bc

We're Destined (Complete) Sevenity Club Series2

book_age18+
1.5K
FOLLOW
20.1K
READ
HE
heir/heiress
drama
detective
polygamy
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Life is so complicated. Don't try to find the answers of every questions, because until you find the answer and life changes it's question. That's why I hate life sometimes because it's so unfair.

I want to live a simple life without stress and worry. No anger, No sadness. I don't need a lot of stuff. I just want to be happy."-Sese

"My motto for today is find the girl name vivi and marry her right away."-Axer

That is his promise to the little girl before. Dahil iyon lang ang nakakapagpatahan sa batang iyon noong nakikita niya sa duyan na laging umiiyak at mag Isa. Kinakantahan pa niya ito na gustong gusto naman nito.

Vivi balang araw magko-cross din ang landas nating dalawa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Anger
Anger "Sa ayaw at sa gusto mo ipakakasal ka namin sa Isang anak ng kasosyo namin ng Daddy mo sa negosyo!"madiin na sabi ng Ina niya habang nasa hapag kainan sila. Seriously? Kaka-eighteen ko palang noong Isang araw ah! Wala sila para handaan ako o gumawa ng party para sa eighteen birthday ko. Mas pinili nilang um-attend ng party sa ka-business nila kisa sakin na debut ko. Hindi na daw nila pwede i-cancel dahil naka-Oo na sila sa celebrant. Nakakahiya daw kung hindi sila maka-attend. Really?! Mga kasambahay, mga driver, hardenero nila, at mga security guard sa bahay lang ang mga kasama ko sa birthday ko. And I appreciate them all dahil Mahal na Mahal nila ako. Mas ramdam ko ang pagmamahal nila kesa sa totoong pamilya ko. Lalo na ang mga kasambahay namin at ang mag asawang si Nanay Cora at Tatay Thomas. Sila ang mga tumayong totoong pamilya ko simula noong pumanaw ang Papa ko na siyang nagmamahal lang sakin sa buong pamilya namin. I still questioning myself kung belong ba ako sa malapalasyong Bahay na ito. Belong ba ako sa pamilyang ito. Simula namatay si Papa nag iba bigla ang trato nila sakin. Lumabas lahat ang kakaiba nilang ugali. Ayaw din nila na tawagin kong Papa si Lolo. Ako lang kasi ang tumatawag ng Papa sa Lolo namin. Yung mga kapatid ko at mga pinsan ko grandpa ang tawag nila. Lahat ng frustration nila sa buhay, sa trabaho, at ano-ano pang frustration sa buhay nila sa akin nila ibinubunton. Kapag ganun papasok na lang ako agad sa kwarto ko at magkukulong doon. Kahit sa hapagkainan hindi ako sumasabay kumain. Dahil kapag sumabay ako mawawalan lang din ako ng gana kumain. Dahil sa sermon nila sakin na hindi ko alam kung para saan iyon. Kaya mas pipiliin na lang niyang magmokmok sa kwarto niya kesa kumain na kasabay ang mga magulang at mga kapatid niya. Padabog siyang tumayo sa hapag kainan. Aalis na sana siya ng magsalita ang ama niya. "Wag kang bastos! Maupo ka dahil hindi pa tayo tapos kumain at mag usap!"madiin at seryosong sabi ng Ama niya. Pero hindi ako natinag. Sila din ang dahilan kung bakit Ako nakakaganito. Kung bakit naging matigas ang ulo ko. Ayaw kong makinig sa mga sinasabi nila dahil puro lang din naman iyon walang kwenta. Sila ang nagturo sakin kung paano maging kasuwail na anak at kapatid. They make me alone and miserable. They make me feel that I'm useless person. It's like I'm nothing to them eversince. "Bakit Dad? Do you think, makakain pa ako kung puro sermon ang ginagawa niyo sakin sa hapag kainan. It's better to starved to death than staying in this table full of delicious food, but i can't eat anymore because I'm already full of your nonsense lectures to me In front of the food."Wala na akong pakialam kung nagiging bastos na ako dahil sila din naman ang nagturo sakin na maging ganito kabastos. "Wag kang bastos Vienna Serenity! Our decision is final."galit na sabi ng Ina niya. "No matter what hinding hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala! Hindi pa ako tapos sa pag aaral ko! At kaka-eighteen ko lang noong Isang araw. Tapos boom, umuwi kayong parang wala lang. You didn't even celebrate my own birthday! You didn't even greet me! And you guys are here in front of me saying I'm getting married. Like...like what the hell!"iyak niyang sigaw. Umalis siya agad sa agad doon sa dining room. Hindi niya pinansin ang tawag nila sakin. I hate you all! Galit niyang sigaw sa isipan niya. Patakbo akong umakyat sa hagdan papuntang kwarto ng Papa niya. Doon siya nagmomokmok kapag masama ang loob niya. Doon niya kinakausap ang Papa niya. Na kahit magmukha na siyang tanga ay ayos lang. Dahil pakiramdam niya nakikinig ang Papa niya sa mga hinaing niya sa buhay. Hindi na siya lumabas dun maghapon. Si Nanay Cora at ate Nina lang ang may alam kung saan ako kapag nalulungkot ako. Bawal kasi ang kahit na sino ang pumasok dito sa kwarto ni Papa. Pero Wala silang magagawa dahil nasa akin ang susi ng kwarto ni Papa. Marami kaming memorable dito. Mga bondingan namin ni Papa. Lagi ko itong pinapanood kapag gumagawa ito ng likha niya. Minsan ginuguhit din niya ako. At tinuturuan kung paano mag paint at magdrawing. Kaya nagmana ako sa Papa ko dahil hilig ko din talaga ang magpinta. Ang mga likha ni Papa ay kumikita ng milyon-milyon dollars sa bawat Isang painting. Even the exhibition ni Papa dinudumog ng iba't ibang maimpluwensiyang mga tao sa buong mundo. Ganun kasikat ang Papa ko. Kaya marami siyang naipatayong mga ari-arian ng pamilya dahil sa galing nitong lumikha. Na hindi namana ng mga Tito ko. Akong apo lang yata niya ang mahilig sa pag pinta. Ang namana lang ng mga Tito ko ay ang galing nila sa business world na gaya ni Papa. Business tycoon si Papa at naging hobby lang niya talaga yung pagpipinta. That was he said to me before. Hanggang sa naenjoy na niya ang pagpipinta. My Papa was so hardworking and really good person. Marami din itong charities na tinutulungan. He want me to continue to helping less fortunate people. Even though ginagawa naman ng mga anak nito yung mag bigay kada buwan ng donations. Iba parin yung ako mismo ang pupunta at mag-abot ng tulong. Kilala ako ng ilang mga nasa bahay ampunan at mga charity group dahil lagi akong isinasama ni Papa noon kada pasyal niya sa mga Bahay ampunan. Minsan kasama ko ang mga pinsan ko with Papa. Naiisip tuloy niya na baka ampon lang siya ng Papa. Dahil ito lang naman ang nagpapakita ng pagmamahal sa akin. Yung buong pamilya na namin ay ayaw sakin. I don't understand. Nagising siya ng may kumakatok sa pintuan. Pagmulat niya ay madilim na sa loob ng kwarto. Nakatulog pala siya sa sobrang pag-iyak niya kanina. Mga glowing in the dark na lang ang nasisinagan niya sa loob ng kwarto. Hindi pinapatanggal ni Papa yun dahil ako daw ang gumawa nito. Pinilit ko kasi ito na sa wall ng kwarto ni Papa idikit ang mga binili nila nung namasyal sila sa Mall noon. Matagal na eight years old pa lang yata ako noon. Matagal na eight years old palang yata Ako noon. At eighteen na ako ngayon. Ten years na palang nakadikit ang mga ito dito at gumagana pa naman. Bumangon na siya ng hindi natigil ang pagkatok sa pintuan. Hindi niya pinag aksayahan ng oras pa na buksan ang Ilaw dahil sanay na siya sa dilim lalo na dito sa kwarto ni Papa. Pagbukas niya ng pintuan ay nabungaran niya si Nanay Cora at si ate Nina ang Yaya niya. Mahal na Mahal ko ang mga ito. "Sus maryosep kang bata ka!"sabay yakap sakin ni Nanay Cora. "Hating gabi na hindi ka pa kumakain. Nalipasan ka na naman ng gutom. Baka lumala na yang ulcer mo ha! Sobrang nag aalala na ako sa'yo."nag aalalang sabi ng Ate Nina ko. "Kanina kapa namin kinakatok dito. Bakit kasi ayaw mong ibigay samin ang susi nitong kwarto para kung may gawin kang masama sa iyong sarili maagapan ka namin. Diyos ko wag naman sana."sabay bawi din ni Nanay Cora. "Ayos lang po ako."mahina niyang sabi. "Dali na lumabas ka diyan at kumain. Tulog na ang mga tao dito kaya makakain ka ng maayos. Itong ate mo hindi rin kumain kanina dahil nag aalala sayo. Mamaya kayong dalawa na ang magkasakit diyan!"sermon ni Nanay Cora. Ngumiti lang sakin si ate Nina. Ganito minsan si ate Nina. Taga pagtanggol ko sa lahat ng oras. Kahit lamok at langaw pa yan hindi niya palalampasin na sigawan ang mga dedmang insekto. Partner in crime kami nila Kuya Gardo. Masaya itong kasama mabait at malambing. Nakapa alaga pa niya sa akin. Masarap at magaling din itong magluto. Masaya ako lage kapag ito at si Kuya Gardo ang kasama ko. Marami silang alam na nakakatawang kwento. Kaya nawawala ang mga problema at lungkot ko kapag mga ito ang kasama ko. Sila ni Kuya Gardo ang taga hatid sundo sa akin sa paaralan. Pinapanalangin niya na sana balang araw mga ito ang magkakatuluyan dahil dito na sila tumanda. Ayaw daw nila akong iwan. At napamahal na sila sakin kahit hindi ko naman sila kadugo at ganun din ako sa kanila. Parang iyon din ang bilin ni Papa sa kanila noong namatay ito. Hinala ko lang dahil pinapunta niya ang mga ito sa kwarto nito noon at kinausap. Ayaw nilang sabihin 'yon sakin kung ano ang pinag usapan nila ni Papa kahit kulitin ko pa sila. Kinabukasan hindi siya pumasok. Wala siya sa mood at mugto pa ang mga mata niya. Besides, wala naman pakialam ang mga tao dito sa bahay kung pumasok man siya o hindi. O, kaya ay mag-aral siya o hindi. They did not mind it at all. Tsaka ayoko din makita ang mga kuya ko sa school. Lahat ng makita nilang kasama ko sa school ay sisiraan nila ako o kaya'y pagbantaan ang mga kasama ko. Kaya madalas mag-isa lang talaga ako. A loner. Bumaba lang siya ng wala na ang parents at mga kapatid niya sa bahay. Alam naman niyang kahit andito silang lahat ay bihira lang din sila magkita dahil sa laki ng bahay na ito. Nasa kwarto lang siya ng Papa niya o kaya sa kwarto niya mismo. Nagpipinta o kaya ay drawing. Kapag bored siya sa ginagawa niya ay nakikialam siya sa kusina. Nagpapaturo mag bake at magluto. Sa kusina siya sa likod tumuloy dahil doon ang kusina ng mga kasambahay nila. Pagkapasok niya sa kusina sa likod ay kita niya ang ilang sa mga kasambahay at ilan sa mga guards at driver din na kumain na. Masaya ang mga ito. Sa totoo lang mas gusto ko pa yung kagaya nila na kahit gaano pa kahirap ang trabaho nila. At kahit gaano pa kahirap ang buhay ay andun yung saya at contentment sa buhay nila. Hindi rin nila nakakalimutan na tawagan ang mga Mahal nila sa buhay. 'Yong communication nila sa pamilya kahit malayo sila ay napakasolid. Naiinggit ako, oo! Gusto ko din yung may nagmamahal talaga sakin na kapamilya ko. Pero parang lahat sila ayaw sakin. And I don't know why. It's really hard to believe na ako na sarili nilang anak binabaliwala nila. Wala akong nararamdaman na pagmamahal na nanalatay sa katawan nila para sa akin. Nahihiwagaan siya, pero sa tuwing iniisip niyang ampon siya pero malabo 'yon dahil kamukha ko si Daddy at mas kamukha ko si Tito kapatid ni Daddy. Gulong gulo na ang isip ko. I need answers pero yung abogado ni Papa wala ito dito sa Pilipinas. Nasa ibang bansa ito. At sabi niya na kapag nasa twenty one na ako lahat ng nakalagay sa last will testament ni Papa ay pwede na daw ilipat sa pangalan ko. Pero hindi pumayag ang mga anak ni Papa. Isa ito sa dahilan kung bakit galit sila sakin. Halos ipamana kasi ni Papa sakin ang lahat ng ari-arian nito. Wala naman kaso sakin kung hindi matransfer sakin ang mga mana ko. Ang gusto ko lang ay ang makaalis na dito sa puder ng mga magulang ko. Sakanila na ang mana na bigay ni Papa sakin. Kahit pa sabi ng abogado na may dahilan kung bakit halos sakin ipinamana ni Papa ang mga ari-arian nito. Saka ko na lang alimin kapag nakaalis na Ako dito. "Good morning senyorita!"nagulat pa siya ng sabay-sabay silang bumati sakin. Ngumiti siya at lumapit sa mga ito sa hapag kainan. Umupo siya sa bakanteng upuan. "Good morning din po sainyo. Ano pong ulam niyo?"tanong niya dahil hindi siya pamilyar sa ibang pagkain na nakahaing sa lamesa. Pero ang bango at mukhang masarap. "Senyorita, mga simpling pagkain po na madalas inuulam naming mga taga probinsiya Ang mga 'yan. Ginisang ampalaya, Tortang talong, Tuyo at dilis. Meron pa Talbos ng kamote, at okra na may kamatis at bagoong na may kasamang sibuyas at sili. May pritong saging at itlog, longganesa at hotdogs din po."sabi ng Isang kasambahay. "May mangga pa at papaya senyorita kung gusto mo."Sabi pa ng Isa. "Mabuti ito sa'yo senyorita sabaw ng malunggay na may bulaklak ng kalabasa at sitaw. Dinengdeng ang tawag sa amin ang Ulam na 'yan."Sabi ni kuyang security guard. "Gusto ko po 'yun."turo niya sa Tortang talong at 'yung dilis. "Pwede pala ipreto yang saging?"inosenti niyang tanong. "Oo senyorita, Gusto mo ba gawan kita mamaya ng turon o kaya ay minatamis na saging na may s**o?"magiliw na sabi ng isa sa kusinera sa mansion. Tatlo silang taga luto dahil madaming pinapaluto ang mga amo nila malalakas kasing kumain ang mga kapatid niya at si Daddy. Ang kagandahan lang hindi madamot sa pagkain ang parents niya. Pwede ang mga itong kumain ng kahit anong gusto nila. Ayaw kasi nila Daddy na may magkakasakit dahil nalipasan ng gutom. Gusto nito healthy ang lahat. Para yung pera na pampagamot kung sakali ay ibili na lang ng mga pagkain. Mabait naman talaga ang mga parents niya. Sakin lang talaga sila may problem. Bumuntong hininga siya. "Sige po. Kahit ano po basta masarap."ngiti niya. Napansin niyang wala si Ate Nina at yung driver ko si Kuya Gardo. Pati si Nanay wala si tatay nakita ko siya sa may pool naglilinis. "Teka at kuhanan kita ng Plato mo sa kusina."Sabi ng Isang kasambahay. "Wag na po. Meron naman po dito."turo niya sa mga Plato doon sa lamesa. Kaya lang hindi na niya Ako pinansin pa at agad na pumasok sa loob para kumuha ng Plato ko. Hindi niya kabisado ang pangalan ng ibang kasambahay na bago. Pero sa mukha ko sila kabisado. Nakikita at nakakausap ko pero hindi ko natatanong ang pangalan nila. Lahat ate naman ang tawag ko kaya ayos na 'yon. 'Yong mga dating kasambahay lang na andito na ang kilalang kilala na niya. "Ate Medy, nasaan nga po pala si ate Nina at Nanay Cora po?"tanong niya sa isang kusinera nila. "Nag-grocery sila senyorita. Puro busy po kasi kanina ang ibang kasambahay at walang kasama si aling Cora na mag-grocery kaya si Nina na ang tinawag dahil hindi ka niya magising kanina."paliwanag nito. "Pauwi na din siguro sila. Pero senyorita, baka hindi pwede ang mga pagkain ito sa'yo. Wala ka bang mga allergies sa pagkain. Malalagot kami Kay aling Cora at Nina kapag nagkaallergy ka senyorita."may pag aalalang sabi pa ng Isa. "Wala naman po."pero sa totoo may mga bawal siyang kainin at madali lang siya dapuan ng allergies sa katawan. "Ano po ba ang nakahalo sa talong na yan?"turo niya sa Tortang talong. "Itlog, kamatis at sibuyas tapos yung pampalasa na po senyorita." Naisip niyang allergy siya sa itlog. Pero bakit yung Manok hindi naman. Sa isip-isip niya. Si Ate Nina kasi ang nakakaalam sa mga pwede kong kainin at ang hindi pwede. Naiinis na din ako sa sarili ko. Dalaga na ako pero baby parin ako kapag ituring nila. May mga allergies din ako na bawal kainin. Gaya nalang ng itlog at peanuts. Pwede ako sa isda pero hindi ko alam sa mga dry na isda gaya ng mga Tuyo, dilis at iba pa. Hindi ako pinapakain ni ate Nina non eh. Hindi rin Ako pwede sa mga sea food. Nag Ulam siya dati ng hipon at pusit nasarapan siya napadami ang kain niya hanggang sa mangati na siya at hindi makahinga. Hindi siya maarte sa pagkain pero Ang katawan naman niya Ang mag suffer kapag kumain siya ng mga bawal na pagkain. Pero ang kagandahan lang mahilig siya sa gulay kahit anong gulay. "Bawal po sakin ang itlog Ate. Ito na lang po."turo niya sa pritong saging at hotdogs at yung mangga. "Mabuti na lang at nagtanong kami kundi nako...baka kung ano na naman ang mangyari sayo. Baka mapapatalsik pa ako dito."nag aalalang sabi ng Isang kasambahay. "Hindi naman po!"ngiti niya. "Hindi lang kasi ako pamilyar at gusto ko sana tikman. Kaya lang may itlog pala."sagot niya. Mamaya na lang siya kakain ng kanin kapag dumating na sila ate Nina. Balak kasi niyang doon sila sa mausoleum ng Papa niya magpalipas ng araw maghapon. Magpapaluto siya maya ng babaunin nila at yung saging na sinasabi ni ate Mely. Masaya siyang nakikisalo sa mga ito. Lalabas Ang totoong ugali niya kapag kasama niya ang mga itinuring siyang pamilya. Totoong nakakatawa siya ng malakas lalabas ang pagkamaluko niya at kwela na ugali. "Aba mukhang masayang masaya ang baby damulag namin ah!"bungad ni Ate Nina. Nakangiti itong nakatingin sakin. Pero nawala ang ngiti nito ng makita ang mga nakalatag na pagkain sa lamesa. "Nako! Bawal Ang mga pagkain na Yan sa'yo, Vivi."agad na sabi nito. Ininspeksyon agad nito ang pagkain na nasa plato ko. "Saging na prito lang po at mango kinain ko. Tsaka yung hotdog din. Gusto ko sana yung Tortang talong at yung 'yong cute na dry fish. Dilis daw iyon ate. Gusto ko din itry Sana 'yong sabaw na sinasabi ni kuya ei. Pero sabi niya may bagoong baka daw mangati ako."paliwanag niya agad at baka magagalit na naman ito sa mga kasama. "Mabuti naman diyos ko, pinakaba mo ako. Ayoko lang kasi na maulit muli yung sinugod ka namin sa hospital dahil sa allergy mo at hindi makahinga. Wag mong pilitin ang sarili na kumain ng pagkain na alam mong bawal kung 'yang katawan mo naman Ang mahihirapan. 'Wag mong intindihin ang sinasabi ng ibang tao. Lage kong sinasabi na hindi ka maarte nagkataon lang na may mga allergies ka. Naiintindihan mo ba?"mahaba nitong sabi sa'kin. Sobrang nag aalala na naman ang Ate Nina ko. Kaya ngumiti na lang ako sa kaniya. "Yun din kasi ang sabi namin saknya kanina. Nako, ang Ingay mo pa naman magalit. Kairita!"kumamot pa ito sa ulo na sabi ng Isang kusinera sa bahay. Nagtawanan kaming lahat dahil totoo naman kasing maingay ito. Natawa pa siya lalo ng makitang lumaki butas ng ilong nito. Si kuyang Abel ang pinaka head chef sa Bahay talaga namang magaling at masarap talaga ito magluto. Busy na yun sa kusina ngayon. Sinabihan niya si ate Nina na gusto niyang pumunta sa mausoleum para bumisita sa Papa niya doon. Nagpaluto din siya ng babaunin nila at nagpaluto din siya ng minatamis na saging na may s**o. Gusto niya yun tikman. Iba din pala yung bilo-bilo na niluto nila noong Isang araw. Akala niya iisa lang sila. Masarap din yun. Itong dalawa ang laging kasama niya kahit saan siya magpunta. Driver at bodyguard ko na si kuya Gardo, dahil ayaw ko ng ibang bodyguard na kasama. Yun ang gusto ni Daddy pero ayoko. Kaya si kuyang Gardo na lang ang driver at bodyguard ko at si ate Nina. Sana talaga sila ang magkatuluyan. Ako ang taga solsol sa kanilang dalawa. Na tinatawanan lang ni ate Nina. Pero si Kuya Gardo gustong gusto niya si ate Nina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook