Debut Party
Kung ako lang talaga ang masusunod, I would never actually attend the party. Pero dahil si Tito Arman na ang nagsabi at he expected me to be there. No choice ako kundi ang um-attend kahit labag sa kalooban ko.
Simpling off shoulder black dress lang ang suot niya lagpas tuhod lang ito kahaba. Nag flat sandal lang din siya dahil matangkad naman siya kaya okay na iyon. Ayaw niyang magpabongga ng suot dahil hindi naman siya pumunta doon para i-place silang lahat.
As usual, si kuya Gardo ang kasama ko. Sabi nito may mga kakilala daw siya na taga catering service. Nagpatulong itong magpakabit ng maliit na device malapit sa pwesto ko para daw mabantayan ako kahit nasa malayo ito.
Maliit iyon na device at naka-connect sa cellphone nito. Makikita lahat ang galawan ng mga tao. I-re-record daw niya para just in case na may gagawin silang hindi maganda sakin ay may ebidensiya daw itong ipapakita sa madla.
Gustong gusto ko ang pagka-advance nito mag-isip. Ang witty ng mga Plano niya at sobrang linis magtrabaho. Nase-sense daw nito na may hindi magandang mangyayari. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.
Wala naman akong gagawin doon kundi ang umupo lang at kumain. Sa Isang relatives namin sa side father ako naki-upo dahil doon nakalagay ang pangalan ko. Huh! Hindi ba dapat sa sarili kong pamilya ako pinaupo? Hindi ko pa naman kilala ang mga kasama ko dito sa lamesa.
Tahimik lang sila panaka nakang tumitingin sakin. Tahimik lang din ako at nakatuon lang ang paningin ko sa stage. Magarbo ang decorations ng venue ng celebrant at aaminin kong naiinggit ako. Sobrang ganda kasi ng pagkaka-ayos ng venue. Dinaig pa nito ang mga mayayamang artista na nag debut din. Walang wala ang mga iyon sa ganda ng pagkaka-ayos nila dito.
Ginastusan talaga nila ang debut nito at sana gano'n din ako noon. Gano'n din sana ang ginawa nila para sakin pero hindi eh. Wala silang lahat at wala man lang silang pa-debut party para sakin. Naalala na naman niya ang sagutan nila ng parents niya noon. Nalungkot siya at nanubig ang mga mata niya. Tumingala siya para hindi bumagsak ang luha niya.
Iwinaksi niya ang lungkot at inggit. Nagsimula na ang party kaya nagpokos na lang siya sa panonood. Pasalamat siya dahil malayo Ako sa mga kaibigan at mga clasemate nito. Para hindi nila ako makita. Warfreak pa naman ang ilang mga kaibigan nito at magaling sila magparinig.
Kasali sa 18 Roses ang mga kuya niya first dance nito ang Daddy nito na si Tito Arman. Sinasabi ng ibang kasambahay namin na mas Xerox copy ko daw ito kesa kay Daddy. Maybe because mas light brown ang mata namin kumpara sa ibang kapamilya namin.
Well, masaya ang party nito walang halong kaplastikan. Magaling at kwela din kasi ang mga emcee na siyang nagpasaya sa party ng pinsan. Ang gaganda Ng mga damit nitong isinusuot. She really looks like a princess maganda din naman ito at matangkad din. Bagay lahat ng suot nitong mga gown.
Tubig lang ang iniinom niya at kahit gusto niya ng wine ay tumanggi siya kapag may waiter na nag aalok sakin. Masarap din ang mga pagkain at doon siya nagpokos most of the time.
'Yong last dance nito sa 18 Roses ay parang kilala ko. Napapaisip siya kung saan niya ito nakita. Tanungin ko na lang si Kuya mamaya. Nakarecord naman ang mga ganap dito pwede naming panoorin mamaya at ituro sa kaniya iyon lalaki na pamilyar sakin.
'Boyfriend kaya niya ito?'tanong ng isipan niya. Well, maganda naman ang pinsan at kaya hindi ko na dapat kini-kwestyon kung boyfriend man niya ito o hindi.
Very organized din ang mga organizer na inabangan nila Tito. Tapos na ang 18 Roses, 18 Candle at mga iba't ibang 18 pa na ginawa nila sa harap. She's Eighteen now.
Naalala niya iyong sinabi ng Isang kusinera namin sa mansion. Sabi niya 'Alam niyo ba na kapag nakatontong kana sa age eighteen ay tinatawag na nating legal age. Kumbaga dalaga kana.'sabi nito.
'Alam niyo kung bakit?'tanong pa nito noon.
'Kasi ready ka ng magpakain' or 'pwede na silang kainin'....nalito siya sa sinabi nito at di ko gets sa totoo lang. And here she is.
'Because 'I'm eaten' (eighteen.)
Matagal na hindi namin iyon na gets until nag sink in kay ate Nina 'yong words na 'eaten' sounds like eighteen. It's like pwede na akong kainin. Yay! Nailing siya sa naisip.
Nagreklamo pa ako noon at sabi ko 'eighteen' na ako pero hindi pa ako pwedeng kainin. Hindi naman ako Ulam o pagkain na basta na lang nila akong kainin 'no! Disgusting!' asar ko pang sabi na ikinatawa nila sakin. Napaka inosenti ko daw. Pinamulahan ako ng pisngi ng ipaliwanag nila ang ibig sabihin ng sinabi ni Ate Mely.
Pero naalala niya sixteen pa lang ang pinsan niya e, may nakatalik na ito. Narinig ko dati ang usapan nilang magkakaibigan. Binigay nito ang virginity sa first boyfriend niyang basketball player ng university nila.
Hindi na siya ma'eaten dahil nasexteen na siya. Advance siya nagpakain. The hell my mind. Sita ko sa sarili.
Nakita niya ang photographer na bawat lamesa nagpi-picture ito. Oh okay, kaya pala. Sa loob-loob niya.
Lahat ng lamesa ng mga bisita nililibot ng debutante at lahat nagpapa-picture ito kasama ang parents nito. Nice idea pero sana wag na dito sa pwesto ko. Ayokong makasama kita sa picture and I know gano'n ka din dahil we both don't like each other.
Tatayo na sana siya ng pabalikin siya ng Tito Arman niya sa upuan niya.
"We can take photo first, Serenity."ngiti nito sa'kin.
Pero ang mag-ina masama ang tingin at sabay pa na umirap sakin. Hindi na lang ako umimik at naupo ulit sa upuan ko. Hindi sila sa likuran ko tumayo. Kaya ang ending sa ligid ako at diko sure kung sinama ako ng photographer.
Hindi talaga ito nahiya na sabihin sa photographer na "make sure hindi siya makuha sa pag picture mo samin kundi hindi kita babayaran sa serbisyo mo!"sinita ito ni Tito pero sinita din siya ng Asawa niya. Hindi na lang din siya umimik.
Tsk! mga under talaga ang mga Tito ko. Mga walang bayag! And nah...masali man Ako o hindi sa grouping picture wapakels naman ako diyan. Hindi ako um-attend para magpa-picture kasama siya. Um-attend ako ng debut dahil pinagbigyan ko lang si Tito Arman.
Nakahinga na siya ng maluwag ng lumipat sila sa ibang lamesa. Nanatili muna siya doon dahil kabastosan naman kung aalis siya agad.
"Are you okay?"tanong ng babaeng katabi ko. Nasa mid twenties na ito.
"Yeah I'm okay, thank you."tipid akong ngumiti.
Hindi ko siya kilala and I'm sure hindi rin niya ako kilala. Because my family have been hiding me from everyone since Papa died. Sa madaling salita ayaw nila akong isama at isali sa lahat ng gathering at okasyon ng pamilya ko.
"Are you related to them?"usisa nito sa'kin. Curious siguro ito dahil sa trato ng debutante sakin kanina.
"Y-yeah, she's my cousin. My Dad and her Dad are brothers."tipid kong sagot hindi ko sana sasabihin pero bakit ko ililihim di ba.
"What?"gulat nitong sabi na hindi makapaniwala.
Tumango lang ako.
"Pero bakit gano'n ang trato nila sa'yo? At bakit ngayon lang kita nakita?"takang tanong nito.
"Maybe because they think masama akong tao. Pero honestly, kung mabait sila sakin mabait din Ako sa kanila. Pero kung masama sila sakin masama din Ako sa kanila. Gano'n lang po iyon."sabi ko.
"You are right."agree nitong sabi sa'kin at ngumiti.
Nakagaanan ko agad ito ng loob. Nag-uusap lang kami ng hindi tinatanong ang pangalan namin sa isa't isa. Masaya itong kausap. Nagtapos daw ito sa kursong architect.
Nasa kalagitnaan kami ng masayang kwentuhan ng bigla siyang napasigaw at agad na tumayo sa kinauupuan niya. Naramdam niya kasing may malamig na tubig na bumuhos sa ulo niya at tumulo sa exposed kong balikat.
Nilingon ko ang may gawa. Ang pinsan ko lang naman na nakataas pa ng kilay. Masama ko itong tinignan. Maldita talaga!
"What's wrong with you, Verona?!"galit na sabi ng katabi kong babae na kausap ko kanina.
"Ay wow! Nakahanap na ng kakampi ang babaeng ito."sabay duro sakin.
"Hindi kita in-invite pero ang kapal ng mukha mong dumalo sa debut ko. Nakakasira ka sa masayang celebration ko!"sigaw nito.
'Yong natira sa hawak nitong kopita na may laman pang wine ay bigla niyang sinaboy sa mukha ko. Napasinghap ang mga taong nakatingin sa gawi namin. Naka agaw na din sila ng atensyon sa mga bisitang nandirito.
"Sumusobra kana Verona!" galit na sabi ng babaeng katabi ko. At ito naman ang kumuha ng wine at ibinuhos sa damit ni Verona.
"Eeeehhhh..."maarteng tili niyang sigaw. "My dress oh my goodness!"
"What's happening in here?"tanong ni Tito Manuel ang pangalawang kapatid ni Daddy.
"They ruin my birthday celebration! Binuhusan nila Ako ng wine!"umiiyak na nitong sabi sa Tito namin. Perfect pa ito sa dramahan pwede na siyang mag artista.
"Serenity?"galit na tawag ng Tito namin.
"I-i didn't do anything po."mahina niyang sabi..
Eskandalosa talaga ang babaeng ito. Gumagawa ng gulo para lang mapag-usapan. Siya na nga ang attention ng lahat hindi pa ba sapat iyon sknya. Apaka gaga niya.
Yong akala kong tahimik ang pagdalo ko sa party na ito ay hindi pala nagkamali ako ng akala. Gagawa at gagawa parin talaga ito ng ikapapahiya ko sa mga tao. Nailing siya.
"Sinungaling!"sigaw nito sa'kin.
Bumuntong hininga siya para pakalmahin ang sarili.
"You shouldn't come to this party kung guguluhin mo lang ang party ng pamangkin ko."galit na sabi ni Tito Manuel.
"Hindi siya ang nagsimula at wala siyang ginawa sa debutante, Tito!"tanggol ng babaeng kausap ko kanina.
"Huwag mo siyang ipagtanggol Katrine."baling ni Tito sakyan.
Katrine pala ang pangalan niya.
"Ipagtatanggol ko po talaga siya dahil alam kung wala siyang kasalanan. Alam ko kung sino ang nagsimula at kung sino ang gumawa ng eskandalo dito. Nandito ako at kitang kita ko ang ginawa niya. She ruin her own debut!."hindi paawat na sagot ni Katrine.
Um-exit na siya doon at balak niya sanang umalis na ng harangan siya ng matalik na kaibigan ni Verona na si Razelia. Maglalakad na sana siya at hindi na lang ito pansinin ng bigla niya akong sinabuyan ng wine sa mukha. Napasinghap Ako sa ginawa nito. Nakuyom niya ang mga palad. Napisi na ang pagtitimpi ko dahil sa galit at inis nasampal ko ito.
Gulat ito sa ginawa ko at nagsinghapan ang mga taong nakakita sa ginawa ko. Akala siguro nito hindi ko siya papatulan. Tangina niya! Mura ko sa isipan ko.
"Wala kang karapatan na sabuyan ako ng wine dahil in the first place hindi kita kilala at mas lalong hindi kita kaaway! Hindi tayo close para sabuyan mo ako ng alak sa mukha. I didn't do anything to you para gawin sakin ito and you know that!"galit kong sabi at mabilis na naglakad paalis doon.
Hindi naman ito nakahuma at gulat parin sa pagsampal ko saknya. First time ba nitong masampal? Well I'm lucky kung gano'n. Ang swerte ng kamay ko, ako ang nakaunang sumampal sa babaeng iyon.
Napatigil lang ako ng tawagin ako ni Mommy. Alam kong maraming nakahawak ng cellphone na mga bisita at kinukuhanan kami ng video. Pero wala akong pakialam sa kanila.
Lumingon ako, kita ko si Mommy, galit na galit itong lumapit sakin. Akmang sasampalin ako ng nakaiwas ako sa pananampal niya.
Mas lalo itong nagalit sa ginawa ko. Susugurin nanaman sana niya ako ng pigilan siya ni Daddy at galit din na nakatingin sakin.
Anong ginawa ko?
"Sana hindi ka na lang dumalo sa okasyon na ito. Nakakahiya ka. Pinapahiya mo ang angkan natin!"galit nitong sabi.
"Sisihin niyo po si Tito Arman, siya ang pumilit sakin na dumalo sa debut Ng anak niya. In the first place po ayoko naman talagang um-attend sa okasyon na ito pero dahil makulit si Tito Arman pinagbigyan ko siya."sagot ko.
Naiinis na Ako sa kanilang lahat.
"Sinira mo ang debut ni Verona. Napaka walanghiya mong Bata ka!"hampas niya sakin sa braso.
"Siya ang sumira mismo sa sarili niyang debut hindi ako! Di ba Verona? Tapos isisi mo sakin ang kagagahan mo! Nag utos ka pa ng aliporis mo para sabuyan din ako ng wine. Tapos sakin niyo isisisi ang ginawa ng debutante niyo! Wow!"
"Stop it Serenity!"galit na suway sakin ni Daddy.
Napatigil sila ng sumigaw ang Mommy ni Verona.
"Guard! Guard!"sigaw ng Mommy ni Verona.
"Palabasin niyo ang babaeng iyan!"sigaw nitong turo sakin ng may lumapit na dalawang guards.
Sobra na akong pinapahiya ng mga ito. Napakatanga nila dahil ang anak naman nila ang sumira sa debut niya. Tsee!! Wait lang at mamaya kayo naman ang mapapahiya!
"Don't touch me!"sigaw ko ng hawakan nila ako. "I said don't touch me. Lalabas Ako sa parting ito at alam ko kong saan ang daanan!"galit kong sabi at tinabig ang kamay ng Isang guard.
"Sumunod ka na lang po Miss para hindi ka masaktan."Sabi naman ng isa.
"Just don't touch me!"pero ang tatanga nila hindi nila alam ang salitang 'dont touch me' at hinawakan parin nila Ako. Bullsh!t.
"Sinabi ko ng wag niyo akong hawakan! Wag niyo akong hawakan!"sigaw ko.
Sa sobrang inis at galit ko. Sinapak ko silang dalawa at mabilis ko silang tinadyakan ayon tumilapon sila sa lamesa. Mga lampa! Hinawi ko ang buhok ko at mabilis na akong lumayo doon ng hindi na lumilingon pa.
Mabuti at sling ang bag ko. Kinapa ko ang sling bag ko at nilabas ang cellphone ko. Tatawagan na sana niya si Kuya Gardo ng tumambad agad ito sa harapan ko. Malungkot itong nakatingin sakin. Umiling lang ako na may luha sa mga mata.
"Don't worry. Ako na ang bahala. Tara na sa sasakyan."sumunod ako agad. Gusto kong ipahinga ang sarili at para pakalmahin na din ang sarili ko.
Pinapanood ko lang ang ginagawa ni Kuya Gardo. Mabilis ang galaw ng mga daliri niya maya't maya ay may tinawagan ito. Lumabas muna ito saglit at kinausap ang uutusan na ipalabas ang video recorder na ganap kanina sa loob ng venue. May maliit itong binigay na projector at nasa loob na ang isang usb na naglalaman ng video kanina.
"Igaganti kita sa ginawa nilang pagpapahiya sa'yo. They deserve that. At tama lang ang ginawa mo. Lalo na sa dalawang guwardiya. Ang tatanga nila ayon sapak at tadyak ang natamo nila."mahina pa itong natawa.
"Tagalog na nga lang ang sinabi ko hinawakan parin nila ako! Hindi ko sinasadyang tumama sila sa lamesa at natumba iyon. Tanga nila dahil doon sila nagpatumba."inis kong sabi.
"Sana tadyak na din ang ginawa ko sa kaibigan ng pinsan ko. That b!tch! Sunod sunuran sa baliw niyang kaibagan. She deserve my slap."dagdag pa niya. Bahagyan natawa naman ang kuya Gardo ko sa sinabi ko.
"Very good ka parin dahil nakailag ka sa sampal ng Mommy mo!"sabi nito. Pero nahampas naman niya ako. Napasimangot siya.
Nanggagalaiti talaga siya sa inis sa mga taong iyon. Sana pati si Verona sinampal ko din kanina para naganti man lang ako. Ang Gaga lang talaga niya.
"Let's go na kuya. Baka maamoy ako ng mga langgam dito at akyatin nila ako dito sa loob ng kotse."
"Ayos lang yan. Para masipsip ng mga langgam ang alak na tinapon nila sa'yo. Para---"
"Para malasing ang mga langgam gano'n ba?"pagpuputol niya sa sinasabi nito.
Humalakhak lang ito.
"Uwi na kasi tayo Kuya ayoko na dito at ang lagkit ko na. Bahala na sila sa loob magpakasaya sila!"simangot ko.
"Okay senyorita let's go home!"sabi nito at binuhay na ang makina ng sasakyan.
Pumikit siya at gusto niyang matulog kahit saglit lang. Masakit at masamang masama ang loob niya sa mga pamilya niya. Lahat sila. I really don't deserve this. I hate them!