New friends
Masasabi kong masaya ako sa university na nilipatan ko. Sana lang totoong kaibagan ang dalawa kong kaibigan ngayon. They are fun to be with. Masaya ako na nakilala ko sila. This is what I need, a true friend. I hope na hindi sila magbago sakin.
Sa Isang taon naming magkakasama masasabi kung genuine sila at hindi ko masasabing fake friends sila. Kahit na noong may mga naririnig sila tungkol sakin. They ask me first bago sila magbigay ng opinion sakin.
I know na may naninira na naman sakin and that's my Kuya and my cousins sa ibang university. Lumalayo na nga ako sa kanila gumagawa parin sila ng paraan para guluhin ako. Nalaman ko lang iyon ng may narinig akong usapan tungkol skin at nabanggit nila yung pinsan kong si Verona. Tinikom ko na lang ang bibig ko. Kesa komprontahin ko ang mga ito.
Nandito kami ngayon ni Sahela sa canteen. Dito daw kasi madalas tumatambay ang boyfriend ni Elle. Para kaming spy na hinahanap ito sa loob ng canteen. May kalawakan din kasi ang canteen dito. Marami pang mga studyante na labas pasok dito.
Nangitngit kami ng makita namin siyang may kasamang ibang babae. Kaya kinuhanan naming siya ng video. Kunwari pinipicturan ko si Sahela para hindi obvious ang pagkuha ng video sa gagong lalaki na ito. Natawa siya ng tudo bigay naman sa pag-post Ang kaibigan niyang si Sahela.
Ng may sapat at malinaw ng ebidensiya ay nag-order siya ng juice.
"Hoy! Sese, anong binabalak mong gawin ha?"tanong pa nito sakin.
"Just watch me!"seryoso kong sabi.
Napakabuti ang kaibigan kong si Elle tapos ganito lang ang gagawin nito. Indeed, Mama's Boy nga ito. Just because ayaw ng Mama nito kay Elle, naghanap agad ito ng bago. Tsk! Nakakagago ah!
"Baka ma-guidance ka Sese!"kinakabahan na sabi ni Sahela.
"Sumunod ka sakin dali, wag kang kabahan diyan! This is for our friend Elle!"seryoso kong sabi.
Ng makalapit na kami ay kunwari natapilok ako. Naibuhos ko sa harapan ng lalaki ang juice na hawak ko, nasabuyan pa ng bahagyan ang mukha nito. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Napatayo pa ito. Nagkunwari na lang akong nasaktan.
"Oh my God Sese, halla ayos ka lang ba. Hindi ba nabali yang paa mo!"tarantang tanong ni Sahela sakin.
Wow! Nice acting huh! Sa isip-isip ko. Inakay niya ako sa kabilang upuan para maiupo ako ng maayos.
"Hindi ka kasi nag iingat eh. Sabing wag kang titingin sa kung saan-saan ayan tuloy nakakita ka ng Unggoy sa paligid at natapilok ka bigla!"bulalas nito.
"Wala ba kayong balak mag-sorry sa ginawa niyo sa boyfriend ko?!"malakas na sabi ng babae na mukhang pato.
Pato kasi ang bansag ni Sahela sa babaeng pinalit ng boyfriend ni Elle sa kaibigan namin. Mas maganda pa nga daw ang nguso ng pato sa babaeng ito eh. Humalakhak kami ni Elle na kahit heartbroken ito ay napatawa siya ni Sahela.
"Hindi niya sinasadyang matapon ang hawak niyang juice. Kita mo naman Miss Pato...I mean Miss na natapilok siya di ba?"sarkastiko na sabi ni Sahela.
"Kahit na! Natapilok man ang babaeng 'yan o hindi kailangan parin niyang mag-sorry sa boyfriend ko!"galit na nitong sabi.
Tsk! Eskandalosa akala mo maganda!
Lumingon kami kay gonggong at wala itong imik. Alam kasi nitong kaibigan kami ni Elle. Ng tumingin sakin ay matalim ko itong tinignan. Kaya nagyuko agad ito. Gago! Bakla yata ito eh.
"Let's go Sahela!"sabi ko.
"Hoy! Hindi pa kayo nagso-sorry!"sigaw ng babae.
"Hanapin mo ang pake ko!"inis kong sabi.
"Nakakainis kang babae ka! Akala mo kagandahan ka! Ang Gaga mo!"Inis nitong sabi sa'kin.
"Walang may sabing maganda ako dito! Ikaw may nakapagsabi na bang maganda ka? Para ka kayang clown sa peryahan!"inis kong sabi.
Nakarinig siya ng tawanan sa paligid. Isa na ang kaibigan niya sa pinakamalakas sa pagtawa.
"Anong sabi mo!"
Susugurin sana niya ako ng pigilan siya ni gonggong!
"Hmp!"irap ko at nagmartsa na palabas ng canteen. Sumunod naman sakin si Sahela.
"Grabi ka!"bulalas nito.
"Mas grabi ka! Ang galing mo um-acting!"natatawa niyang sabi.
"Syempre natapilok ka kasi. Akala ko masusubsob kana sa sahig eh."
Humalakhak ako! Akala pala nito totoong natapilok siya.
"Acting mo lang ba iyon?"tanong pa nito.
"Parang totoo ba?"natatawa ko parin na tanong.
"Kinabahan pa nga ako ng mediyo slight lang! Acting lang pala iyon. Bruha ka!"sabay sabunot sana sakin pero nakailag ako at natatawang tumakbo palayo sa kaibigan ko. Hinabol naman niya ako.
Muntik pa silang nasagasahan ng sasakyan ng naabutan ako ng kaibigan ko sa gitna ng daan. Natatawa na lang kaming gumilid agad-agad at yumuko para humingi ng paumanhin.
Pumasok na sila sa last subject nila isang oras lang naman iyon. Nang tapos na ang last subject ay agad na silang lumabas ng klasroom nila. Balak kasi nilang maglakad pauwi para exercise. Nasabihan ko na si Kuya Gardo na wag na muna niya akong sunduin.
Good thing hinahayaan lang ako ni Kuya Gardo na mag-enjoy na kasama ko ang dalawa kong kaibigan. Hindi man ako sumasakay sa sasakyan nito ay alam ko naman na nakabantay parin siya sakin.
Pero ng palabas na kami sa gate ng campus ay may humarang samin na anim na mga kababaihan. Kasama na doon ang patong jowa ni gonggong.
Humalukipkip ako at tinaasan ko sila ng kilay.
"Aba! Matapang pala ang babaeng ito ah."maangas na sabi ng babaeng may blonde ang buhok.
Mas maganda pa ang buhok ng mais tignan kesa sa babaeng ito. Hay..nahawa na talaga ako kay Sahela sa hilig nito manlait.
"Kayang kaya mo 'yan Fritzi, nandito lang kami manonood." sabi pa ng Isang kasamahan nila.
"Umiwas na lang tayo sa mga ito Sese. Hindi natin kaya marami sila."Bulong ni Sahela sakin.
Pero hindi naman Ako natakot sa mga ito. Ayoko naman ng gulo pero kung gagawan kami ng masama mapapatulan ko sila.
"Anong kailangan niyo at paharang harang kayo sa daanan namin. Ayaw namin ng gulo kaya wag niyong simulan manggulo."matapang kung sabi.
Nagulat ako sa pananadyak sakin ng babaeng blonde. Sa tiyan ko pa talaga niya ako tinadyakan ah. Na-out balance ako kaya natumba ako. Taranta naman na dinaluhan ako ni Sahela. s**t ang sakit daing ko. Pero uminit ang ulo ko ng kantyawan nila ako.
"Lampa nga! Kaya natapilok kanina sa canteen. Tse! Nag aksaya pa tayo ng oras la naman pala silbi."mayabang na sabi ng naka blonde.
Agad akong tumayo at sinugod agad ito. Kung ano ang ginawa niya sakin iyon din ang ginawa ko sakniya. Mas malakas at mas masakit pa sa naramdaman ko. Boom! May kasama pang tumilapon.
"Now you know the feeling of being kick in the stomach, it's hurt right?"matapang ko din na ganti.
May sumugod ulit sakin na isa sa kasamahan nila. Hindi ako natinag at nakailag ako sa akmang panununtok sakin. Tinadyakan ko siya mula sa likod nito. Subsob sa semento ang gaga. Sinasabi ko na kasing ayoko ng gulo eh.
Napasigaw si Sahela ng makitang sunod-sunod na silang umatake.
"Tara na Sese, tumakbo na tayo!"sabay hila sakin ni Sahela.
"Lumayo ka dito at manood!"bulong kong sabi.
Alam ko kasi na hindi ito sanay sa sabunutan. Magaling lang ito sa bardagulan. Kung may power lang ang hininga nito taob lahat ang kasagutan nito.
Napasigaw na naman ito dahil may sumabunot sakniya. Kaya agad ko itong tinulungan. Malakas kong hinila ang buhok ng Isang babae at malakas kong itinulak ang ulo nito. Nahilo yata sa pagkakahila ko at pagwasiwas sa buhok nito at malakas kong patulak na binitawan ang ulo nito.
Nakita kong tumakbo si Sahela patungong guard house. Baka hihingi ito ng tulong. Alerto parin ako para sa pagsugod ng trupa ni pato. Ayokong makipagsampalan o sabunutan kaya flying kick ang ginawa ko. Kaya hindi nila ako masabunutan, makalmot at sampal dahil nakakailag ako.
Ang yayabang kasi nila. Nasaktan talaga ako sa pananadyak ng blondeng babae. Tangina lang kung hindi ako gaganti.
Napatumba ko na lahat ng dumating ang dalawang guards at si Sahela. Napanganga pa ito. Sila naman pala ang lampa!
"Guards, nag aaway po sila. Hindi ko maawat kaya tinumba ko na silang lahat para sa ikakatahimik nila."kunwari'y sumbong ko.
"Sabi ng kaibigan mo pinagtutulungan ka nilang saktan?"takang tanong ng Isang guard.
"Opo, pero kalaunan silang anim na ang nag aaway ang weird po nila dahil dinamay pa po nila ako. Kaya ganyan abot nila sakin. Magpagaling kayo!"sarkastiko ko pang sabi.
"Senyorita!"tawag sakin ni Kuya Gardo.
Nakakainis naman siya, sabing wag ako tawaging senyorita eh. Sumimangot ako na tumingin saknya.
"Guard hindi ba sabi ko na bantayan niyo ang amo ko. Kung wala pa kayo na umawat sa kanila malamang na pinaglalamayan na ang mga babaeng iyan dahil sa pananakit nila sa amo ko!"seryosong sabi ni Kuya Gardo.
Nakita ko kung paano sila matakot sa sinabi ni Kuya Gardo. Heto nga at agad silang umalis dito. Ang yayabang nila takot lang naman pala silang mamatay.
"Wala po kayong sinasabi na ganyan sakin Sir."takang sabi ng Isang guard.
"Joke lang Boss. Para matakot na ang mga kababaihan na iyon na saktan ang alaga ko."sabay tapik ni Kuya Gardo sa balikat ng Isang guard.
"Pero sana mga Boss higpitan niyo pa ang siguridad ng mag aaral dito para hindi na ito maulit pa."Sabi pa ni kuya Gardo.
"Oo sir. Pasensiya na sa nangyari sa alaga mo."
Tumango lang si Kuya.
"Tara na. Uwian niyo na di ba?"tanong pa nito.
"Oo Kuya. Pero gusto namin maglakad pauwi."Sabi ko.
"Sumakay na kayo at ihahatid ko na kayo. Marami pang araw na maglalakad kayo pauwi ng apartment niyo. Alam kong may masakit sa'yo. Tara na!"seryosong sabi ni Kuya Gardo.
"Nakakatakot talaga si Kuya Gardo kapag seryoso."parinig ni Sahela kay Kuya Gardo.
"Oo, lalo kapag hindi nakadilig ng halaman parang kapre!"sabi ko din. Nagkatawanan kaming dalawa na magkaibigan.
"Bilisan niyo sa paglalakad. Vivi, please lang matutong umiwas sa gulo."sita nito.
"Kuya Gardo, sila po ang nauna. Sabi nga ni Sese ayaw niya ng gulo pero tinadyakan ng nakablonde si Sese sa tiyan ka ayon tumilapon sa sahig. May gasgas pa nga si Sese sa siko eh. Kaya siguro nagalit din siya at gumanti. Ang sakit din ng sabunot sakin ng babaeng pato na iyon eh."mahabang sabi ni Sahela.
Napatigil naman ito at lumingon samin. Lumapit ito sakin at tinignan ang siko ko.
"Ipunta na kita sa clinic. Wag kana umangal! Bilisan niyo maglakad!"sabi nito at naglakad na ulit.
"Ang strikto din ni Kuya Gardo."sabi ni Sahela.
Nagbubulungan na silang dalawa sa likuran ni Kuya Gardo.
Pagkapasok nila sa loob ng sasakyan ay nilingon ako ni Kuya Gardo.
"Kahit saan ka magpunta lapitin ka talaga ng gulo."iiling iling nitong sabi.
"Baka kasi akala nila lampa ako. Mahina at hindi marunong makipaglaban!"sagot ko.
"Kaya minsan akala nila ako iyong taong madaling ibully."dagdag ko.
"Mabuti na lang meron kaming kaibigan niya. Pero next time umiwas na tayo sa gulo. Ang sakit ng anit ko."reklamo ni Sahela sabay haplos sa ulo at buhok niya.
"Kaya ba tumakbo ka at iniwan ako?"usisa niya.
"Hindi ah! Tumakbo ako para makahingi ng tulong dahil pinagkaka-isahan ka nilang lahat. Pero pagdating namin ng dalawang guards ay tumba na lahat ang mga babaeng iyon. Ang galing mo pala paano mo iyon ginawa?"namamangha nitong tanong sakin.
"Ginaya ko si Goku, nagkamehameha ako. Ayon tumba silang lahat."biro ko.
Humalakhak naman si Kuya Gardo. Pati kaming magkaibigan tumawa na din.
Pagdating namin sa clinic ay nilinisan lang ang gasgas sa siko ko. Ininspeksyon din ng doctor ang tiyan ko na tinadyakan ng gagang iyon. Maayos naman daw kaya pagkatapos ng ilang payo ng doctor at nagreseta sakin ng ointment para sa siko ko. Agad din kaming umuwi na sa apartment dahil may sakit ang kaibigan nilang si Elle.
Nag-usap muna kami saglit ni Kuya Gardo bago sumunod na sa kaibigan ko na nasa elevator na hinihintay ako.
Napasigaw kaming dalawa ni Sahela pagpasok namin sa loob ng apartment dahil may biglang pumutok. Halos himatayin si Sahela sa gulat balloon lang pala iyon na pinutok ni Elle. Nakatago ito sa likod ng pintuan at pagpasok namin sa loob magkasunod na putok ang narinig namin.
Nagmartsa ito papasok ulit sa loob ng kwarto nito na parang walang nangyari. Napanganga na lang kami ni Sahela sa ginawa niya. Gumanti ba sa ginawa naming surprise greetings noong birthday nito.
Paglabas kasi nito sa kwarto noon at kagigising lang nito. Sabay naming pinatunog ni Sahela ang turotot na binili namin sa palengke. Ayon sumigaw ng pagkalakas lakas at napatalon pa na parang nagulat na kabayo. Halakhakan kami at pinaghahabol niya kami ng walis tambo.
"Gumanti siya sa kalukuhan natin!"hagikhik ko.
"Ikaw pasimuno eh."sisi nito sa'kin.
"Ikaw kaya. Ikaw lahat ang may idea at nag-agree lang ako. Amnesia ka na naman agad."natatawang sabi ko.
"Nakalimutan ko lang siguro."hagikhik din nito. "Pero nagulat talaga ako sa ginawa niya."naghalakhakan kaming dalawa na naiiling.
Ang saya sa pakiramdam na may mga totoo na akong kaibagan. Kahit alam na nila ang katayuan ng buhay ko hindi parin sila umalis sa tabi ko. Kahit minsan ramdam kong nahihiya o ilang sila sakin dahil pang mayaman daw ako gumalaw. May gano'n pala? Tanong ko pa sa sarili.
Kaya pinipilit kong ibahin ang nakasanayan ko just to fit to them. Pero Ang sabi naman nila hindi ko na kailangan na ibahin ang nakasanayan ko dahil totoong kaibagan naman daw ako. Hindi mayabang at hindi matapobre. Super bait ko daw at matulungin iyon Ang sabi ng dalawa kong kaibigan.
Kaya super thankful Ako sa mga ito.