8

2104 Words

“HINDI KO ALAM kung paano magpapasalamat sa `yo, Cai.” Nginitian ni Cai si Ginger na tinanggap ang ibinibigay niyang puting envelope. Noong isang araw ay binisita siya ng kaibigan sa kanilang bahay. Ikinagulat niya iyon pero mas ikinagulat niya ang dahilan ng pagbisita na iyon. “Okay lang. Basta matulungan kita.” “Babayaran talaga kita kaagad kapag mayroon na. Huhulug-hulagan ko ang pagbabayad sa `yo.” Tumango si Cai. “Basta makatulong sa `yo at sa pamilya mo. Hindi ko pa naman kailangan ng pera. Kapag kaya mo nang maghulog.” Pinahiram niya ng beinte mil si Ginger. Sariling ipon niya iyon. Pambili sana niya ng gusto niyang cell phone pero naisip niya na puwede pa naman ang kanyang luma kaya ipinahiram muna niya ang pera kay Ginger. Sinabi sa kanya ng kaibigan ang pangangailangan ng bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD