Independent
Pagkatapos niyang kumain ay umakyat siya agad sa kwarto niya para ihanda ang mga dadalhin niyang sketchbook, laptop at yung mga notebooks niya para dun gagawin ang mga project niya at assignment. Mas makakapag-isip siya dun kisa sa bahay nila.
Masaya silang tatlo na nagku-kwentuhan, itong dalawa talaga ang pinakaclose niya aside kay Tatay Thomas at Nanay Cora niya. Parang sila ang mga magulang ko at si Ate Nina at si Kuya Gardo naman ang nakakatandang kapatid ko. How I wish gano'n na lang. Kesa 'yong ganito binabaliwala Ako ng sarili kung pamilya.
Si Kuya Gardo parang fourty plus na ito pero hindi pa halata dahil may itsura din naman ito. Si ate Nina naman Thirty five na siya pero dahil sakin nakalimutan na nitong magboyfriend o mag-Asawa dahil ginawa na niya akong Isa sa priority niya sa buhay maliban sa pamilya niya. Nakilala ko na din ang parents niya at mga kapatid thru video call.
"My dream is for you two to be couple and stay together forever. And you will have many childrens to come. Magiging magandang Ninang nila akong lahat."out of nowhere bigla na lang niya 'yon nasabi.
Nasamid bigla si ate Nina sa sinabi ko. Natigilan din sa pagsasalita si Kuya Gardo.
"Ay ano ba 'yan. Ako'y nasamid pa dini. Kung ano-ano sinasabi mong Bata ka!"nauubo pa nitong sabi.
Natawa ako sa itsura niya.
"Sorry, ate Nina."lambing niya dito.
Sumimangot lang ito. At inirapan si kuya Gardo ng marinig nitong tumatawa na.
Mga Thirty minutes ang biyahe dahil matraffic. Pagkatigil nito sa sasakyan ay agad siyang bumaba at patakbong lumapit sa mausoleum ng Papa niya. Kinuha niya yung susi sa bulsa niya at binuksan ang gate. Tinanggal muna niya ang susi pagkabukas niya at binulsa ito. Patakbo siyang lumapit sa marmol na nitso ng Papa niya katabi ng nitso ni Mama Margarita niya.
Hindi na niya ito nakita ng personal. Wala pa daw siya at hindi pa nagagawa ng mamatay ang Mama Margarita niya. Dapat Lola at Lolo ang itawag ko sa mga ito kaya lang ayaw ni Papa. Mas gusto daw niya na Papa itawag ko.
Pero yung dalawa kong kapatid at mga pinsan ay Lolo or grandpa ang tawag nila. Pero sakin ay Papa. Hinayaan ko na lang at hindi na nagtanong pa. Gusto din naman ni Papa na 'Papa' din ang itawag ng mga kapatid at pinsan ko pero nasanay na daw sila sa Lolo o grandpa.
Lumapit muna siya sa nitso ng Mama Margarita niya at nagpray bago lumapit sa nitso ng Papa niya. Padapa siyang humiga sa ibabaw ng nitso ng Papa niya. Ilang minuto din siyang ganun ang pwesto bago siya bumangon at umupo sa ibabaw ng nitso nito.
Malawak sa loob ng mausoleum may mga upuan na pahaba na gawa sa marmol na nakadikit sa pader ng bentana kabilaan iyon. May gawang marmol din na lamesa at upuan. Sa kabila naman ay may bilog na lamesa na babasagin at apat na upuan.
Sa harap ay may mga picture sila Mama Margarita at Papa Sebastian pinagitnaan nila ang isang malaking marmol cross na nakadikit sa pader.
Nakita niyang lumapit si ate Nina sa altar at pinalitan ang mga bulaklak na nakalagay sa flower vase.
Bago sila pumunta dito dumaan muna sila sa flowershop na paborito niya ang Osmeler Flowershop. Lagi silang madaming bagong paninda na iba't ibang klase ng bulaklak. Sikat ito na flowershop at talaga namang marami silang customer na bumibili at nag-ooder doon. May mga branch na din sila sa iba't ibang Mall dito sa Manila.
One time na nadaan sila dun para bumili ulit ng bulaklak saktong ang anak ng may Ari ang nagbabantay dun. Napatulala pa siya dahil sa anking nitong kagwapuhan. Pero Isang beses ko lang ito nakita doon at mahigit isang taon na yata niyang hindi nakita ito. Pero yung mukha niya nakatatak parin saking isipan at kabisadong kabisado ko pa siya. Palangiti ito at palabiro. Kaya siguro na hypnotized siya lalo na sa ngiti nito.
"Hoy! Tulala ka na naman diyan! Namimiss mo ang Papa mo o namimiss mo si flower boy? Ayeh... kinikilig yan!"sabay kiliti sakin ni ate Nina.
"Hindi ah!"pero nakatawa siya at pakiramdam niya nagblush pa siya.
"Bata ka pa para magkagusto sa isang lalaki. Crush lang muna ngayon."singit naman ni Kuya Gardo.
"Umalis ka nga dito ang KJ mo Dodong!"irap ni ate Nina.
"Hindi ako KJ sinabi ko lang na crush muna sa ngayon. Kahit nasa legal age na si Vivi, bata parin siya at inosenti. Mas maganda yung payuhan sa Tama at Mali hindi yung parang kinukonsenti at sinusolsulan mo pa."sermon nito.
Tama nga si ate Nina KJ ito. Tama din naman si Kuya Gardo sa pinupunto niya.
"I'de, Ikaw na ang magaling Dodong! Parang binibiro lang ang alaga ko ei. Tsaka nakakabwesit ka pa! Inaway mo yung nanliligaw sakin na driver sa kabilang mansion aba, Tatay ba kita?!"inis nitong sabi.
"Si Vivi, bata pa okay lang na pagbawalan mo. Pero ako sobrang lagpas na ng kalendaryo ang edad ko bakit inaaway mo mga manliligaw ko?! Agin hindi kita TATAY!"irap niya ulit.
"Hindi kita pinipigilan eneng. Nilalayo lang kita sa kapahamakan."agad na sagot naman nito Kay ate Nina.
Napahagikhik siya sa bangayan ng mga ito. Nawawala talaga ang lungkot niya kapag kasama niya ang dalawang ito.
"Hala sige kayo maririndi si Papa sainyo baka bigla siyang babangon at paluin kayo ng baston niya."natatawa niyang sabi.
Ship niya talaga ang mga ito. Halata naman na may gusto sa isa't isa eh. Kunwari pa sila. Tumigil din silang dalawa. She smirk.
"Ay! Nakalimutan kong dalhin yung bag ko. Nandun mga dala ko ei."simangot niya. Naupo siya sa nakitang upuan dun at humalukipkip.
"Nandito iniwan mo kaya sa loob ng sasakyan basta ka na lang tumakbo papasok dito. Hindi mo alam na madami kaming bitbit na baon!"sita ni ate Nina sa akin.
Napatayo siya bigla at umaliwalas ang mukha niya.
"Talaga? Nasaan?"tanong niya dahil hindi niya makita. Mediyo malabo na din mga mata niya.
"Nandito."sabay abot naman ni Kuya Gardo. Masaya siyang lumapit doon at kinuha ang bag niya.
"Salamat sainyo. The best talaga kayong dalawa. Sana mag asawa na kayo!"hagikhik niya sabay layo sa mga ito.
Nagmusic siya bago sinimulan na Gawin ang mga assignment niya at yung project niya sa fine art major of painting and sculpture. Nahirapan siya sa sculpture pero gusto niya yun.
Pangarap niya magkaroon ng sariling shop na pagawaan ng mga vase at kung ano-ano pa. And syempre yung painting niya. She want to be his Papa. I want someday to have my own exhibition of my own painting and sculpture.
Pangarap din niyang matulungan ang mga batang may mga pangarap pero kapos sila sa buhay para makapag aral. Kaya gusto kung maging independent para magawa ang mga gusto kong gawin.
Gusto kong magkaroon ng sariling bahay ampunan to help homeless childrens and old people na wala ng mga pamilya at mauuwian. Pero magagawa ko lang yun kapag nasa tamang edad na ako. Sa ngayon pagbutihin ko na lang muna ang pag aaral at makapagtrabaho para sa pangarap na gusto kong matupad.
"I can do it!"sigaw niya bigla.
"Anong nangyayari?"agad na lumapit si ate Nina sakin. Mukhang nag aalala pa ito sakin.
"Wala po. I'm just cheering myself."ngiti niya dito. Nakahinga ito ng mabuti.
"Tumayo ka na diyan at kakain na tayo. Ilang oras ka ng nakaupo diyan. May natapos ka ba sa ginagawa mo?"tanong nito.
Ngumiti siya at pinakita ko ang ginawa ko. Napawow ito ng ipakita ko ang sketch na ginawa ko. Gusto ko gumawa ng sculpture na hindi lang sa sketch ko ginagawa. Kaya naghanap ako online at may nakita naman ako. Sasabihin ko mamaya kay Kuya Gardo para mapuntahan ang lugar.
"Opo Ate. Ligpit ko lang mga ito."Nalungkot na naman siya pero agad niya winaksi ang lungkot na nararamdaman niya.
Kapag pumupunta kami dito sila Ate Nina at Kuya Gardo na din ang naglilinis sa loob. Meron na din banyo sa loob at simpling chapel sa dulo. Malawak sa loob at mas gusto ko dito magtambay araw-araw. Kaya lang minsan pumupunta din mga parents niya at mga Tito niya at ang pamilya ng mga ito. Kaya hindi pwede na lagi ako dito. Ayoko silang makita masasakit lang na salita ang matatanggap ko sa mga ito. Lalo na sa mga Asawa at anak ng mga Tito niya.
Mabait sakin yung bunsong kapatid ni Daddy. Kaya lang masama ugali ng asawa at anak niya. Kaya Iwas ako as much as possible.
"Dalian muna diyan! Kakain na tayo! Nagugutom na yata yung lalaki dito kinakain na pati segarilyo niya. Bwesit siya!"inis na sabi ni Ate Nina.
Natawa siya dahil ayaw na ayaw ni ate Nina ang lalaking naninigarelyo. Minus ten si Kuya Gardo pero may ninety percent pang natira so, may pag asa pa siya kay ate. Napahagikhik siya sa kalokuhan.
Pumasok muna siya sa banyo para maghugas at umihi na din. Paglabas niya nakita niyang kinukulit ni kuya Gardo si ate Nina. Kinikilig siya. Bagay na bagay talaga sila. Kaya nagkubli siya saglit at kinuhanan niya ang mga ito ng video at picture. Gagawan ko sila ng portrait kapag may time siya. Ireregalo niya yun kapag silang dalawa ang magkakatuluyan.
"Wow! Ang sweet nila."patay malisiyang sabi niya habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha niya.
Humalaklak lang si kuya. "Maupo kana dito senyorita."
Sumimangot siya pagkarinig sa tawag nito sa'kin. Alam nitong ayaw kong tawagin nila akong senyorita dahil diko naman yun deserve matawag na ganun. Gumanti ba ito sa pang aasar ko sa kanila. Tsk! Kaartehan nila! She roll her eyes.
"Hindi ako senyorita okay!"simangot niya.
"Bawal sumimangot sa harapan ng pagkain."Sabi nitong natatawa.
"Kain na Vivi."Sabi ni ate Nina.
Nagpasalamat muna sila sa panginoon bago kumain. Nasanay siyang asikasong asikaso siya ni ate Nina. Kaya kailangan ko na din na matutunan lahat ng gawin kahit sa pag lilinis at paglalaba dahil balang araw bubukod na siya ng tirahan. Para hindi na mahirap sakniya ang mamuhay mag Isa.
"Ako na ate Nina. Dalaga na ako, kailangan ko na din matotong tulungan ang sarili ko sa gawaing bahay. Binabalak ko na kasing maging independent. Bumukod na ng sariling bahay. Pero hindi ko gagamitin ang mga condo at yung penthouse ko na regalo sakin ni Papa noon. Gusto ko yung simpling pamumuhay lang."mahaba niyang paliwanag sa mga ito.
"Ayaw mo na ba kaming makasama. At naisipan mong bumukod na?"malungkot na sabi ni ate Nina.
"Hindi pa naman sa ngayon, kailangan ko lang muna matoto sa lahat para balang araw hindi na mahirap para skin ang mag Isa. Tsaka hindi porke gusto kong mapag Isa ay kakalimutan ko na kayo. Walang ganun. I'm still wishing that one day makita ko kayong ikakasal at masayang nagsasama balang araw."Ngiti niya sa mga ito.
Nakita niyang sumimangot si Ate Nina. Bahagyan naman na ngumiti si Kuya Gardo.
"Yung gusto mo ng mag-isa pero nasingit parin ang pang aasar mo sakin. Pero alam mo naman na hindi kita pwedeng Iwan mag Isa d'ba?"paala ni ate Nina.
"Kaya ko po ang sarili ko. Kaya kong protektahan sa kahit na sinong magtangka sakin ng masama. Umaattend parin naman ako ng martial arts including indoor firing range kasama ko si Kuya Gardo. Ang kailangan ko na lang matutunan ay ang gawaing bahay. Alam ko na ang magluto. Turuan mo nalang po ako maglaba at magplantsa Ate."paliwanag niya.
"Desidido kana ba talaga sa Plano mo ha? Paano na ako wala na akong gagawin sa mansion niyo baka mapapaalis na ako dun."malungkot nitong sabi na parang maiiyak na.
"Ang drama mo. D'ba taga kuskos ka ng mga kubeta sa mansion. Wag kami!"pang aasar ni Kuya Gardo kay ate Nina.
Binato siya ni ate ng nahawakan nitong saging. Humalaklak ako ng tawa sa kakulitan ni Kuya. Nasalo naman niya ito at binalatan sabay kain ito. Napabungisngis na naman siya.
"May ginagawa ka naman po sa mansion ate ah. D'ba nga parang balak niyo pa mag hire ng dalawang katulong e, ang dami niyo na sa bahay ei."taka niyang tanong.
"Ano ka ba Vivi, Yung bahay niyo hindi lang basta mansion yun. Parang Bahay na yun ng royalty family sa ibang bansa. Kasing lawak na yata ng Mall of Asia yung mansion niyo. Yung kwarto mo alam mo ba ha? Mas double ang laki ng kwarto mo kisa sa bahay namin sa probinsiya. Nahihirapan kasi ang mga taga linis at taga laba. Ang kakapal na mga kurtina ang nilalabhan at mga bedsheets at lahat na. Sobrang lawak ang linisan sa loob hindi kaya ng apat yun. Hindi lang dalawa ang kailangan na kasambahay dun anim yata. Kailangan pa ng Isang hardenero."paliwanag niya sakin.
"Exaggerated ka naman na kasing laki ng mall of asia yung Bahay. Hindi ah! Malawak yung Mall na yun kisa sa mansion."tanggi niya dahil yun naman ang totoo.
"Tama ka diyan, Vivi. Idamay pa ang Mall of Asia eh. D'ba naligaw ka dun noon. Gabi ka na noong nakauwi ka sa mansion?"pambubuska ni kuya Gardo.
Humalaklak siya ng maalala ko yun. Kwento ni ate Mely yun sa amin.
Seven years old palang daw ako noon alaga na niya ako. Sumama daw ito sa Mall nun kasi off day din niya at sabay sila ni ate Mely ang labas. Nagpasama daw ito kay ate Mely na iihi pag labas niya hindi na daw niya nakita si ate Mely. Kaya naglakad-lakad siya para hanapin ito. Pero hindi niya na mahanap at nagkandaligaw ligaw daw siya.
Hindi siya marunong magbasa noon ng mga sign at arrow at first time niya sa mall of asia pumasok that time. Ayon ginabi ang uwi akala ni ate Mely nauna ng umuwi si ate Nina. Kaya umuwi na din ito. Pagkarating sa mansion wala pang Nina itong nadatnan. Akala tuloy nila nakidnap na. Sobrang kaba at alala pa naman nila.
Stress na stress daw yung mukha niya pagkadating sa mansion. Mukhang hinabol daw ito ng benteng maligno sa itsura nito. Kaya hindi niya mapigilan na naman ang humalaklak.
"Sorry ate naalala ko lang kasi, and that was so funny sa totoo lang po."hagikhik niya. Kasalanan ito ni kuya ei.
"Oo na! Best moment ko kaya yun!"ingos nito saamin ni kuya Gardo.
"Naligaw ka din sa mansion noon d'ba? Ilang beses na. Hindi mo alam saan labasan noong pumasok ka sa dinning room. Sa Sala ka lumabas tapos hindi mo na ulit alam saan papasok sa kusina. Kaya lumabas ka nalang ng main door at umikot ka papuntang likuran sa kusina natin noon."humalaklak silang dalawa ni kuya Gardo.
Buti hindi agad napipikon si ate Nina, sisimangot lang ito. First time niyang marinig iyong kwento na yun kaya hindi siya matigil sa pagtawa.
"Tama na sa pagtawa kayong dalawa baka kabagin kayo. Naiingayan na rin sila Don Sebastian at Donya Margarita. Mamaya multuhin kayo diyan!"irap nito.
"Pwede ka naman makitawa samin eh!"pang iinis pa ni kuya. "Atsaka ikaw lang naman ang takot sa multo nandamay ka na naman!"tumatawang sabi ni Kuya Gardo.
"Tama po, Ikaw lang ate Nina ang takot sa multo. Kapag kausap ko nga si Papa sa picture hindi kana mapakali eh. Akala mo babangon bigla si Papa sa lupa."hagikhik niya.
"Alam mo Vivi, yang ate mo noong tinawag kami ni Don Sebastian sa kwarto niya noon. Kinausap kami. Tapos itong si Nina sumingit bigla at sinabing. 'Nako, Sir, kung mamamatay na kayo ngayon sana wag naman sa harapan namin baka kami ang una mong multuhin! Diyos ko!' Mag sign of the cross na sana siya ng paluin siya ni Don Sebastian ng baston nito."halakhak ni Kuya Gardo.
"Sinabi niya kasing mamamatay na siya pero mali pala ako sa pandinig. Kung sakali lang pala yun!"kumamot ito sa ulo pero maya't maya ay parang may naalala ito.
"Pero noong tinawanan mo ako pinalo ka din ni Don Sebastian. Nagreklamo ka pero pinalo ka ulit mas malakas pa. Yung Isang palo dahil daw tinawanan mo ako. Yung pangalawa dahil nagreklamo ka!" tumawa kaming dalawa ng malakas ni ate Nina. Gantihan silang dalawa ng mapang asar na Banat sa isa't isa.
Sigurado na siya na ang mga ito ang magkakatuluyan someday I pray for their happiness.
Hapon na ng maisipan nilang umuwi pero pagkarating nila sa bahay andun na Ang Mommy niya. Nakahalukipkip sa harapan ng pintuan. Nakasimangot ito at mukhang galit. Sermon ang abot ko sa kaniya dahil hindi ako pumasok sa paaralan. Tsk! Kelan pa sila may pakialam sa akin. Ngayon lang yata dahil kailangan daw maganda ang record ko para hindi sila mapahiya sa pamilya ng lalaking ipapaasawa nila sakin.
Sumagot siya pero sampal lang ang inabot ko sa kamay ng kaniyang Ina. Nagulat pa siya ng sumigaw si Daddy. Nakita nitong sinampal ako ni Mommy. Kahit pangit din ang ugali ni Daddy, never niya akong pinag bubuhatan ng kamay . Si Mommy lang.
"I told you Claudia, don't hurt her!"galit na sabi ni Daddy.
"Matigas kasi ang ulo ng batang yan! Dapat lang yan sa kaniya."inis na sabi ni Mommy.
Hindi na niya pinakinggan pa ang sagutan ng kaniyang mga magulang patakbo na siyang umakyat sa hagdan papuntang kwarto ng Papa niya. Hindi niya namalayan na nakasunod pala sa likod niya si ate Nina. Nag aalala ito sakin. Kaya dalawa silang pumasok sa kwarto ni Papa kahit ayaw sana niya itong papasukin dahil mas gusto niya ang mag Isa.
Sana pala hindi ako masyadong nagsaya at kakatawa kanina dahil may bad luck na darating yun Ang laging sinasabi ni Nanay Cora sakin and totoo nga iyon.
Malas siguro akong ipinanganak sa mundong ito....