Three years later….. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Suzy habang nakasandal ang likod niya sa backrest ng sofa at nagpapahinga. Ipinatong pa niya ang mga paa sa coffee table at saka hinilot ang sumasakit na binti niya. Katatapos lang ng interview niya sa isang bangko sa Makati kaya ganoon na lang ang pagod niya. Marami kasi silang aplikante at maswerte siya na isa siya sa mga napili para bumalik sa final interview. “Kumain ka na ba? Nagluto ako ng pancit kanina.” Nag angat ng tingin si Suzy nang marinig niya ang tinig ni Dorothea. Hindi niya mapigilan ang matawa nang makita ang hitsura nito habang bumababa ng hagdan. Kung hindi lang niya alam ang pinagdaraanan ngayon ng pinsan niya ay iisipin niya na ibang tao ang kasama niya sa apartment nila. Ibang iba na kas

