Maybe

1138 Words
"Oh, Jenina." iritang tawag sakin ni Julia at ibinigay ang kapeng hawak niya. Inabot ko naman iyon at tiningnan. "Ano ba Jenina?! Tanga ka ba talaga?" sigaw naman sakin ni Bela. Tanga ba ako? Siguro... "Manahimik nga kayong dalawa d'yan, kaya tayo nandito dahil kailangan tayo ni Jenina. Hindi tayo nandito para pagalitan at pagtulungan siya." depensa naman sakin ni Sammy. Lumabas si Bela dahil mukhang nairita na naman siya. Inayos ko ang pagkakabalot ng tuwalya sa katawan ko, hinawi ko rin ang ilang hibla ng basa kong buhok. "Spill it."  Tiningnan ko si Sammy, umiling ako. I don't want to.  Nagblured ang mga mata ko. Nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha ko. Lumuhod sa akin si Sammy at sinapo ang mukha ko at marahang pinunasan ang mga luha ko. Naramdaman ko ring hinalikan ako sa ulo ni Julia, she's crying.  "I'm sorry." sabi ko sakanila. "It's okay, we understand." nagcrack ang boses ni Sammy at tumingin sakin. Nagbabadya na ring tumulo ang mga luha niya. Nakita kong pumasok na rin si Bea na umiiyak. Lahat sila naiyak nang dahil sakin. Ang selfish ko kung hindi ko sasabihin sa kanila ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. - "Let's end this." Nabitawan ko ang hawak kong mga libro ng dahil sa sinabi niya. "Aris, are you serious?" tanong ko na halos hindi ako makapaniwala sa mga lumabas sa bibig niya. Lumuhod siya, niyakap ang bewang ko at isinubsob ang mukha niya sa t'yan ko. "Aris..." nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Bakit? Tanong ko sa sarili ko. "Jenina... wala ng patutunguhan 'tong relasyon na 'to. Kaya habang maaga pa itigil na natin 'to." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Sinapo ko ang mukha niya. "Baby naman," sabi ko Tumayo siya at hinalikan ako sa noo. "I'm sorry baby," Naglakad na siya palayo at unti-unti na siyang nawala sa paningin ko. After that day, ng paghihiwalay namin ay hindi na siya nagparamdam. No texts, no calls, no messages on f*******: and any accounts.  Ang hirap huminga, 4 years naming binuhay ang relasyon na  nand'yan kami sa balikat ng isa't isa. Four f*****g years na tinapos lang niya sa tatlong salita. Tinawagan ko si  JB para tanungin kung anong  ginagawa ni Aris, kung kamusta na siya. "JB, how is he?" "He's doing great Jen." sabi in JB Doing great? He's doing great! After hearing that word, my heart ache and my eyes did the same thing. Walang gabi na hindi ako umiyak. Siguro nga ay nakamove-on na siya ng ganu'n ganu'n nalang. That day comes habang nagjojogging ako sa park nakita ko 'sila'. Hindi na siya nag-iisa, kaya pala. Kaya pala, nasabi ni JB na he's doing great. Hindi ko natiis, nang makita kong nag CR 'yung babae ay agad kong pinuntahan si Aris. "Aris..." nanginginig ang boses na sabi ko. "Jen, anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong. Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod ako sa harap niya.  "Baby..." nagmamakaawa kong sabi. "Jen—" "Please sakin ka na lang ulit? Tayo na lang ulit. Ako na lang ulit, baby. Please..." umiiyak kong sabi sakan'ya. "Jen naman..." sabi niya at itinayo ako. Agad ko siyang niyakap, "Aris, bigyan mo ko ng second chance. Lahat lahat ibibigay ko sayo. Please baby." "Babe!" sigaw nu'ng babaeng kalalabas lang sa CR. Siya 'yung babaeng kasama ni Aris. "Babe let's go." sabi ni Aris sabay hatak du'n sa babae. "Sino siya?" tanong nu'ng babae, habang papaalis na sila ni Aris. "I don't know." sabi ni Aris. I don't know. Ako 'yung ex-girlfriend mo. s**t! Ako 'yung dati mong mahal. Ako 'yung minsan mong minahal.  Then they left me here dumbfounded, naupo ako sa isang bench at nagsimulang humagulgol. Habang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko ay bigla ring bumuhos ang ulan. Wala na akong pakialam kung pagtinginan, pagtawanan o magkasakit man ako. Ang mahalaga lang sakin ngayon ay siya. - "Jenina..." naiiyak na sabi sakin ni Bela. She really cares kahit na pinapagalitan niya ako kanina. Nagsimula na naman akong maiyak. "Let us help you, Jen." sabi ni Sammy sabay yakap sakin. 1 year later... "Julia 'yung banner natin!" narinig kong sigaw ni Bela, napangiti ako. Nandito kasi kami ngayon sa isang event, kung saan may gaganaping marathon. Nasa starting line na ako at umayos ng pwesto. Biglang pumutok ang baril, ibig sabihin ay simula na. Tumakbo na ako. Mga 4 minuto pa lang ay nasa 2 kilometers na ako, kaya mabilis naman akong nakarating sa 3 kilometers kaya mas binilisan ko pa. Naramdaman ko na ring tumagaktak ang pawis ko. Marami ng nagbago makalipas ang isang taon, katulad nga ng sabi nina Julia ay tinulungan nila ako. Hindi naging madali ang lahat, 'yung mga hakbang na ginawa namin, lahat sinubukan ko. I dated other guys, just to forget him. Sinubsob ko rin ang sarili ko sa pag-aaral at pagtakbo, just to forget him. Lahat ginawa ko just to forget him. Mukhang nagsucceed naman kami sa mission namin. Ngayon, kung tatanungin ako. Nakamove on na ba talaga ako? Maybe... Why? Hindi pa rin kasi ako sigurado kung nakaget over na ba talaga ako. Maybe the half of my body says, yes I already moved on, but the other half says that I need more time to fix my heart. Nagbalik ako sa reyalidad. Malapit na ako sa finish line. Nakikita ko na 'yung pulang ribbon. Mas binilisan ko pa ang takbo, unti-unti ay malapit na ako,  Anim na hakbang... Limang hakbang... Apat na hakbang... Tatlong hakbang... Dalawang hakbang... Sa ikahuling hakbang, bago ko maabot ang ribbon ay may muntik ng maabot ito. Nauhan ko siya. Napatingin ako sa kaniya,   "Hey!" tawag ko  "Jen." nakangiti siya pero halata mong hindi umabot sa kaniyang mata, siguro ay nagulat siya dahil hindi niya inaasahang makita ako dito. Ako rin naman nagulat sa kaniya. Oh well, 'di na dapat ako magtaka kung bakit nandito siya. Siya si Aris ang ex kong athlete. Field, water either air sports he knows. Ngumiti ako,  Ako na lang pala ang nakakapit, samantalang siya matagal nang bumitaw. Binitawan ko ang ribbon na hawak ko ng sumigaw sina Julia at yakapin ako. —fin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD