Kahit na nakaramdam nang panlulumo ay pilit na ngumiti na lang si Suzy matapos niyang bilangin ang perang kinita ng peryahan ngayong gabi. Halos hindi pa umakyat ng isang libong piso ang kita nila at kung magpapatuloy pa iyon ay siguradong hindi matatapos ang taon ay matitigil na ang operasyon ng peryahan. Inihanda na niya ang mga sobreng pinaglagyan niya ng sweldo ng mga tauhan at lumabas na siya ng lumang kwarto na nagsisilbing opisina niya. Ang mga tauhan ay mukhang kanina pa naghihintay sa labas at nang makita siya ay parang nabuhayan ng pag asa na ngumiti ang mga ito. Kahit mabigat ang pakiramdam niya ay pilit na ngumiti siya at pinagmasdan isa –isa ang mga tauhan ng lolo Impeng niya. Kung dati ay lampas kuwarenta ang mga tauhan nila ngayon ay halos wala pa sa kalahati ang mga ito

