasia:
"Hindi! Hindi nyo makukuha ang aking anak!"
"Kunin nyo!" utos ni Kawaye sa mga kasama.
Nanlaban nga si Anasia habang yakap ang anak at nagtamo ng maraming sugat. Ngunit ang bata ay nakuha mula sa kanyang mga kamay. Habang palabas ng silid na iyon sina Kawaye ay nagsusumamo syang ibalik si Hermosa. Halos gumapang sya sa pagmamakaawa ngunit bingi si Kawaye.
Ikinandado ang lihim na silid at binantayan muli sa labas upang siguraduhing hindi sya makakatakas.
Anasia:
"Ibalik nyo ang anak ko! Hermosa!
Ang anak ko!"
Hindi tumigil sa pagpalahaw ang Reyna. Takot na takot sya na baka may mangyari sa anak at di na nya makita pang muli.
...
(Paano nga ba natunton ng pangkat ni Kawaye ang lihim na silid? Nagsalita na nga kaya si Efres? Nasaan na ba ang matandang manggagamot?)
Dinala ni Kawaye ang sanggol sa bulwagan kung saan nag hahantay si Furton. Walang mababakas na pag-aalangan o awa sa mukha nya nang iwanang duguan si Anasia.
"Ama, bakit kailangan nyong kunin ang bata? Nasaan ang Reyna?" hindi nakatiis na tanong ni Rogan sa Ama.
Naawa sya ng makita ang mukha ng himbing na sanggol. Walang kaalam-alam sa nangyayaring gulo sa paligid ngunit nadadamay.
Kawaye:
"Buhay pa ang Reyna. Huwag kang mag-alala."
Rogan:
"Bakit pati ang sanggol kasama sa plano ninyo. Hindi mo ito sinabi sa akin, ano ba talaga ang plano Ama?"
Kawaye:
"Magtiwala ka lang, lahat tayo makikinabang sa batang ito."
Iniabot nga kay Furton ang sanggol na bampira. Lalo tuloy natakot ang mamamayan ng Halmero, baka patayin din ng masamang bampira ito. Pero ang totoo, walang balak si Furton na patayin ito. Kasama sa plano ang sanggol, para mapasakanya ang malakas na kapangyarihan balang-araw.
Palalakihin nya ang ito, at uulitin ang pagsasalin sa pagitan nya at ng prinsesa kapag nasa wastong gulang na ito. Para maipasa naman sa kanya ang dugo ni Hevacio na nananalaytay sa ugat nito.
.....
Tumayo sya at itinaas ng dalawang kamay ang sanggol bago sumigaw.
Furton:
"Makinig ang lahat! Ang batang ito ay babasbasan bilang isang tunay na prinsesa ng Halmero. At ako! Ako na bagong Hari! Ang kikilalanin nyang Ama!"
Napailing at napaawang ang labi ng mamamayan. Pero walang sinuman ang nagtangkang magsalita.
Furton:
"Lahat ng narito! Lahat ng nakasaksi sa araw na ito! Sinumang magtagkang magsabi ng katotohanan sa batang ito paglaki nya ay papatawan ng pinaka- masaklap na kamatayan!"
Yumukod muli ang lahat sa kanya. Patunay na lahat sila ay sumusunod sa kanyang utos. Walang binubuhay si Furton, walang awa, alam nila iyon.
.....
Sa loob ng palasyo, sa trono ng Hari ay iniluklok ni Furton ang sarili. Ang mga tapat na bantay at tagasunod ni Hevacio ay pinaslang lahat. Walang itinira kahit isa.
Mahigpit at malupit si Furton gaya ng paniniwala sa kanya ng sariling Ama. Sa bago nyang batas, bawat pamilya ay obligadong magbigay ng isang malusog na hayop dalawang beses sa isang buwan bilang buwis.
Labis-labis na pagkain at inumin ang dugo ng mga ito para sa mga tauhan nya. Wala namang may lakas ng loob magreklamo.
Kahit pa kinakapos na sila sa pagkain ay nanatili silang masunurin. Maraming batas din ang nagbago. Maliit na kasalanan lamang ay hinuhuli at pinahihirapan na ang mga bampira. Ikinukulong, ginugutom, sapilitang pinagtatrabaho at papaslangin kapag wala ng pakinanabang.
Mas lumaki ang kanilang pangkat at bumuo si Kawaye ng mga bagong mandirigma. Sapilitan at wala silang mapagpipilian kundi ang umanib kesa mapahamak maging ang kanilang mga pamilya.