6

1115 Words

BINITIWAN NI WILDER ang tinitingnang komiks at pinagmasdan na lang sa halip si Cai na abala sa pagbabasa ng isang libro. Nakangiti ang kaibigan na para bang kilig na kilig sa binabasa. Hindi na niya pinigilan ang sarili na mas pagmasdan ang dalaga. Mula nang unang beses niyang nakilala si Cai ay kaagad niyang naramdaman na magugustuhan niya ang dalaga. Magaan kaagad ang loob niya rito. Ang bait-bait kasi ng mga mata nito. Matamis palagi ang ngiti. Maaliwalas palagi ang magandang mukha. Parang ang sarap-sarap pagmasdan ng mukha nito. Nakakagaan kasi ng pakiramdam. Hindi niya gaanong maipaliwanag pero may ganoon siyang pakiramdam sa tuwing kasama niya si Cai. Kinaaliwan niya ang pagiging masyadong seryoso nito minsan dahil alam niya na kapag humirit ng kakulitan at kalokohan ay pamatay din.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD