If

1499 Words
Madali ngang makalimot, napatunayan ko na 'yan. Been there, done that. Madali ngang maging masaya, napatunayan ko na 'yan. Been there, done that. Lahat naranasan ko na kasama siya, pero bakit naghahanap pa ko ng iba? Nu'ng nakita ko siya last month sa isang event, halos araw-arawin ko na ang pang-iistalk sakan'ya. Tangina! Lalo siyang gumanda, 'yung mga ngiti niyang nagpapabilis dati nang t***k ng puso ko, ngayon parang gusto nang lumabas nito. Nakakatanga 'di ba? Para akong tanga na malayong pinagmamasdan siya. Nasa isang coffee shop sila ngayon, kasama niya sina Julia. Nagtatawanan sila, mukhang kakatapos lang ng klase nila. Magkaiba kami ng school na pinapasukan ni Jenina, sa Letran ako at siya naman ay sa Lyceum. Nagcut ako ng isang subject para lang makita siya. Tumayo muna ako para mag CR. Iniwanan ko muna 'yung gamit ko sa table ko. Pagkabalik ko ay may nakita akong babaeng nakaupo sa table ko at hawak hawak ang cellphone ko. "Miss mali ka ata ng inuupuan, table ko 'yan." sabi ko kaya napaharap siya sa gawi ko. Nanlaki ang mata ko. s**t! This can't be. "How long?" diretsong tanong niya sakin. So, may alam na siya. Ano pa nga ba? "Last month, after the event." direstong sagot ko rin. There's no way of hiding, she already knew it. "And this?" tanong niya at pinakita sakin ang cellphone ko. Wallpaper ko lang naman ang picture ni Jenina na nakangiti siya habang kausap sina Julia. "I took her picture last week, same place, same coffee shop." sagot ko sabay kuha ng cellphone ko sakan'ya at umupo na sa table ko katapat niya. "Bakit?" tanong niya ulit. Talagang gusto niyang malaman lahat. Pagbibigyan ko siya. "Siya pa rin, Sammy. Si Jenina pa rin pala. I'm sorry." Yes, it's Sammy. Siya ang nakahuli sakin. "I don't care kung mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Nakalimutan ka na niya, Aris. Better shut up and get lost. She don't need you and she'll never need you anymore." mahinahon ngunit halata mong inis siya. "Maaari ngang hindi niya na ko kailangan at hindi niya na ko kakailanganin pa, pero alam ko sa sarili ko na kapag tumigil ako at pinabayaan ko siya, pwede  siyang mawala ng tuluyan sakin." sagot ko sakan'ya. Tumawa siya, "Tingnan mo siya ngayon, look what you did to her." sabi niya kaya tiningnan ko siya, tiningnan ko si Jenina. "Sa tingin mo mahal ka pa niya. Are you jerk? Sige nga, paano mo maibabalik ang matagal ng wala, ang matagal ng sira. Ang tuluyan ng nagbago? Well, f**k you!" sabi niya at tuluyan ng umalis. Paano ko nga ba maibabalik? Tangina! Napasubsob ako sa lamesa ko at pinukpok iyon. Kung hindi ko ba siya pinakawalan, hindi ba ko mahihirapan ng ganito? Kung hindi ko ba siya pinagtabuyan, hindi ba ko magdudusa ng ganito? Kung hindi ba ko naghanap ng iba, hindi ko ba siya matitingnan ng malayo? Kung... tangina! Puro what if's ako. Tama nga si Sammy, gago ako. Napakalaki kong gago. Putcha! Tumigil muna ako sa pang-iistalk sakan'ya ngayon. Kailangan kong mag-isip. Nandito ako sa kwarto ko ngayon at tiningnan ang DSLR ko na punong-puno ng pictures ni Jenina. Kaharap ko rin ang laptop ko na puro videos naming dalawa. Plinay ko ang isa sa mga video. Noong August 21, 201* pa ito. - "HAHAHA Bilis baby!" tuwang tuwang sabi ni Jen, habang nakasakay sa likod ko. Trip na trip niya ang piggy back ride. "'Wag kang malikot para mas mabilis." sabi ko at tumakbo na. Hindi pa kita sa video ang mukha namin, puro ulo at 'yung damuhan lang ang nakikita. "Baba ka na baby." sabi ko at dahan dahan siyang ibinababa sa likod ko. Kinuha ko rin ang camera sakan'ya para siya naman ang matutukan. Tinakluban niya muna iyon, "Isa Aris. Ayoko sabi,e." natatawa niyang sabi. "Alisin mo 'yang kamay mo. Hahalikan kita. Isa..." sabi ko Inalis niya ang kamay at lumapit sakin. Ngumiti ito, "I love you, Jen." sabi ko Namula ang pisngi niya, "I love you too, Aris." "Kiss mo ko." utos ko sakan'ya. Lumapit siya sa camera at ngumuso. Hinalikan niya ang camera. "Ako sabi." inis na sabi ko pero dinilaan niya lang ako at tumakbo na palayo. "Humanda ka sakin." sabi ko at natapos na ang video. - Kung hindi ko siya binitawan, ako pa rin sana. Kami pa sana. Tandang tanda ko 'yung panahong lumuhod siya sa harapan ko. - "Please sakin ka na lang ulit, ako na lang ulit? Tayo na lang ulit, ako na lang ulit baby. Please..." - Pero anong ginawa ko? Pinagtabuyan ko siya. Sinabi kong hindi ko siya kilala. Nagbalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. JB calling... Sinagot ko iyon, "s**t ka 'tol. Nakita mo na ba?" pamungad na tanong niya. "Alin?" tanong ko "Magbukas ka ng instagram." Dali-dali kong binuksan ang IG ko. "Nabuksan ko na," sabi ko "Search mo si Jen." sabi niya  Ginawa ko iyon, clinick ko kaagad ang username niya at 'yung bagong post niya. Video ito, mukhang interview. "Good morning Ms. Mendez." bati nu'ng host. "Good morning din." nakangiting bati naman ni Jen. "Alam naman nating lahat na sikat na sikat na ang librong sinulat mo na entitled, "Finish Line."" Tumango siya, "Sino nga ba ang naging inspirasyon mo sa pagsulat nito?" tanong nu'ng host sakan'ya. Tumawa si Jen, 'yung tawang matagal ko ng hindi nakikita. "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin pa ito pero, ang ex-boyfriend ko ang naging dahilan kung bakit ko naisulat ang Finish Line," tumawa siya "Oh your ex, huh? So who is he?" tanong nu'ng host. Kinakabahan ako, kung ako ba iyon o iba. s**t! Tumawa ulit si Jen, "Kung gusto niyong malaman, you must buy my book and you'll the clue." Doon na natapos ang interview. "JB sale pa ba 'yung book ni Jen?" tanong ko "Oo 'tol. Marami pang stocks. Nandito nga ako ngayon sa SM, e. Pun--" Agad kong pinatay ang tawag, kinuha ko ang susi ng kotse ko. Pinaandar ko na iyon. Potek, kailangan ko 'yung mabili. Nakarating naman agad ako sa SM ang daming tao. Tinawagan ko si JB, "Asan ka 'tol?" tanong ko "Dito sa may Meet and Greet Jenina. Bilisan mo 'tol book signing 'to. Nakapila na ko." sabi niya Pinatay ko na ang tawag, lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis na makarating sa venue. Sobrang daming tao, siguro ay isa si Jenina sa pinakabatang manunulat kaya ganun na lang kadami ang humahanga sakan'ya. Nakita ko kaagad si JB. "'Tol," tawag ko at sumingit sa pila. Sobrang haba pa ng pila. s**t, paano ako makakahabol nito. Kaya pa kaya? Malapit na kami, tatlong tao na lang at kami na ang susunod. Biglang may lumapit kay Jen na babae at may binulong. Nag-usap sila at tumango si Jen. Pagkatapos pirmahan at makipagselfie du'n sa babae. Tumayo na si Jen. Shit! s**t, no way! No way! Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nu'ng host at umalis na ako sa pila. Narinig ko pang tinawag ako ni JB pero hindi ko na siya nilingon pa. Tumakbo na ako sa parking lot, kahit dito ang dami talagang tao. Nakita kong papasakay na sila Jen sa kotse niya. Ang dami pang tao. Tangina,'di ko siya naabutan. Pumasok ako sa kotse ko at tiningnan ang librong hawak ko. Finish Line by: Jenina Mendez Binuklat ko iyon, binasa ko. Lahat ng mga nangyari samin ni Jen nandito sa librong isinulat niya. So, ako 'yung tinutukoy niyang ex niya kanina sa interview. Nagpatuloy ako sa pagbabasa, 'yung araw na naghiwalay kami pati na rin 'yung mga linyang binitawan namin sa isa't isa nandito rin. Hindi ko sinasadyang mapalipat iyon sa pinakahuling page, "I'm done with you. I already stepped my finish line. Now, I'm ready to face the next chapter of my life without you, Aris." Tumulo ang luha ko pagkatapos ko iyong mabasa. If I hugged her tight and beg for her second chance, she will give it to me? If I kissed her and beg for the second chance, she will give it to me? I love you, Jenina. If only I can have you for the second time around, If only I can.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD