Ilang beses na naikurap ni Suzy ang mga mata habang nilalagyan niya ng shaving cream ang ilalim ng mga pisngi ni Juancho. Dahil naiilang na talaga siya sa makapal na balbas nito ay sapilitan niya itong dinala sa banyo para kumbinsihin na mag ahit. Kaya lang ay sadyang matigas ang ulo nito at kung hindi pa niya kinumbinsi na siya na lang ang mag aahit ng balbas nito ay hindi pa ito papayag sa gusto niyang mangyari. Kanina ay binuhat siya nito at inupo sa counter ng sink. Nakapwesto ito sa pagitan ng mga hita niya habang ang mga kamay ay nakatukod sa magkabilang dulo ng lababong de tiles. Huminga siya ng malalim habang ikinikalat niya sa mga pisngi ni Juancho ang cream. Hindi niya mapigilan ang mailang habang nakatitig ito sa kaniya. Gustuhin man niya itong sawayin ay hindi niya na ginaw

