Hindi na mapalagay si Juancho habang hinihintay niya ang tawag ng private detective na kakilala niya. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nag alala ng ganoon at sa isang tao pa na wala naman talagang koneksiyon sa kaniya. Jeez! Naiinip na isinandal niya ang likod sa backrest ng upuan at patuloy na nagmasid sa labas ng kotse niya. “My God, Suzy, ano ba ang pumasok sa isip mo at pumatol ka sa ganoong klase ng lalaki?” napailing siya at mayamaya ay napahinga ng malalim. Kanina ay nagkita silang dalawa sa isang restaurant. May kasama itong foreigner na sa tantiya niya ay halos kaedad lang niya. Minsan na niya itong nakita sa hotel kaya agad na tinawagan niya ang assistant niya para ipabackground check ang lalaki. Bakasyunista pala ang Australyanong lalaki na nagngangalang Janus Smith

