Chapter 13 New life

1973 Words
New life First time niyang makisalo sa hapagkainan, ang last ay noong nag away sila ng parents niya. Dahil gusto nilang ipakasal ako sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. Seryoso akong kumain gano'n din ang mga magulang ko. Ang kuya kung panganay ay wala na dito sa bansa kahapon siya lumipad patungong america. Hindi ko makita o napansin kung may sugat siya sa ulo. Well, Iwas na iwas ako sa Kuya ko na iyon. Kaya hindi ko nakita kung may sugat ito sa ulo. "I'm leaving."mahina kong sabi. Napalingon si Daddy sakin na nagtataka. Kaya nagpatuloy ako. "Gusto ko na pong bumukod at mamuhay ng tahimik na walang nanakit sakin ng basta na lang. Aawayin na lang ako ng basta-basta. Pagagalitan ng hindi ko alam ang dahilan. Inaako at sinasalo ko lahat ng kasalanan na wala naman akong kinalaman. I'm very tired! I know I'm not really belong in this family."sabi ko. "So, pinapalabas mo bang inaapi ka dito sa bahay?"tanong ng kuya kong si Victor. Naparoll eyes ako. Pa-inosenti na naman ang gago. Kaya hindi ko siya pinansin at inirapan lang ito. "It's doesn't matter if you cut all my allowance Dad. I will work for myself while I'm studying. I don't want to live in the condos that my Lolo gave me. I will rent a small apartment just for myself. I also shift my course to another course and go to another university. I hope you understand Dad, that I want peace of mind. I want to take care of my mental health." "You planned all this to avoid the mess that you made at my niece debut?"akusa ni Mommy sakin. Wala namang bago kay Mommy, kahit alam nitong hindi ko kasalanan. Kasalanan ko parin dahil involved ako sa gulo. "Hindi ko na po kailangan na mag-explain. Kasi either you know the truth or not kasalanan ko parin. Even if there is a clearly evidence that it's not my fault. Ako parin ang may kasalanan kasi involved ako sa gulo. I'm not the one who ruined her debut. She's the one who ruin her party, magalit siya sa Daddy niya dahil pinilit niya akong um-attend sa debut niya kahit na ayaw ko."pagtatanggol ko sa sarili ko. Sasagot sana si Mommy ng unahan ko siya. "Hindi ko po alam kung nagbubulag-bulagan kayo o ayaw niyo lang talaga tanggapin na mali kayo. Na kahit mali na kayo ay sakin parin ang sisi. Napahiya na kayo lahat sa ginawa niyo ako parin ang may kasalanan. Parang ang unfair naman po iyon sa'kin. Na ang gusto niyo sakin niyo lahat ibato at isisi ang kamalasan ng buhay niyo." "Dahil malas ka naman talaga!"galit na sigaw na ni Mommy. "Hindi po ako malas kayo po ang gumagawa ng ikakamalas ng buhay niyo. Ikaw po Mommy ang malas sa buhay ni Daddy!"inis kong sabi. "How dare you to say that to me ungrateful daughter!"sigaw nito sa'kin. "Kung ungrateful po ako Mom, hindi na sana ako humarap at makisalo pa sa hapagkainan ngayon. Nagpapaalam parin akong bumukod na dahil kahit papano may respeto parin po ako sainyo."sumbat ko. "After all, wala ka naman pong gastos sakin Mom. Lahat ng expenses ko ay kay Lolo lahat nang galing. Even a small gift from you ay wala po akong natanggap. But, I don't mind po. I just want to tell na bubukod na po ako dahil malayo po ang university na papasukan ko dito sa bahay." "I don't care! Aalis ka kong aalis ka! Kahit hindi kana bumalik pa dito mas maganda pa iyon!"galit na sigaw sakin ni Mommy. Nasaktan ako sa sinabi ni Mommy she really didn't love me since then. Pero tinago ko ang sakit na nararamdaman ko. Naging matatag at seryoso lang ang mukha ko. Ayoko ng maging madrama sa harapan nila dahil wala din naman mangyayari. Tumango lang ako. "I just hope na sana wag niyo akong pagbawalan na umuwi o pumasok parin po dito sa bahay. At sana pakiusap ko lang po na sana wag na wag niyo pong pakikialaman ang mga painting ni Lolo. Pakiusap na sana wag niyo pong ibebenta. Salamat po!" Pero sobrang nagalit si Mommy sa sinabi ko at ibenato niya sa harapan ko ang mga pagkain nasa lamesa. Tumalsik iyon sa dibdib at mukha ko. Kahit kailan talaga mapanakit ang Mommy ko. Sa totoo lang hindi ko talaga makuhang mahalin siya ng buong buo as a mother. Malayo ang loob naming sa isa't isa. "Claudia stop that!"inis na suway ni Daddy. "Ako pa ngayon ang susuwayin mo?! Bakit hindi mo patigilin ang batang iyan!"galit na duro sakin ni Mommy. "Dahil nagtatapon kana ng pagkain! Kung galit ka wag mong idamay ang mga pagkain!"sita ni Daddy. "So what! Marami akong pambili kahit itapon ko pa lahat ang mga pagkain na ito!"nagwala na ito. Natamaan ba sa sinabi kong wag nilang ibenta ang mga painting ni Lolo. Totoo naman na gusto ni Mommy ibenta ang painting na regalo sakin ni Papa. Alam kasi nilang maraming may gusto sa painting na iyon. At maibebenta nila iyon ng malaking halaga. Hindi ko na nga rin tinatawag na Papa si Lolo para hindi sila magalit lalo sakin. Pero nagalit naman sila sa sinabi kong wag nila ibebenta mga painting ni Lolo. Gahaman pa naman si Mommy sa pera. "Just because madami kang pambili doesn't mean basta-basta mo nalang itatapon ang mga pagkain na iyan! Kaya nawawalan tayo ng grasya dito sa bahay dahil sa pagtatapon niyo ng mga pagkain. Galit na galit ka kapag may nasasayang na pagkain tapos ikaw lang din naman ang nagsasayang! Stop that attitude Claudia! Your too much!"pati si Daddy galit na din. Tatayo na sana ako ng senyasan ako ni Daddy na umupo muna ako. Kaya kahit gusto ko ng umalis ay pinilit ko parin na mamalagi ng kahit ilang minuto. Pakikinggan ko lang ang sasabihin ni Daddy. "You can do whatever you want to do. Pero wag na wag mo kaming sisisihin kung may anomang mangyari sa'yo sa labas. It's your choice to leave in this house and make yourself suffer outside."seryosong sabi ni Daddy. "Mag stay man po ako dito sa Bahay o hindi. Pareho lang pong mapanganib ang buhay ko dito sa bahay at sa labas. Wala pong pinagkaiba iyon. Pinanganak yata akong may sumpa dahil laging may gustong manakit at pumatay sakin even inside of this house. I know and i understand kung wala man kayong pakialam sa nangyari sakin dito a week ago." "Wag mo kaming konsensiyahin gaga kang bata!"inis na sabi ni Mommy. "Bakit po, may konsensiya po ba kayo?"matapang kong tanong. "Serenity! Shut up! Respetuhin mo ang Ina mo!"madiin na galit nitong sabi sa'kin. Hindi ko pinansin ang Ama ko. "Sabi nga ni Kuya Sergio, na gusto niya akong makitang nahihirapan. He want me to suffer because he doesn't like me to be his sister. Kung ayaw niyo pala sakin bakit binuhay niyo pa ako?! Anak ba ako sa labas?"nasasaktan ko ng tanong. "Magtigil ka Serenity!"inis ng sabi ni Daddy. "Well, you no need to answer me Dad, dahil kapag sinagot mo ako. Magugulo na naman ang utak ko at magbabago na naman ang itatanong ko. I'm leaving now po. I can take care of myself outside."tumayo na siya at yumukod ng kunti bago tumalikod na. Walang imik Ang gago kong kapatid. Takot yatang mabalikan ko ang mga ginawa niya sakin. Ang weak na lalaki. Lampa! ****** First day of school. Nagmamadali siya dahil mali-late na siya sa unang klase. Alam na niya kung saan banda ang building na papasukan niya kaya patakbo na siyang nagtungo doon. May kasabayan siyang nagmamadali din at nag ask ako kung same course kami glad at sumagot naman ito sa'kin. Kaya sabay na silang nagtungo sa classroom nila. Pagpasok nila ay saktong pumasok din ang isang proof namin na matanda. Mukhang strikta ito. Agad silang naghanap ng mauupuan na dalawa at sa dulo sila nakahanap ng bakanteng upuan. Hanggang sa natapos ang klase ay naging masaya ako dahil may kaibigan na ako. Nandito kami ngayon sa labas ng campus nagmemeryenda dahil maaga ang uwi namin. Kahit hindi ko pa ito lubos na kilala ay isinama ko siya sa apartment na tinutuluyan ko. Dahil naghahanap daw ito ng matutuluyan dito sa Manila. Ipinakita ko saknya ang apartment ko kung gusto niya na makitira sakin. Dalawa kasi ang kwarto ng apartment na kinuha ni Kuya Gardo. Ang Isa ay lagayan sana ng mga gamit ko sa pagpainting. Pero ayos lang dahil malawak naman ang kwarto ko. Kung gusto niya dito sa Isang kwarto siya titira. Pero kung ayaw niya ayos lang din naman sakin. "What do you think? Gusto mo ba dito? Malapit lang ito sa university na pinapasukan natin."tanong ko. "Maganda siya. Gusto ko syempre kaya lang baka Mahal ang renta dito hindi ko maafford."nahihiya nitong sabi. "Don't worry nandito naman ako. It's okay, gusto ko din kasi ang may kasama boring kapag mag Isa ko lang."ngiti ko. "Hindi ba nakakahiya sa'yo? Kapag hindi ako makabayad ng renta dito?"tanong pa nito. "Nabayaran na ni Daddy ng Isang taon itong apartment. Kuryente at tubig na lang ang kailangan na bayaran."sabi ko. Pero sa totoo lang ang apartment na ito ay pagmamay-ari ng kaibigan ni Kuya Gardo at libre ang pagtira ko dito. At pwede ako magsama ng kasama ko basta wag lang daw lalaki. Malinis naman dito at maaliwalas. Meron na banyo at kitchen area may maliit din na Sala. Nasa malapit na kami sa lahat. Sa Church, Mall, Wet market and even hospital and paaralan. Sabi ni Kuya safe din daw dito kaya wala ako dapat ipag-alala. "Ano gusto mo ba? Makakatipid ka sa gastusin mo dito habang nag aaral ka. Ang bilhin mo lang ay mga personal mong gamit at pagkain. Dahil pwede naman lakarin ang pag punta sa university."dagdag ko pa para pumayag. Hindi ko alam kung bakit eager akong dito siya titira. Hindi naman siguro ako nagmumukhang desperada di ba? Tanong ko pa sa sarili ko. "Baka magalit ang daddy mo dahil nagpatira ka ng iba dito."alinlangan pa nitong sabi. "Ayaw mo ba?"malungkot kong tanong. "Syempre gusto ko kaya lang kasi nakakahiya at baka malamang ito ng pamilya mo."nahihiya niyang sabi. "Don't worry, they don't care about me...I mean they don't care kung sino man ang mga kasama ko. Kaya wag ka na mahiya pa. Deal?"tanong ko. Napakamot ito sa leeg niya. "D-dale."alangan pa nitong sabi. Dahil sa tuwa ko ay nayakap ko ito. Pero parang nahiya ito sa ginawa ko kaya kumalas ako agad. "Pwede kana ba matulog dito ngayong gabi?"tanong ko. "Baka bukas ng gabi na lang siguro. Kailangan ko pang ayusin mga gamit ko na dadalhin dito. Wala pa ako kumot at unan. Kahit banig na lang muna ang dalhin ko."sabi pa nito. "Sige ikaw bahala."ngiti ko. Tumingin ako sa orasan at mag aalas kwatro na. Baka gabihin Ito ng uwi kapag nakipagchikahan pa siya dito. "Mag alas kwatro na hindi ka pa ba uuwi. Even though, I would like to talk to you for a long time ay hindi na pwede dahil gagabihin kana paguwi." "Ako din nagenjoy akong kausap ka, nakalimutan ko na ngang uuwi pa pala ako ngayon."Hagikhik nito. She's so cute and very maamo ang mukha. Mukha din siyang mabait I like her na. Sana maging matalik ko itong kaibigan. Please Lord! usal ko. Sinamahan ko na siya sa sakayan ng bus. Baba siya ng cubao at doon na siya sasakay ng jeep pa punta ng Antipolo. Hinintay ko muna itong makasakay ng bus bago ako umuwi na ng apartment ko. Lulutuan daw Ako ni ate Nina ng dinner ko at idadala dito ni Kuya Gardo. Kahit sinabi kong wag na at masyadong hassle sa daan at dagdag trabaho nila. Pero makukulit sila. Utos daw iyon ni Nanay Cora. Kaya wala na din Ako nagawa pa. Love na love talaga nila ako. Naiiyak na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD