Hindi mapigilan ni Suzy na humanga sa mga bagay na nakikita niya sa paligid niya. Para sa kaniya ay mas masarap pang tumambay sa rooftop na iyon kaysa makipagsosyalan sa mga tao sa ibaba. “Ang ganda!” namamanghang sambit niya nang makita ang malaking tent na naroon na kasya siguro ang tatlong tao. Sa labas ng tent ay may mesa kung saan may nakahanay na mga pagkain. Ganoon ang nakikita niyang ayos ng tent sa mga Korean drama na napapanood niya. Sa isang sulok ng rooftop ay may sink at kompleto iyon sa kagamitan. Pwede rin doon magluto dahil may electric stove at refrigerator pa. May mga flowerpot din doon at halatang alagang alaga ang mga halaman dahil malulusog ang mga iyon. Kung siya siguro ang tatangunin ay mas gugustuhin niyang tumira sa ganoong lugar dahil tahimik at pwede siyang m

