SHEINA Baliw na yata talaga si Jeron. Kaya naman pala ganoon na lang siya umakto noong nandoon kami sa isla sa kasal nina Raffy at Yenna, dahil wala naman pala siyang fiancee! Kung tama kasi ang sinabi ng Mommy niya, eh 'di hindi talaga totoong tao ang Febby na yun kung 'di isang painting ng isang babaeng nakatayo sa b****a ng isang kweba! Ibig sabihin, nagsisinungaling siya noon sa airport! Ibig sabihin, single talaga siya! At ibig sabihin, hindi na nga niya talaga inulit iyong ginawa niya noon sa akin! Hindi na siya cheater! Naiinis ako na nagagalit, pero I can't deny the fact na may parte sa akin na natuwa sa nalaman ko. Siguro ito 'yung part ng sistema ko na may feelings pa rin sa kanya. Kasi magsisinungaling naman ako kapag sinabi ko sa sarili ko na wala na talaga akong feelings sa

