CHAPTER 2

1092 Words
“Ano? Sigurado ba `yan dalawang walang pakinabang mong mga kuya sa plano nila?” Napangiwi si Suzy nang marinig ang malakas na tinig ng pinsan niyang si Dorothea. Hindi niya masisisi ang babae dahil kahit siya ay nagulat din sa mga natuklasan. Alam niyang tuso ang mga kapatid niya pero hindi niya akalain na kaya palang umabot sa ganoong punto ang kasamaan ng mga ito. Siguro ay totoo ang madalas na sabihin ng lolo Impeng niya na siya ang nagmana sa kaniyang ama samantalang ang dalawang kapatid niya ay sa ina naman nila nagmana. Mabait kasi ang papa niya at kontento na sa buhay na mayroon sila noon. Kaya lang naman naging magulo ang pamilya nila ay dahil na rin sa pagiging maluho at maldita ng nanay niya. Nakipaghiwalay ito sa kaniyang ama at sumama daw sa ibang lalaki. “Mga g*go talaga sila!” naiinis na sabi pa ni Dorothea. Tumango lang siya bilang pagsang ayon sa sinabi ng pinsan niya. “Ipatira na lang natin, insan?” suhestiyon nito. Noon pa man ay talagang magpakaboyish na si Dorothea at maraming mga kaibigan sa labas na alam niyang mga halang ang kaluluwa. Pinsan niya ito sa mother side at siyang pinakaclose niya sa lahat. Ang ibang mga kamag anak kasi nila ay wala naman pakialam sa kanilang magkakapatid. Si Dorothea lang ang naging kasundo niya dahil simula elementarya ay magkaklase na sila. Inilibot niya ang pansin sa buong coffee shop at malungkot na ngumiti. Noon ay napakasimple lang ng bayan nila. Walang coffee shop o kahit anong establishment na makikita. Palibhasa ay malayo sila sa Maynila kung kaya walang nagtatangkang magnegosyo sa bayan nila. Pero kasabay nang pagbabago ng panahon at nang pagdami ng mga tao ay tuluyan nang naging maunlad ang bayan ng Mondemar. Sa katunayan ay kabilang na ang bayan nila sa isa sa pinakamaunlad at tahimik na bayan sa buong bansa. Mababa ang crime rate sa lugar nila dahil disiplinado ang mga tao at higit sa lahat ay hindi kurakot ang gobernador nila na nagmula pa sa angkan ng mga Mondemar. Sa kabila nang pag unlad ng bayan nila ay parang siya lang ang hindi natutuwa sa mga nangyayari. Ang mga paborito kasi niyang pasyalan noon ay giniba na at ginawang fast food restaurant o kaya naman ay mall. Sa paglipas ng panahon ay nawala na ang bakas ng dating simpleng Mondemar na kinalakihan niya. Ang sabi ni Dorothea ay dapat lang daw na matuwa siya dahil marami sa mga kababayan nila ay nagkaroon ng magandang trabaho. Pero papaano naman siya matutuwa kung mas lalong naapektuhan ang negosyo ng pamilya niya dahil sa amusement park na itatayo sa bayan nila? Sa tantiya niya ay ilang buwan na lang at tuluyan nang magbubukas ang amusement park at nangangahulugan din iyon nang tuluyang pagsasara ng carnabal nila. Siyempre pa ay hindi niya papayagang mangyari iyon. Balak sana niyang isangla ang property nila sa bangko para magkaroon siya ng pera at maipaayos ang buong carnabal. Kaya lang ay hindi pa niya alam kung papaano iyon sasabihin sa lolo Impeng niya. Baka kasi hindi nito magustuhan ang plano niya at lumala na naman ang sakit nito. “Bakit hindi mo na lang sabihin sa lolo mo ang mga nalaman mo? Sigurado ako kapag nalaman ni lolo Impeng ang totoo ay magbabago ang isip niya at ipapamana na sa`yo ang Carnabal.” Napalunok siya at sumulyap kay Dorothea. Mas gusto sana niyang sarilinin na lang ang mga natuklasan niya pero kailangan niya ng tulong ng pinsan niya kaya ipinagtapat niya rito ang totoo. “Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyon, Doro. Maliban sa may asthma si lolo ay mahina na rin ang puso niya. Paano kung mabigla siya at biglang inatake sa puso? Hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag may masamang nangyari sa lolo Impeng ko.” “Anong plano mo? Dapat kasi nakinig ka na sa lolo mo na pakasalan 'yung dati mong boyfriend. Kaya na rin siguro ipinipilit ng lolo ninyo ang gusto niya na mabigyan siya ng apo bago niya ipamana ang carnabal ay dahil gusto ka niyang mapressure at maghanap na agad ng lalaking mapapangasawa.” Huminga siya ng malalim at inusog palayo ang coffee mug na nasa harap niya. Inabot niya ang mga kamay nito at marahang pinisil iyon. “Tulungan mo ako, kailangan kong magbuntis agad.” Nagsusumamong sabi niya. “Ang labo mo naman, Suzy. Papaano ka nga magbubuntis kung wala ka naman asawa?” “Tulungan mo akong makalapit kay Miguel Mondemar. Siya ang gusto kong maging ama ng baby ko.” “Ano?! Bakit ang boss ko?” gimbal na bulalas nito. “Siya lang naman ang pwede dahil may acces ako sa kaniya at ikaw 'yun. Boss mo siya kaya madali mo na lang akong matutulungan. Huwag kang mag alala dahil hindi ako maghahabol sa boss mo. Gagawin ko lang siyang sperm donor, 'yun lang ang kailangan ko sa kaniya. Hindi ang apelyido o pera ng pamilya niya.” “At ano, kapag may nangyari sa inyo, eskapo ka na agad? Labo mo!” “Please?” Napabuntong hininga na lang ito at tumingin sa glass window. Siya naman ay muling inilibot ang mga mata sa buong lugar. Napakunot noo siya nang mapansin sa kabilang table ang isang lalaking mukhang madungis na parang kanina pa nakatitig sa kaniya. Kahit nang humigop ito ng kape ay hindi pa rin nito magawang alisin ang tingin sa kaniya. Nasa likod ito ni Dorothea kaya hindi niya ito magawang ituro sa babae sa takot na mas lalo pa niyang makuha ang atensiyon nito. Pasimpleng pinagmasdan niya ang lalaki. Sa unang tingin ay iisipin niya na pintor ito at naligaw lang doon dahil na rin sa madungis na hitsura nito. May mga gusot pa ang brown t-shirt na suot nito at ang medyo may kahabaang buhok nito na nakatali sa likod ng ulo nito ay medyo magulo din. Nakalimutan na rin sigurong mag ahit ng lalaki o baka hindi lang nito trip kaya hinayaan nitong tumubo ang mga stubbles nito sa mga pisngi. Hindi siguro purong pinoy ang lalaki at mahahalata naman agad iyon dahil na rin sa parang sa mais ang kulay ng buhok nito. Kulay berde ang magandang pares ng mga mata nito na nagpapatunay na may dugo nga itong foreigner. Nang kindatan siya ng lalaki ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Kinagat niya ang mga labi at mabilis na nag iwas ng tingin dito. Tumigil ka Suzy! Hindi ka pwedeng magpadala sa kindat niya. Baby ang kailangan mo at hindi asawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD