“Ang gwapo pala talaga ng mga anak ni Don Federico, ano?” kinikilig na sinulyapan ni Suzy ang katabing si Dorothea na abala naman sa pagkalikot sa cellphone nito. Siya naman ay abala rin sa pagresearch sa sarili niyang cellphone tungkol sa magkakapatid na Mondemar. Nakakainis lang dahil hindi kompleto ang mga impormasyon na nakita niya sa google. Pero hindi na siya nagtaka pa sa bagay na iyon dahil may pagkalowprofile talaga ang mga ito kahit na napakayaman pa. Kahit nga kay Governor Seth Mondemar ay wala rin siyang masyadong nakitang impormasyon sa kahit anong website. Mabuti na lang at may ipinasang litrato sa kaniya sa f*******: nang nakaraang araw si Dorothea. Inutusan daw kasi ito sa mansiyon ng sir Miguel nito kaya nakapuslit ito sa mini library para kunan ng litrato sa cellphone

