SHEINA Ilang araw na rin ang lumipas mula nang magsimula ang klase, kaya't naging busy na ako sa pagtuturo. Nawala na sa isip ko iyong stress sa ginagawa ni Jeron dahil marami akong kailangang gawin araw-araw. Kaya kahit na nilalapitan niya ako at kinakausap, hindi ko talaga siya nabibigyan ng panahon at atensiyon ko lalo na't may advisory class ako na kailangan kong asikasuhin. Ganoon din naman si Joni. Nanliligaw pa rin siya sa akin, pero hindi ko rin siya ma-entertain nang bongga. Ilang beses ko na ngang natanggihan ang mga paanyaya niya sa akin na lumabas kaming magkasama, dahil na rin sa sobrang busy ko sa mga school works na pati sa weekend ay hindi ako tinatantanan. Nagrereklamo na nga sina Claira, Morrie, at Larry dahil kahit sa tambayan namin ay dinadala ko roon ang mga paperwo

