SHEINA "Kailan daw uuwi rito ang Kuya mo?" kalmadong tanong sa akin ni Jeron. Magkatabi kami ngayon sa kama at patulog na sana kami ngunit ang problema, malalim na ang gabi ay pareho kaming hindi pa makatulog. Nakayakap ako sa kanya habang siya naman ay nakatunghay ulit sa madilim na kisame. Panay rin ang buntong-hininga niya magmula kanina. Nag-aalala na ako dahi hindi niya man sabihin, halata naman na katulad ko ay nangangamba siya sa napipintong pagbabalik ni Kuya Kris dito sa San Policarpio. "Sa Linggo raw. Nakabili na raw siya ng ticket sabi ni Nanay," sagot ko. "Gusto pa ngang sumama ni Nanay eh. Kaso may lakad yata ang mga amo niya at isasama siya kaya si Kuya Kris na lang ang pupunta para sunduin ako." "Parang mas natatakot ka na mag-isa lang ang Kuya mo na uuwi rito ah..." pun

