SHEINA Gulat na gulat ako nang yakapin ako ng batang lalaki. Maliit pa ito kaya siguro ay wala pa nga yata itong tatlong taon. At dahil maliit pa siya, sa paa ko siya nakayakap. "Mommy!" tawag at palahaw ulit nito sa akin habang isinubsob nito ang mukha nito sa binti ko. Hindi naman ako makakilos sa sobrang pagkabigla, lalo na't nagsimulang umiyak nang bongga ang batang lalaki. Cute pa naman ito sa suot nitong pambatang polo shirt, pero dahil umiiyak ito habang nakalingkis sa binti ko ay nawindang ako nang bongga. "Baby, bakit ka nandito?" dinig ko namang tanong ni Jeron sa bata, kaya't nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Kaagad lumapit si Jeron sa amin tapos kinuha niya ang bata mula sa akin at kinarga ito. "Stop crying na, baby, andito na si Daddy," pag-alo niya pa sa bata. "D-

