“Nakita mo na ba si Mr. Right?” Awtomatikong nag init ang mga pisngi ni Suzy nang marinig ang nakakaintrigang tanong ni Tiya Guanda sa kaniya. Mula sa pagsasalansan ng mga de latang sardinas ay nahihiyang nilingon niya ang matandang nanay nanayan niya. “Andiyan na naman po kayo 'eh, bibiruin na naman ninyo ako.” Nakalabing sabi niya. Natawa ito at marahang tinapik ang kaliwang pisngi niya. “Ikaw naman, Suzy parang hindi ka na nasanay sa nanay mo. Ano nga? Tama ang hula ko sa'yo noon, 'di ba?” Nakagat niya ang mga labi habang binabalikan sa alaala niya ang naging basa nito sa palad niya. Sabi nito sa kaniya ay may isang lalaking darating daw sa buhay niya na magbibigay ng swerte sa kanilang lahat. Tama si tiya Guanda dahil mula nang dumating si Juancho sa buhay niya ay nagbago na a

