"Hana!"
"Dul!"
"Set!"
Napalingon ako sa likuran ko sa pag-aakalang may tumawag ng pangalan ko.
Napangiti ako ng ibang Hana pala 'yung ibig sabihin.
"Sobrang common talaga ng name na Hannah, kahit anong languange may meaning." sabi sa akin ni Gwen.
"I know." nakangiti kong sabi sa kaniya at muling ibinalik ang tingin sa aking binabasang libro.
"Tara na nga." sabi niya at binitbit na ang bag niya.
Nandito kami sa locker room dahil nagpapalit lang kami ng pam-P.E.
3rd year colloge BS Biology kaming dalawa ni Gwen, blockmates kami simula 1st year kaya nu'ng unang beses naming magkakilala ay hindi na kami nahirapang mag-adjust sa isa't isa.
"Hannah may bagong sulat." sabi sa akin ni Gwen at ibinigay sa akin ang kulay violet na envolope.
Agad ko itong binuksan at binasa.
--
Dear Hannah,
Nakita kita kanina sa may library nagbabasa ng paborito mong libro na Love Letters to the Dead. Maganda ba 'yun? Para kasing ang creepy nu'ng title. Nga pala buksan mo locker mo may gift ako sa 'yo. I hope you like it.
Truly yours,
Nine
--
Napangiti ako pagkatapos kong basahin ito. Ang weird talaga ng codename niya,
"Sino ba kasi 'yang Nine na 'yan? Pa-mysterious effect pa." nakakunot noong sabi ni Gwen habang nagsasapatos.
"Hindi ko pa rin siya kilala." sabi ko at tumayo para buksan ang locker ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang The Universe of Us ni Lang Laev.
"Ano 'yan?" tanong ni Gwen at kinuha ang librong hawak hawak ko. May note na nakadikit dito.
'HANNAH ❀'
"Oy grabe na 'yang secret admirer mo ha?" nakangiting sabi ni Gwen at ibinalik sa akin ang libro, "Nu'ng isang araw lang binigyan ka ng eyeglasses na katulad na katulad ng kay Harry Potter tapos ngayon mamahaling libro, baka sa susunod house and lot na." natatawang dagdag pa nito.
"This is too much. Kailangan ko itong ibalik sa Nine na 'yun." sabi ko at ibinalik ang libro sa locker ko. Hindi ko na ito matatanggap, kung nu'ng dati ay chocolates and flowers lang ang ibinibigay niya, I can accept those kind of stuffs but this one. This is really too much.
"Paano mo ibabalik, e. Hindi mo naman kilala." sabi sa akin ni Gwen.
Napatingin ako sa kaniya at nagpakawala ng isang buntong hininga.
I need to find you.
Lumabas na kaming dalawa ni Gwen ng locker room, habang nag-uusap kaming dalawa ay may nakabungguan ako.
"Hala sorry." sabi ko at tinulungan siyang tumayo.
"Uh okay lang." nakangiting sabi niya kaya lumabas ang dalawang dimples niya sa magkabilang pisngi.
"Are you s—"
"Sky pinapatawag ka ni coach!" sigaw ng isang soccer player kaya tumayo na itong lalaking ito.
"Susunod na ko." sabi niya at nakipagtanguan sa kateam niya.
Humarap muna siya sa akin bago ngumiti at tumalikod.
"Cuevas?" sabi ko habang nakatingin sa likuran niyang unti-unti ng nawawala.
"Captain ng soccer team. 4th year Engineering Department." sabi sa amin ni Jess habang nagpupunas ng pawis, kakatapos lang kasi naming maglaro ng basketball.
"Ah," sabi ni Gwen at siniko ako. "'Yung bente pesos na kwek kwek ko ha?" bulong nito sa akin at tumayo na para magpalit.
Natawa ako sa kaniya dahil siya ang inutusan kong itanong sa mga kaklase namin kung may kilala silang Cuevas.
"Hannah may bagong sulat ka na naman." sigaw ni Gwen kaya tumingin sa akin ang mga kaklase kong babae na natira dito.
"May admirer ka Hannah?"
"Ano bang akala mo kay Hannah, panget?" sarkastikong tanong ni Gwen at umirap.
Kinuha ko iyong sulat at saka binasang muli.
--
Dear Hannah,
Ang cute mong magbasketball kanina. Nagustuhan mo ba 'yung regalo ko? Buksan mo ulit locker mo may regalo ako. (>y<)
Truly yours,
Nine
--
Muli kong binuksan ang locker ko. Not again please.
Napangiti ako ng may makita akong keychain na flower. Katulad ng kanina ay may note na naman ito.
'HANNAH ❀'
"So you'll accept that one?" tanong ni Gwen sa akin.
"Yeah, I'll accept this one." sagot ko at agad na sinabit ang keychain sa aking bag.
"Ah guys may kilala ba kayong Nine?" tanong ko sa mga kaklase kong babae.
"Nine? Meron kaso ang alam ko ay ipapadala na siya sa Japan para exchange student, e. Ang alam ko lang na number pa ang pangalan dito sa universㅡ ." hindi ko na pinatapos pa si Alice.
"Anong fullname niya, year, course or department?" walang paligoy ligoy kong tanong.
"Nine Javier. 3rd year Marketing Department." sagot sa akin ni Alice.
"Ah sige, salamat." sabi ko at saka lumabas na ng classroom.
Naglalakad ako sa may soccer field ng marinig kong may tumawag na Nine.
Napatingin ako sa tatlong lalaking nasa harapan ko na nag-uusap.
"In-accept mo na talaga?" tanong nu'ng isa.
"Yup, sayang kasi, e. Once in a lifetime oppurtunity lang kasi 'to 'pre." sagot nu'ng Nine.
"E, paano si Anne?" tanong pa nu'ng isa.
"Siya ang nagsabi sa akin na kunin ko ang offer na 'to." sagot ulit nu'ng Nine sa mga kaibigan niya at umalis na.
Ugh, naguguluhan na ko. Siguradong hindi iyon ang Nine na nagpapadala sa 'kin ng mga sulat.
Nagbalik ako sa reyalidad ng may tumama na bola ng soccer sa akin paa, mahina lang iyon pero ang daming naglapitan sa akin na mga soccer player.
"Okay ka lang miss?" tanong ng isang lalaki.
Napatingin ako sa isang pamilyar na boses.
"Hi." bati niya
"Uh, hi." naiilang na sabi ko
"Magkakilala kayo Sky?" tanong ng isa sa mga kateam niya na sa pagkakatanda ko ay siya rin 'yung tumawag kay Sky noon nu'ng nagkabungguan kami sa labas ng locker room. Tumango si Sky bilang sagot.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong niya habang buhat buhat ako.
"Okay lang ako, saka 'di mo na ko kailangan pang buhatin." sabi ko sa kaniya.
"Ah sorry." sabi niya at ibinaba ako, "Samahan na kita sa clinic."
"'Wag na, hindi naman ako natamaan ng malakas, e." nakangiting sabi ko. Napakamot siya ng ulo.
"Dito na ko. Salamat!" sabi ko at pumara na ng jeep. Kumaway ako at ganu'n din siya.
Hinintay ko siyang makabalik sa loob ng university kaya nang tumalikod siya ay doon ko nakita ang sagot sa mga katanungan ko.
Cuevas
9
Iyon ang nakalagay sa likod ng jersey shirt niya.
Kinabukasan ay agad akong pumunta sa locker room para tingnan kung may sulat na roon.
At hindi nga ako nagkamali, meron na namang nakalawit na kulay violet na envelope sa locker ko.
--
Dear Hannah,
Alam kong matagal mo na akong hinahanap kaya ngayong araw na ito napagdesisyunan kong magpakita at magpakilala na sa 'yo. Iga-guide ka ng mga sulat na may bulaklak papunta sa akin. Gusto kong ipunin mo lahat ng mga sulat na makikita mo. 3 steps papalabas ng locker room.
Truly yours,
Nine
--
Agad akong naglakad ng tatlong hakbang papalabas ng locker room at may nakita akong nakadikit sa kanan kong dingding.
H ❀
Turn right and go to your classroom.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, agad akong pumunta sa room at ibinigay sa akin ni Gwen ang isang violet na papel at may sunflower ito.
"You know him?" nagtatakang tanong ko.
"Yup, it's for me to know and it's for you to find out." sabi ni Gwen at kumindat
A ❀
Did you see your friend? Haha, so Hannah please go to the stair case and search for one of my teammates. Salazar 24
"Are you Salazar?" tanong ko
"Yeah." sabi niya at katulad ni Gwen binigyan niya rin ako ng sunflower, inalalayan niya ako sa pagbaba papuntang university chapel.
"Salamat." nakangiti kong sabi at pumasok na ng chapel.
N ❀
I hate it how he guided you here. Sabi ko na 'wag kang hawakan. Tss! 3 destination na lang, Hannah see me on Guidance office.
Nakalagay ito sa lalagyanan ng holywater at kagaya rin ng ibang mga sulat ay may kasama itong bulaklak.
Nang makapunta na ako dito ay agad kong hinanap ang sulat.
N ❀
I love your name. Hannah meet me at the soccer field.
Natawa ako dahil nakalagay ang sulat at bulaklak sa bibig ng estatwa ng founder ng university na ito.
Tumakbo ako papuntang field at nanlaki ang mata ko ng makita doon si Sky na may hawak ng isang bulaklak at may banner na may nakasulat na,
A ❀
Hi Hannah, come near please.
"You are—"
Nakangiti si Sky at ngumuso sa likod ko. Tumingin ako sa inginuso niya.
H ❀
Hi I'm Six Alcaraz. It's nice to meet you Hannah.
Napanganga ako sa nakita ko. Is he my secret admirer? Lumapit ito sa akin at saka ngumiti.
"Hannah, I'm Six." ngumiti ito at naglahad ng kamay.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niya.
"Wait, your the guy who call Sky in the locker room and—"
"—And I'm the guy yesterday who asked if you and Sky know each other." pagpapatuloy niya at hindi mawala ang ngiti sa mukha.
Napangiti ako at hinampas siya sa dibdib. Natatawa niya namang pinipigilan ang kamay ko.
"Nakakainis ka! Pinahirapan mo pa ko!" sabi ko at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.
"I really love your name." sabi niya
"My name is a common name." sabi ko at tumingala sa kaniya dahil mas matangkad siya sa akin at hanggang dibdib niya lang ako.
"Nope, your name is very special."
"Bakit naman?" tanong ko
"Palindrome." sabi niya
"Ano?" tanong ko
"Kahit baliktarin mo, it'll always spell as Hannah. Hindi katulad ng name ko na Six kapag binaliktad nine." sabi niya at tumawa.
"Kaya pala Nine ang codename mo." namamangha kong sabi
Tumawa siya at bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Yakap ka ng yakap 'di mo pa nga ko kilala, e. Again, I'm Six Alcaraz. 4th year, Engineering Department. You're 2 years secret admirer. Nice meeting you my 2 years Dear Hannah."
—fin