“What are you doing, kuya?” “Stalking.” “Uh, stalking her?” “Yeah..” matipid na tugon ni Juancho habang nakatutok ang mga mata niya sa screen ng laptop niya. Hindi na bago sa kaniya ang pagbisita ni Miguel sa opisina niya ng walang paalam at hinahayaan na lang niya itong istorbuhin siya. “Kailan ka babalik sa isla Camito?” “Bukas.” “Wala na bang mas hahaba pa sa sagot mo, kuya Juancho?” “Bukasssssss.” “Fvck!” naasar na napabuntong hininga ito at naupo sa isang bakanteng silya. Itinukod nito ang kaliwang siko sa mesa at nakapangalumbabang pinagmasdan siya. Wala pa man itong ilang minutong nananatili sa opisina niya ay dumating na ang iba pa nilang mga kapatid. “Seriously, wala bang marunong kumatok sa inyong apat?” “I did. Hindi mo lang narinig siguro,” mabilis na pagdad

