Nakatulala lang si Suzy habang nakaupo siya sa isang may kataasang box at hinihintay ang buyer na kakausapin ni lolo Impeng. Kahit alam niya na wala naman dapat siyang kinalaman sa transaction na iyon ay gusto pa rin niyang makita ang mukha ng buyer. Hindi pa naman kasi sinasabi ng lolo niya kung ano ang pangalan ng taong kakausapin nito. Basta isang araw daw ay nagpunta sa carnabal ang buyer at nang magustuhan ng lolo niya ang plano ay nangako ito na tatawagan ang buyer kapag buo na ang desisyon nito na ibenta ang carnabal nila. "Suzy, wala ka bang gagawin? Hindi ka pwedeng tumambay na lang dito sa opisina ko habang hinihintay ko ang taong kausap ko." Napalabi siya at nilingon ang lolo niya. Naroon ito sa mesa nito at may kung anong isinusulat sa notebook. Umiling lang siya bilang tu

