“Good morning!” masiglang bati ni Suzy kay Juancho nang magising ito. Kanina pa siyang alas siyete ng umaga dumating sa hotel at agad na inasikaso ang lalaki. Malinis naman ang suite nito kaya inihanda na lang niya ang damit na isusuot nito at nakaready na rin sa mesa ang mga pagkain na inorder niya. Kahit ang mga gamot na iinumin nito pagkatapos nitong kumain ng breakfast ay inasikaso na rin niya. Nang maalala ang nangyari may ilang araw na ang nakakalipas ay parang biglang sumama ang pakiramdam niya. Kamuntik na siyang mapahamak ng dahil sa kapabayaan niya. Kung hindi siya iniligtas ni Juancho ay baka isang malamig na bangkay na siya ngayon. Masyado kasing naging mabilis ang pangyayari kung kaya hindi na niya napag isipan ang lahat. Ang alam lang niya ay umalis siya noon ng bahay na

