“Hindi na talaga kita maintindihan kuya Juancho, nakabalik ka na nga pero ayaw mo pa ring hawakan ang mga negosyo mo. Kahit sila mommy nagtataka na sa'yo.” Napapabuntong hininga na lang si Juancho habang patuloy si Miguel sa panenermon sa kaniya. Alam niyang hanggang ngayon ay naninibago pa rin ang mga ito sa kaniya. Dati kasi ay hindi siya ang tipo ng tao na magliliwaliw na lang buong araw at hindi iintindihin ang mga trabaho na nakatoka sa kaniya. Maliban kasi sa mga negosyong pag aari niya sa bayan nila katulad ng hotel at ilang mga commercial building ay may mga negosyo rin siya sa Maynila. Katuwang din siya ng kaniyang ama sa pamamalakad ng kompanya nila. Pero sa ngayon ay wala pa siyang balak na bumalik sa dati niyang buhay. Masyado siyang natutok noon sa trabaho kaya mas gusto

