My birthday
"It's my birthday"malakas niyang sabi pagkabangon niya sa kama niya.
Bababa na sana siya sa kama niya para maligo ng may makita siyang ipis sa higaan niya. Napasigaw siya at tumalon agad paalis sa kama. Napatili na naman siya ng may makita sa sahig. Imbes pumasok sa banyo ay mabilis siyang nagtungo sa pintuan pero may nakita siyang gumagapan sa pinto.
Kahit anong gawin ko talaga takot ako sa ipis hanggang ngayon. Simula noong bata ako na-experience kong habulin ng ipis. Kapag umilag ako haharangan ako dati. Kapag kumaliwa ako kakaliwa din Ang ipis. Kapag hahampasin ko mas lalong susugod sakin. Hindi Ako dati takot until I encountered that kind of cockroach. A flying cockroach na lilipad at didikit pa sa'yo.
Pero napansin niyang may tali. Tapos hindi gumagalaw ang ipis. Nilakasan niya ang loob na tignan kung plastic cockroach ito o totoong ipis. Nakahinga siya ng maluwag ng fake lang pala. Ito ba ang surprise nila sa birthday ko. Halos himatayin na ako sa takot. Sana pala hindi ko na lang sinabi na takot ako sa ipis.
What a surprise! Napabuga siya ng hangin.
Lumabas na ako ng kwarto ko kahit wala pa ako mumog at hilamos. Hindi ko makita ang mga kaibigan ko tulog pa yata sila lumingon siya sa orasan alas otso na ng umaga. Ang aga kaya nagigising ang mga kaibigan niya.
Nagulat na naman siya ng may makitang ipis sa lamesa. Iyong cake na nasa lamesa malaking ipis din. Binasa niya ang nakasulat 'HBD Insect Queen' Ako? Insect Queen? Malala na sila. Baka ibig nila sabihin Takot sa insekto.
Napasigaw na naman siya ng may pumutok at nag hulugan na confetti. Nakarinig siya ng halakhakan. Sumimangot siya. Napatigil lang ang mga ito ng makitang hindi siya maayos.
"Happiest birthday Senyorita wild wild wet!"bati ni Sahela. Pero natigilan ito.
"Namumutla ka? Elle, kumuha ka ng tubig. Natakot nga siguro talaga natin siya sa ipis."nag aalalang sabi ni Sahela.
Agad naman itong kumuha ng tubig at binigay sakin. Agad ko iyon ininom. Sobrang natakot kaya ako at sobrang kinabahan sa mga ipis na prank nila.
"Mukhang kinakabahan at natatakot ka pa yata, nanginginig ka pa? Sorry, akala namin simpling takot ka lang sa ipis, pero mukhang magkakatruama ka pa yata sa prank namin."sabay yakap skin ni Elle. Nakiyakap narin si Sahela sa'min ni Elle.
Nagulat pa silang tatlo ng tumunog ang doorbell.
"Ako na!"presinta ni Sahela at nagmamadali ng lumapit sa pinto.
"Kuya Gardo hello po. Hello din po Ate Nina."rinig nilang bati ni Sahela.
Andito sila Kuya Gardo at Ate Nina. Kaya agad akong tumayo at lumabas ng kusina. Sumunod naman si Elle sakin.
"Vivi!"masayang bulalas ni ate Nina sakin.
Napangiti naman ako namiss ko ang kadaldalan ni ate Nina at ang pangangalaga niya sakin. Mabilis akong lumapit at niyakap ito ng mahigpit.
"Namiss kita Ate."masaya kong sabi.
"Mukhang hindi ka okay ah?"taka nitong sabi.
"Ayos lang ako Ate. Pasok na kayo. Ano yang mga dala niyo Kuya?"tanong ko.
"Mga pagkain na niluto ng mga kusinera sa mansion. At cake na gawa ni Ate Mely, para sa'yo. Kinukumusta ka nila lahat doon namiss ka na daw nila. Pasyal ka minsan sa sa Bahay niyo senyorita!"sabi naman ni Kuya Gardo.
Tinulungan na ni Elle at Sahela na kunin ang mga dala nila Ate at Kuya.
"Kumusta ka dito? Hindi ka ba binubully ng dalawa ito?"tanong ni ate Nina sabay tingin sa paligid.
Nagmukhang Halloween party ang Sala na may mga nakasabit na ipis, butiki at malalaking gagamba.
Humalakhak si Kuya Gardo ng makita ang mga nakasabit na ipis, butiki at gagamba. May ahas pa palang nakapulupot sa estante sa Sala.
"Suggestions ni Kuya Gardo, ang motifs na ganito sa birthday mo, Sese."sabay turo ni Sahela kay Kuya Gardo.
Hinampas siya ni Ate Nina at masamang tinignan ito.
"Puro ka kalukuhan. Tignan mo ang itsura ng alaga natin mukhang mahihimatay na sa takot sa ipis."inis na sabi ni Ate.
"Hindi naman nakakamatay ang ipis. Kapag baril hindi siya takot e, mas nakakamatay kaya iyon."katwiran ni Kuya Gardo.
"Noong bata kasi nangyari ang pagka phobia niya sa ipis hindi iyong ngayon lang. Syempre kapag ngayon lang nangyari. Kahit ipanakot niyo pa sknya araw-araw Ang ipis na 'yan, hindi matatakot 'yang si Vivi, baka kainin pa niya sa inis ang ipis na 'yan!"sikmat ni Ate Nina.
Napahagikhik ang dalawa kong kaibigan.
"Grabe naman iyong kainin ang ipis Ate Nina."angal ko.
"Example lang naman!"sagot nito agad.
"Ginawa niyo ng haunted house ang apartment niyo. Nakakatakot!"mukhang nanginig pa siya sa takot.
Alam kasi namin na takot sa multo si Ate Nina. Kahit sa mga ganitong dekorasyon. Lalo na kapag araw ng mga patay. Nasa kwarto lang ito at ayaw lumabas.
"Takot ka lang sa multo eh."buksa ni Kuya Gardo. Masama namang tumingin ito kay Kuya Gardo.
"Sino ba ang nagpauso sa prank, prank na yan?"tanong pa nito.
"Si Sese."agad na sabi ng mga kaibigan ko.
"Anong ako? Si Sahela kaya."tanggi ko.
"Kayo kayang dalawa ni Elle. Kayo unang nagprank sakin eh. Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niyong pagsaboy sa'kin ng sobrang lamig na tubig paglabas ko sa banyo. Nadulas pa ako dahil sa sobrang nagulat ako sa ginawa niyo."nguso nitong sabi.
"Kayo din naman ni Sese ah, sinira niyo na nga ang eardrums ko. Muntik pa akong mabalian ng paa. Hindi naman ako si Santa Claus na nagtotorotot kayo paglabas ko ng kwarto. Para makahingi ng regalo!"irap ni Elle.
"Ako nga muntik na akong mahimatay kanina sa ginawa niyong dalawa. Ang ganda ng mood ko dahil binati ko pa ang sarili ko ng happy birthday. Pagbangon ko sa kama may nakita akong ipis napatalon ako pababa ng kama. Napatili ako ng may makitang ipis sa sahig. Tumakbo ako sa pinto para makalabas ng nasigaw na naman ako dahil may ipis sa pinto. Takot at kaba kaya ang abot ko. Akala ko mahihimatay talaga Ako sa takot."sabi ko din.
"Mga pasaway kayong tatlo. Deserve niyong lahat 'yan. Prank pa more. Tapos magsisihan kayong tatlo. Mga bruha kayo! Pag-untigin ko kaya kayo, ano?"Sabi naman ni ate Nina. Naiiling naman si Kuya Gardo.
"Next time don't do that kind of prank again. It's dangerous."sabi naman ni Kuya Gardo.
"It's dangerous?! Pero kasabwat ka sa pag dekorasyon ng Sala nila."irap ni Ate Nina.
"Para kasama mo si Vivi na matakot. May kakampi na siya."napabungisngis kami ng hampas siya ni Ate Nina.
"Tumigil ka baka hindi kita matansiya!"gigil nitong sabi kay Kuya.
Natatawa naman itong niyakap niya si Ate Nina. Masaya ako dahil finally magkasintahan na sila.
"Ayeeehhh..kilig yan!"biro namin kay ate Nina.
"Gutom lang yan mga inggetira!"natatawa naman na sabi ni Ate Nina. "Tara ng kumain."dagdag pa nito.
Kinantahan muna nila ako at naghingi muna kami ng pasasalamat sa itaas bago sinimulan ng kumain.
"Masaya ako na nakikita kitang masaya Vivi. Hangad ko sa'yo ang walang katapusang kaligayahan at kalusugan. Sana Elle at Sahela wag niyo sana siyang iiwan dahil kayo lang dalawa ang totoong kaibigan ng alaga ko."madamdamin na sabi ni Ate Nina.
"Opo ate Nina. I love her and I learn a lot from her. We're just like a siblings now dahil sa ilang taon na kaming magkakasama dito. Alam na namin lahat ng dumi ng isa't isa sa aming katawan."sagot naman ni Sahela. Natawa kami sa sinabi nito. Dumi talaga sa katawan.
"Yes ate. We trust each other. We love, and care each other ate. She is one of my true friends since I only have few friends too."ngiti ni Elle. "Happiest birthday Sese, thanks for everything. Everything! I appreciate it so much. I love you!"madamdamin din na sabi ng kaibigan kong si Elle.
"Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito. Hindi naman ako nag-request ng drama. Bakit ang drama!"biglang sabat ni Kuya Gardo.
"Anong pinag sasabi mo diyan! Sa Sala ka kumain kung ayaw mo ng madrama. Sabi ko kasing ihatid mo lang ako dito dahil for girls lang sana kaso nakiki-join ka. Ngayon magrereklamo ka."pagtatalak ni Ate Nina.
Napahagikhik kaming tatlo. Kadaldal talaga ni ate. Mamaya magsawa at hiwalayan siya ni Kuya Gardo eh. Mabuti na lang talaga mahaba ang pasensiya ni Kuya.
Masaya ang twenty one birthday ko. Masaya naman last year dahil pumunta din dito si Nanay Cora at Tatay Thomas. Saktong bumisita din dito ang parents ni Elle kaya nakilala ko din ang mga magulang ng kaibigan ko. Kaya dumami ang bisita na dumalo sa birthday ko that day.
Masaya ang umagahan namin. Low-key lang kami ni Elle, pero itong si Sahela ayaw paawat. Makwento siya na gaya ni ate Nina. Lagi ang mga ito ang magkasundo at maingay sa kainan. Nakakatawa silang dalawa at ang ingay nila ng sobra.
*****
Campus
Lunchtime at naisipan nilang kumain sa tambayan nilang tatlo sa Isang malaking puno sa likod ng building lang ng department namin. Wala masyado pumupunta dito dahil may mga bali-balita na may mga nakatira dito na mga kapre, maligno at kung ano-ano pang mga klase ng multo.
Nagpapaalam na lang kami o sasabihin namin na 'tabi-tabi po makikiupo lang po kami.' turo iyon ni Sahela dahil taga probinsiya siya. Gano'n daw lagi ang sinasabi nila kapag natambay sila sa mga puno. Dahil hindi lang daw tao ang nakatira dito sa mundo may mga ibang nakatira din na hindi namin nakikita.
Minsa andami ding pamahiin ang babaeng ito. Sabi pa nito wala naman daw mawawala kung susundin o hindi ang sinasabi nito. Tama naman ito.
Masaya silang nagkukulitan na tatlo habang kumakain. Ganito araw-araw ang routine nila. Sa tagal na ng samahan nila ay mabibilang palang Ang mga araw na nagkatampuhan silang tatlo.
"Oy! May klase na tayo. Nag-enjoy na naman kayong tumambay dito. Tara na fifteen minutes na lang start na ang klase."Bulalas ni Elle.
"Diyan lang naman ang building akala mo naman napakalayo."sagot ni Sahela.
"Kahit na!"
"Mauna kana."
"Nagbangayan na naman kayong dalawa. Let's go na!"Sabi ko naman.
Naghahabulan silang tatlo na parang mga bata. Napatigil lang sila ng may mga humarang samin. Sino na naman ang mga ito? Tanong ko sa sarili.
Umiwas kami dahil ayaw namin ng gulo. Pero ang hinayupak hinila nila ang buhok ni Elle, kaya napasigaw ito. Ang ginawa ko tinadyakan ko ito.
"Wala kayong karapatan na basta na lang manakit ng wala naman kaming ginagawang masama sainyo. Nananahimik kami dito tapos guguluhin niyo lang kami at saktan!"inis kong sigaw.
Lapitin nga yata kaming tatlo ng gulo. Kung hindi ako, si Sahela o kaya ay si Elle. Umiiwas kami pero lumalapit ang gulo sa'min. Nakakainis naman.
"Maangas ka nga talaga!"Sabi ng Isa sa humarang samin.
"Hindi Ako maangas! I'm just stating the fact! I didn't know that uso pala ang back upper kapag natalo ang ibang kagrupo ng isa, sa ibang grupo naman magpapatulong."sarkastiko kong sabi at tumingin sa babaeng blonde.
Hindi ako nakapalag agad ng sugurin ako ng suntok ng isang kasamahan nila. Matangkad ito kumpara sa kasamahan nitong apat. Nalasahan niya ang dugo sa labi niya. May sugat na yata ang labi ko. Lintek!
"Oh my God Sese! Ayos ka lang?"nag aalalang tanong ni Elle. Tumango lang ako.
Inis akong tumayo pinampag ang nadumihan kong pantalon. Hinawi ko ang buhok ko at inalis ko ang blazer ko. Naka fitting halter top na lang ako. Para mas maliksi akong makipaglaban. Igaganti ko ang labi kong sinuntok ng giant na ito. Binaba ko ang mga gamit ko. Na agad naman kinuha ng mga kaibigan ko.
Masama akong tumingin sa nanuntok sakin at agad akong umatake. Mabilis ko itong sinugod ng suntok pero nakakailag ito sa bawat pagsuntok ko. Naiinis ako kaya tadyak ang ginawa ko ayon tumilapon.
Hindi pa ako nakakasuntok gusto ko din itong masuntok. Masakit kaya sa labi ang panununtok nito sa'kin paniguradong namamaga na ang labi ko.
Bumangon ito at agad sumugod din sakin. Sinugod ko din ito ng suntok sa mukha.
"Yes! I finally punch you!"malakas kong sabi.
Nainis ito sa sinabi ko kaya sinugod ulit niya ako. Nagpapalitan kami ng tadyak pero pareho lang kaming nakakailag at nasasangga ang bawat atake namin sa isa't isa. Para lang kaming nag e-ensayo ng karate. Magaling ito pero syempre ayaw kong magpatalo.
Ginamit ko ang kicking technique ko para matapos na ang lahat. Parang naglalaro lang naman kasi kami. Ng sumugod ulit ito sinugod ko din siya at triple kick ang ginawa ko para mapatumba ko ito. End tumba nga. Babangon pa sana ito para gumanti ng may mga nagpito na mga guards.
Hindi ako gumalaw. Alam ko maga-guidance kami pero wala akong pakialam. Dahil pinagtanggol ko lang naman ang kaibigan ko at ang sarili ko.
"Ikaw na naman?!"sabi ng guard sakin.
"They attacking us. What should I do?"inis kung sabi.
"Wag kang sinungaling!"agad na sabi ng kasamahan ng blonde na babae.
"Kayo ang sinungaling! Pabalik na kami ng classroom namin ng hinarangan niyo kami at hinila mo ang buhok ng kaibigan ko."galit na sabi ni Sahela.
"Dahil binangga niya ako!"
"Wow kelan ka niya binangga? Tell me? Ito ba ang mudos niyo ha ang magsinungaling at mang-away ng kapwa niyo mag-aaral dito?!"inis kong tanong.
Sasagot pa sana sila ng may dumating. Ito na nga may Professor na din na lumapit sa'min.
"What happening here! Alam niyong pinagbabawal ang mga awayan at rambulan dito sa loob ng paaralan! Kababae niyo pa namang tao! All of you sumunod kayo sa opisina ko!"malakas na sabi nito. Agad na tumalikod ito sa'min.
"Senyorita, mapapagalitan na naman kami sa parents mo!"Kakamot kamot na sabi ng Isang guard.
Napalingon ako at parang namukhaan ko nga ito. Si Kuya Gardo na naman siguro ang nag-hired dito na maging guard dito university para mabantayan ako.
"Wag niyo po akong tawaging senyorita dito sa public Kuya!"Sabi ko at tumalikod na para umalis.
"Feeling may pa-senyorita pang nalalaman sa public lang naman nag-aaral. Feeling mayaman!"parinig ng mga bwesit na babae.
"Miss, baka magsisi ka kapag nalaman mo kung sino talaga yang binabangga niyo! Hindi yan palaaway mabait ang amo namin. Pero gaganti yan kapag nasaktan, kulang pa nga yang ginawa sainyo eh."sabat agad ng guard.
Hindi ko na pinansin at mabilis ng umalis doon kasunod mga kaibigan ko.
"Grabe, ang galing mo wild Se. Bilib na talaga kami sa'yo. Salamat sa pagtatanggol sakin. Nasaktan ka tuloy pasensiya na."nahihiyang sabi ni Elle.
"We are friends kaya pagtatanggol ko kayo sa abot ng aking makakaya. Nasaktan ako kaya gumanti lang din ako!"sagot ko.
"They can say what ever they want to say to me. I don't care, but hurting me physically without any reason ibang usapan na yan. Walang sino man ang pwedeng saktan ako dahil hindi naman nila ako pagmamay-ari. I hate it when people doing it like it's their hobby to hurt someone just like that."gigil na sabi ko.
"Tama ka Sese."sabi naman ni Sahela.
"Kaya ipaglalaban natin ang katutuhanan. Hindi pwedeng manaig ang kasinungaling."sabi naman ni Elle.
"Subukan lang nilang pumanig sa kasinungaling without investigating it. Mawawalan sila ng trabaho."diin kong sabi.
Kumatok muna kami bago pumasok sa loob. Bumati kaming tatlo ng nakapasok na kami. Hinintay muna namin ang ilang sa mga nakaaway namin. Takot yata ang mga itong pumasok dahil sa kasinungaling nila.
Habang nagsasalita ang professor tinanong niya ang pangalan ko. Mukhang nagulat pa ito sa sinagot ko. Tinanong kung bakit dito ko gustong nag-aral kung kaya naman ng pamilya ko sa mamahaling university ako pag aralin.
Sinabi ko na lang na gusto niyang may freedom at ayaw niya ng pressure sa mga taong nakakakilala saknya. At least dito walang nakakaalam sa totoong estado ng buhay ko.
Umamin din ang mga umaway sa'min na sila ang nagsimula ng gulo. Nagsorry sila at hindi na ulit kami guguluhin pa. Dahil kapag ginawa ulit nila iyon mae-expelled na sila dito.