Tinupad ni Juancho ang sinabi nito na pagkatapos ng pakikipagnegosasyon nito sa lolo Impeng niya ay magsisimula na ito sa pormal na panliligaw sa kaniya. Nakakatawa man isipin na alam naman niya na lampas na sila sa ganoong level pero kailangan pa rin nitong gawin iyon para daw magkaroon ng pormalidad ang relasyon nila. Alam kasi nito na lumaki siya sa lolo at ang paniniwala ng mga matatanda ay dapat na sa bahay sinusuyo ang babae. Hindi naman nagpahuli si Juancho dahil matapos nitong pormal na magpaalam sa lolo niya na liligawan siya ay madalas na nga itong magpunta sa bagong bahay nila para bisitahin siya. Binubusog siya nito sa mga bulaklak at mga pagkain na ibinibigay nito sa kaniya. Minsan pa nga ay nasosorpresa na lang siya dahil biglang pupuntahan siya ni Dorothea para lang iab

