bc

MONDEMAR CLAN BOOK 2: THE MAGIC IN YOU

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.4K
READ
contract marriage
fated
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
lighthearted
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Isang babaeng mapanganib. Iyon ang tingin ni Juancho sa mahikerang si Suzy. Natuklasan kasi niya ang plano nitong akitin ang kapatid niyang si Miguel para maging daddy ng magiging anak nito. Kaya handa siyang gawin ang lahat para pigilan ang dalaga. Na napagtagumpayan naman niya.

Hindi nga naakit ni Suzy si Miguel, pero pakiramdam ni Juancho, siya naman yata ang naakit ng dalaga.

Tsk!

Sinasabi na nga ba niya, mapanganib talaga ang babaeng ito.

Ngayon, may panibago siyang misyon.

Ang alamin kung anong mahika ang ginamit ni Suzy para akitin siya.

At gawin ang lahat para si Suzy naman ang maakit sa kanya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Pagod na hinilot ni Suzy ang batok nang makaramdam siya ng matinding pagkangalay. Katatapos lang niyang sumalang sa Magic Show kasama ang dalawang alalay niya. Gusto niyang magpahinga na agad kaya lumabas na siya ng tent –na pinagdausan ng show—at dumiretso sa likurang bahagi ng carnibal kung saan nakatirik ang maliit na bahay na pag aari ng pamilya niya. Nang pumasok siya sa loob ng silid ay hinubad niya ang custome niya na kahawig ng outfit ni Michael Jackson at agad na nagpalit na siya ng damit. Nagpasiya siyang humilata na sa malambot na kama at hindi na nag abala pang maligo. Alas nuwebe y medya pa lang naman ng gabi. Mamaya ay magigising din siya para kumain at saka lang siya maghihilamos. Nang maalala ang performance niya kanina ay hindi niya mapigilan ang mapabuntong hininga at tumitig sa luma at sira-sirang kisame ng kwarto niya. Bigla tuloy ay parang nawala ang pagod niya at parang mas gusto na lang niyang lumabas ulit at magperform ng magic sa mga bata doon. Napapalatak siya at kinamot ang leeg ng biglang mangati iyon. Kahit gusto na niyang magbukas ng electric fan ay hindi niya ginawa dahil nagtitipid sila sa kuryente. Kapag ganoon na nakabukas ang carnabal nila ay malakas ang kinukunsumo nila sa kuryente kaya mas gugustuhin pa niya na magtiis na lang sa init kaysa makadagdag pa siya sa gastusin. Lahat nang pagtitipid ay ginagawa niya para lang matulungan ang lolo Impeng niya. Lumaki at nagkaisip si Suzy sa carnabal na pag aari ng kaniyang lolo Impeng. Ang mga magulang kasi niya ay naghiwalay noong dalawang taon pa lang siya. Walang may gusto sa mga ito na mag alaga sa kanilang tatlong magkakapatid kaya iniwan na lang sila sa lolo niya. Ang kaniyang ama na anak ng lolo Impeng niya ay nagtungo sa Maynila para magtrabaho. Limang taong gulang na siya nang makarating sa kanila ang masamang balita na naaksidente ito at agad na binawian ng buhay. Wala naman siyang balita sa kaniyang ina maliban na lang sa nabanggit ng isang kakilala niya na nakita daw nito ang nanay niya sa Tarlac kasama ang bago nitong pamilya. Kahit mahirap ay matagal na niyang natanggap na kahit kailan ay imposible pang mabuo ang pamilya nila. Matagal na rin biyudo ang lolo Impeng niya kaya hindi rin niya naranasan ang pagmamahal ng isang lola. Mabuti na lang at may mababait na mga tauhan sa carnabal ang lolo niya at ang mga ito ang nag alaga sa kanilang magkakapatid simula noong maliit pa sila. Siya ang bunso at nag iisang babae sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang panganay na si kuya Jepoy ay may kinakasama na at nakapisan ang mga ito sa poder nila. Ang kuya Jonel naman niya ay plano na rin daw magpakasal ngayong taon. Kapag sumasagi sa isip niya ang dalawang kapatid ay napapailing na lang siya dahil sa malaking panghihinayang. Ang mga ito ang ginastusan noon ng lolo Impeng nila at pinag aral sa magandang eskwelahan para parehong may marating sa buhay. Pero sa bandang huli ay puro kalokohan lang ang isinukli ng mga ito sa lolo nila. Matalino si Jepoy pero sa una lang naman pala ito magaling. Hindi pa man nito natatapos ang unang taon sa kolehiyo ay nagbulakbol na ito at sa huli ay nagdala pa ng babae sa bahay nila. Dahil wala itong trabaho at ayaw naman bumalik sa pag aaral ay nakontento na lang ito na umasa sa kinikita ng carnabal nila. Si Jonel naman ay napasama sa masamang grupo at kamuntik pang makulong noon nang mahulihan ng pulis ng pakete ng shabu sa bag nito. Mabuti na lang at umamin ang taong nang frame up sa kapatid niya kaya nakaligtas ito. Second year college na ito nang magdesisyon na tumigil na lang sa pag aaral dahil nahihirapan na daw itong sumabay sa mga kaklase. Malaki ang naging panghihinayang ng lolo Impeng niya sa dalawang kapatid niya kaya siya naman ang pinagbuhusan nito ng atensiyon. Noon ay palaging sinasabi nito sa kaniya na kahit kumuha lang daw siya ng vocational course ay wala naman problema. Babae daw siya at mag aasawa din sa huli kaya bakit pa siya kukuha ng bigating kurso. Pero nagbago ang isip ng lolo niya ng dahil sa kapabayaan ng mga kapatid niya. Siya na lang daw kasi ang natitirang pag asa nito kaya pinag aral siya nito sa magandang eskwelahan sa bayan at kumuha siya ng kursong Accountancy. Noong una ay maayos naman ang takbo ng buhay nila. Malaki ang kinikita ng carnabal at hindi nila problema ang tungkol sa pera. Pero sadyang nagbabago talaga ang panahon dahil mula nang magtayo ng mga establisyemento sa bayan ng Mondemar ay nagsimula nang malugi ang carnabal. Lumipas ang maraming taon na unti unti nang nabubulok ang bahay nila at kinalawang na ang mga ferris wheel nila at iba pang gamit sa carnabal dahil hindi na nila kayang magbayad para sa maintenance ng mga iyon. Third year college na sana si Suzy ngayong taon pero nagpasiya siya na huwag na munang mag aral dahil alam niyang nahihirapan na ang lolo Impeng niya. Ang dalawang kuya naman niya na parehong mga tamad ay hindi nag abalang tulungan ang lolo nila. Dumagdag pa sa problema nila ang pagkakasakit ng lolo niya dahil sa paglala ng asthma nito. Ilang beses itong naospital ngayong taon dahil sa sakit nito. Ang iba sa mga tauhan nila ay umalis na lang at naghanap ng ibang mapapasukan. Ang balita niya ay plano daw mag apply ng mga ito sa malaking amusement park na ginagawa sa bayan nila. Ilan na lang sa mga tauhan nila ang nanatiling tapat sa pamilya niya at hindi sila iniwan kahit na alam ng mga ito na tagilid na ang negosyo nila. Malaki ang pasasalamat niya sa mga tauhan nila na hindi umalis at nagpapasensiya pa rin kahit na madalas ay nahuhuli siyang magbigay ng sahod. Maliban sa pagiging magician niya ay siya rin ang katulong ni lolo Impeng sa pagpapatakbo ng carnabal nila. Hindi kasi niya maaasahan ang dalawang kuya niya sa ganoong bagay kaya pinababayaan na lang niya ang mga ito. Para na rin makadagdag sa kita ay umeextra din siyang clown sa mga birthday party at paminsan minsan ay rumaraket sa mga beauty pageant at madalas na naipapanalo naman niya. Kaya lang ay alam niya na hindi pa rin sapat ang extra income niya para matustusan ang mga pangangailangan nila. Mahal din kasi ang mga gamot na binibili niya para sa lolo niya at idagdag pa na may mga kasama sila sa bahay na ayaw naman magbanat ng buto at umaasa lang sa maliit na kita ng carnabal. Nauwi sa pagtataka ang malalim na pag iisip niya nang makarinig siya ng mga kaluskos mula sa labas ng silid niya. Dahan dahan siyang bumangon at pinakiramdaman ang nangyayari sa paligid. Madilim ang buong bahay dahil hindi na siya nag abala pa kanina na buksan ang mga ilaw. Maliwanag naman kasi ang kwarto niya dahil tumatagos mula sa bintana ang ilaw na nagmumula sa carnabal. Kung magnanakaw man ang nakapasok sa bahay nila at iniisip nito na walang tao doon ay hindi na siya magtataka kung umuwi itong luhaan. Wala naman itong makukuha maliban na lang kung kakayanin nitong buhatin ang mga lumang appliances nila. Pero sa sobrang luma ng mga gamit sa bahay nila ay baka hindi na iyon pag aksayahan pa ng oras ng magnanakaw. Ang pera naman ay palaging dala niya kahit saan pa siya magpunta. Minsan kasi ay nawalan na siya ng pera sa cabinet niya at wala sa mga kapatid niya ang umamin kung sino sa mga ito ang kumuha. Maingat ang mga hakbang na lumapit siya sa pinto at sumilip sa maliit na butas sa gitna niyon. Tumambad sa kaniya ang dalawang kapatid niya na nasa sala at may seryosong pinag uusapan. Ang kuya Jonel niya ay binuksan ang switch ng ilaw at naupo sa kahoy na silya na katapat ng pwesto ni kuya Jepoy. “Kuya Jepoy, anong gagawin natin? Nagdesisyon na si lolo Impeng na kung sino sa ating tatlo ang magbibigay sa kaniya ng panganay na apo ang pamamanahan niya nitong carnabal niya. Papaano ko sasabihin kay lolo na hindi matutuloy ang kasal namin ni Lineth? Nakipaghiwalay sa akin ang syota ko at hindi ko na siya napigilan pa dahil gusto daw niyang magtrabaho sa Japan. At ikaw naman walang kakayahan ang asawa mo na mabigyan ka ng anak dahil tinapat ka na ng doktor na baog ang asawa mo.” “Tumahimik ka nga! Hindi alam ni lolo na baog ang asawa ko.” Napaatras siya ng kaunti nang marinig ang pagalit na sigaw ng kuya Jepoy niya. Sa hitsura ng dalawa ay mukhang aburido at problemado ang mga ito. Naikuyom niya ang mga palad nang maalala ang naging huling pag uusap nilang magkakapatid sa harap ng lolo Impeng nila. Tinapat na sila ng matanda na nararamdaman nito na hindi na magtatagal pa ang buhay nito. Napapagod na rin daw ito dahil sa lumalalang sakit kaya gusto na rin nitong magpahinga at sumunod sa namayapang asawa. Pero bago daw ito tuluyang manghina ay gusto nitong maisaayos ang lahat lalo na ang tungkol sa carnabal na pag aari nito. Ayon sa matanda, ang sino man sa kanilang tatlo na unang makapagbibigay dito ng apo ang siyang magmamana ng carnabal. Kung tutuusin ay dehado na siya dahil wala naman siyang asawa. Marami sa kaniyang nanliligaw pero wala pa naman sa isip niya ang pag aasawa. Pero sa nakikita niya ngayon ay patas naman pala ang labanan. Alam niyang tuso ang dalawang kuya niya kaya gagawa ang mga ito ng paraan para maisahan ang lolo nila. “Ilang taon na lang ba ang itatagal ni lolo sa mundo? Isa o dalawa? Baka nga hindi na siya tumagal pa ngayong taon dahil nanghihina na siya. Kaya kailangan na nating makagawa agad ng paraan, Jonel. Kailangan ay isa sa ating dalawa ang makapagbigay sa kaniya ng apo para mapunta sa atin ang carnabal. Kapag naipangalan na sa akin o sa`yo ang carnabal pwede na nating ibenta ito. Kapag nagkataon ay malaking pera ang makukuha natin dahil malawak na property ito. Bibigyan na lang natin ng parte si Suzy para hindi na siya magreklamo pa.” “Paano ang lolo Impeng?” “Ano ka ba! Wala na siyang magagawa dahil tutuparin naman natin ang hiling niya na magkaroon siya ng apo sa tuhod. At saka malaki rin ang ibibigay nating parte kay Suzy kaya hindi sila maghihirap na dalawa. Kung maunahan man kita at makahanap ako ng babaeng papayag na mabuntis ko ay wala rin naman akong plano na ituloy ang operasyon nitong carnabal ni Lolo. Anong maaasahan natin dito? Kakarampot na lang ang kinikita nila at isa pa kayang kayang bilihin ito ng mga Mondemar. Isang bata lang ang kailangan Jonel, at siguradong magkakaroon na tayo ng malaking pera.” “Ayos!” Tigagal na napakahawak si Suzy sa seradura ng pinto. Hindi niya magawang labasin ang dalawa at isumbat sa mga ito ang mga narinig niya. Ayaw niyang malaman ng mga ito na narinig niya ang lahat at ang tungkol sa plano ng kuya Jepoy niya tungkol sa pagbebenta ng carnabal. Nanghihina ang mga tuhod na natutop niya ang mga labi. Kailangan kong umisip ng paraan. Papa, please tulungan mo ako. Ayokong mawala ang carnabal dahil marami akong masasayang alaala sa lugar na ito. Kailangan kong makaisip ng plano bago pa nila ako maunahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook