Pagkatapos umextrang clown sa birthday party ay nagpasiyang umuwi na agad si Suzy. Malaki laki ang kinita niya ngayong araw kaya nakapaggrocery pa siya at bumili ng ulam para sa gabihan nila. Dahil maaga pa naman ay tinakpan na muna niya ng plangganita ang binili niyang bangus na isda at dumiretso sa sala. Mamaya na lang siya magluluto dahil mas gusto niya na makapagpahinga na muna. Kasama niyang nanonood ng TV ang lolo Impeng niya. Nakakatuwang isipin na nitong mga nakaraang araw ay mas bumubuti na ang pakiramdam ng matanda. Hindi na ito madalas na inaatake ng asthma nito. Nakatulong siguro na hindi gaanong maalinsangan ang panahon ngayon dahil malapit na rin sumapit ang tag ulan. Kaninang umaga lang ay pilit na kinukumbinsi pa siya ng lolo niya na gusto na daw nitong bumalik sa tra

