Taas noong naglakad si Suzy papasok sa entrada ng malaki at magarang hotel kung saan gaganapin ang party. Masquerade party ang theme ng debut celebration ng isang pamangkin ni Don Federico kung kaya sa corridor palang ay marami na siyang nakitang mga guest na pawang mga nakasuot ng maskara. Nakangiting naglakad siya patungo sa elevator. Sa third floor ang function hall kung saan gaganapin ang malaking party. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan ang mailang habang nararamdaman niya ang humahangang sulyap sa kaniya ng mga lalaking nasasalubong niya. Kahit madalas siyang sumasali sa beauty pageant ay hindi pa rin talaga niya magawang masanay na magsuot ng mga sosyal na damit na nagpapakita ng mga hita at cleavage niya. Ang suot niyang red dress ay talagang nagpalutang sa makinis at m

