Chapter 9 Party

2044 Words
Party Axer POV Hindi niya alam kung bakit excited siyang sumama at dumalo sa isang party ng kasosyo namin sa negosyo, at matalik na kaibigan nila Daddy ang may okasyon ngayon. My Dad asking me to attend the party and I said yes. At the time he found out that we were going to the place where I met the young Vivi, na laging umiiyak mag-isa sa duyan noon. I hope I could see her at the party or in the swings behind their mansion. Napangiti pa siya ng bahagyan ng maalala kung gaano ito ka-cute, kahit sa pag iyak ay napakacute parin nito. Wala akong makitang palatandaan sa batang iyon noon kundi ang pangalan lang niyang Vivi. Kada pasyal namin ng parents ko noon sa mansion nila ay lagi akong nagagawi sa likod ng mansion nila, lagi kong nakikita itong nakaupo sa duyan at umiiyak. Lalapitan ko ito at tatabi at uupo sa isang duyan din doon. Hindi ito nagsasalita kapag kinakausap ko ito. Pangalan lang niya ang sinagot nito noong tinanong ko ang pangalan niya. Pero kailangan ko muna itong kantahan bago tumigil sa pag iyak at kakausapin na ito. Mas lalo siya napangiti ng sinabihan kong siyang pakakasalan ko siya kapag malalaki na kami. I know na hindi na nito malala pa ang mga sinabi ko. Pero ako parang memories ko pa hanggang ngayon ang mga katagang iyon noon. Dahil siguro sa napakagandang bata ni vivi noon at iyakin. Kumusta na kaya ito ngayon? Ang pagkakaalam ko magkasing edad lang sila ng bunso kung kapatid. Sigurado akong napakaganda na niya ngayon. Sana makita ko siya sa party. Sa loob-loob niya. "Hey! Masungit kong kuya let's go na daw sabi ni Daddy."naputol ang pag babalik tanaw ko sa nakaraan. "Yeah brat! Sunod na ako."sagot ko. "Dalian mo, baka hindi ka sasama ha? Ipapakilala pa naman kita sa kaibigan ko. Tito niya ang may party ngayon." "Stop that will you?! Hindi mo na kailangan na lahat na lang ng kaibigan mo ipinapakilala mo ako! Worst mukhang ibinibenta mo na ako sa kanila. Your annoying!"sikmat ko. "Pero hindi ka naman mabenta! Mag-expired ka na nga lang wala paring maka-afford sa kasungitan mo! Hmp! Ampangit mo!"irap nito sakin at patakbong umalis ng kwarto ko! "Tsk! Brat, mas pangit ka! Para kang Pato maglakad!"sagot ko ewan ko kung naririnig pa niya ako. Sinipat ko muna ang itsura ko sa salamin bago ako nagpasyang lumabas na ng kwarto. May driver ang mga magulang ko at doon sumakay ang bunso niyang kapatid. Ako naman ang magda-drive sa sarili kong sasakyan at nakasunod lang sa likod ng sasakyan ng parents niya. Hindi na kasi ako pamilya sa Lugar nila dahil simula lumaki ako hindi na ako masyado sumasama sa mga okasyons. Sa barkada na ako madalas sumasama. Kapag importante lang na okasyon ako present. At ngayon, lang ulit Ako sumama sa parents ko dahil maluwag ang schedule ko ngayon. Nag-uumpisa na kasi akong magpatayo ng sarili kung negosyo at sobrang busy ko na. Iba pa sa negosyo na sa'kin na ipinahawak ni Daddy. I'm just twenty five years old pinasabak na agad Ako ni Daddy sa mga negosyo namin. While my ate naman ay isang doctor at nagtatrabaho na siya sa private hospital na pag mamay-ari din namin. At itong brat kung kapatid na bunso tourism ang kinuha niyang course. Gusto daw niyang mag travel around the world. Hinayaan naman siya ng parents nila sa gusto nitong gawin. Basta ikakabuti at masaya daw ito sa ginagawa niya. Si Vivi kaya ano kaya ang course na kinukuha niya ngayon? At saan kaya ito nag-aaral? Hindi ko na kasi maalala pa ang mukha nito. Napatigil siya ng bigla niyang maalala ang babaeng tinulungan niya noon Isang buwan na ang nakakaraan. Kumusta na kaya ito? Minsan na padaan ako sa university nila baka sakaling makita ko ito pero wala akong nakita na kahit anino nito. Kahit ang driver nito hindi ko na nakita pa. Hindi parin siya nakaget over sa nakita noon. She looks like a naive and a innocent girl, but to my surprise she also hides something fierce inside her. She's amazing. But I don't really like a girl like her. Shisshs...Ang seryoso at masungit na nga ang ate ko at maldita ng bunso namin, ayoko na ng another woman na pagsusungitan at aawayin ako. I'm done with my two siblings wag naman na sana ako makahanap pa ng mas masungit pa sa dalawa kong kapatid. Now here we are at the party. May mga ilang din akong kakilala at nakipagkumustahan at kwentuhan na din about business as usual ang topic. Mga kaibigan ko lang talaga ako nakakatawa ng malakas. Doon ko nailalabas ang totoong ako. Kapag sa party naman chill lang. Maya't maya nagpaalam muna siya saglit sa mga kausap. Naisipan niya kasing pumunta sa likod ng mansion. Marami ng nabago at sobrang gumanda pa ang mansion na ito. Pero hindi rin naman papatalo ang bahay namin sa loob-loob niya. Nagkanda ligaw pa siya iba ang nadaanan ko. Mediyo dim ang mga ilaw sa likod pero nakikita ko pa naman ang playground na my kaluman na. Malinis at maayos parin naman ito tignan. Lalapit na sana siya sa may duyan ng may maramdaman niyang mga yabag papalapit sa pwesto ko. Agad siyang nagkubli sa hindi naman gaano malagong halaman. Hindi naman siguro niya ako mapapansin dito. Tumingin siya sa babaeng umupo sa duyan at mukha itong malungkot. Nakatingala ito sa langit na parang may kinakausap siya. Pero napatigil siya ng parang hawig niya ang babaeng tinulungan niya Isang buwan na ang nakakaraan. Naka-messy bun hairstyles ito. Ang babaeng nakita ko noon ay mahaba ang buhok. Pinakatitingan niya ito napaisip siya na baka ito ang babaeng tinulungan niya noon. Mula sa labi sa ilong nito at katawan ay pareho sa babaeng tinulungan niya. No wonder na senyorita ang tawag saknya dahil dito pala siya nakatira sa malapalasyon bahay. Pero bakit kaya hindi naging kaibigan ng kapatid ko ito. Matanong ko nga siya minsan. Mas lalo pa siya nagkubli ng makitang may paparating na ibang tao sa playground na iyon. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang si Tito Arman. Naghahanda pa naman na akong sumugod kapag gawan niya ang dalaga ng hindi maganda. Hindi niya gustong makinig sa usapan nila. Pero umalis siya dito baka mapansin nila ako kaya minabuti ko na lang na magkubli dito. At makinig na lang sa usapan. Well, I'm curious lalo na sa pangalan ng babae kung ito ba si Vivi o hindi. Sulitin ko na ang pagiging chismoso ko. Nakakahawa lang din kasi ang mga chismoso kung mga kaibagan eh. Nailing siya. Nakita niya itong umiiyak habang kinakausap siya ng Tito niya. So, anak ito ni Tito Samuel. Si Vivi kaya kaninong anak siya? Tanong niya sa isipan. Kasi ang pangalan nito na narinig ko ay Serenity. Ang layo naman sa Vivi na palaway nito kung siya si Vivi. Kawawa naman pala ito. Parang ang labas nito sa bahay na ito ay unwanted daughter. Kaya pala she looks like very sad and lonely. Nasa malalim siyang pag iisip ng makitang tumayo na si Serenity at sumunod na sa Tito niya pumasok sa loob. Lumabas na din siya doon sa lungga niya. Nagulat pa siya ng mapalingon sakin ang dalaga. Pero mukhang natakot ito at mabilis na pumasok sa loob. Kawawa naman ang dalagang ito. Nag stay pa siya doon ng ilang minuto pero mukhang wala ng taong pupunta pa dito. Hindi na niya mahintay na darating pa dito sa duyan ang Vivi na nakilala niya noong bata sila. Well, dalaga na ito baka hindi na ito iyakin gaya dati. Kaya nagpasya na siyang bumalik na siya sa party. **** Sumilip ako sa labas at nakita kong andaming bisita ang mga magulang niya. Ayaw niyang lumabas ng kwarto kaya dinalhan ako ng pagkain ni Ate Nina. Lumabas din agad ito dahil madami daw bisita sa labas at busy silang lahat. Next na pasukan sa ibang university na ako mag-aaral sana may makilala akong totoong kaibagan na maituturing kung best friend gano'n. I haven't experienced having a true friendship since I was a child until now. I'm sad and I feel really alone. I also want to experience having a friend. Malungkot siyang tumingin sa kawalan. Gusto niyang pumunta sa duyan sa labas kaya lang mas pinili na lang niyang mag-stay dito sa loob ng kwarto niya. Mas safe siya dito. Magbasa na lang manood kisa lumabas ako ng kwarto ko. Nandito din kasi ang buong angkan ng pamilya nila Mom and Dad. Ayokong makita nila ako. Ayokong makita na iniirapan o sinasabihan ng hindi maganda. I feel like I'm not really belong to this family. Malalim siyang bumuntong hininga. Dahil hindi pa talaga siya dalawin ng antok napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa likod bahay nila. Sa laging tambayan niya kapag nalulungkot siya. Dati noong Bata siya doon siya pupunta kapag umiiyak siya, ngayon naman kapag nalulungkot siya dito sa likod lagi ang puntahan din niya. Nagduduyan siyang nakatingala sa kalangitan. Ang ganda pagmasdan ang mga bituin na nagsabog sa kalangitan. Napangiti siya ng makita ang isang malaking bituin na biglang kumislap. Naalala niya noong Bata pa siya na sabi ng Papa, niya kapag mawala na ito dito sa mundo ay titingila lang ako sa langit kapag namimiss ko ito. At kapag may makita kang Isang bituin na biglang kikislap isipin mo na lang na ako iyon, Vivi, laging nakabantay sa'yo dito sa itaas. Bigla siyang napaluha. I miss my Papa so much. Sana nandito ka pa Papa. Sana hindi ka pa kinuha ng panginoon. Masaya parin sana ako hanggang ngayon. Nararamdaman ko parin sana na may halaga pa ako dito sa mundo kapag kasama kita Papa. Miss na miss na kita. Lumuluha siyang nakatingala sa langit. Nagulat siya ng may magsalita sa likuran niya. Nakita niyang ang bunsong kapatid ni Daddy ang nagsalita. "What are you doing here Serenity?"pagalit nitong tanong sakin. "Nagpapahangin lang po ako Tito."mahina niyang sabi. "Hindi ba dapat nasa party ka? Hindi ang nagtatago dito sa likod ng mansion?" "I'm not invited po para makihalubilo sa mga bisita and besides wala po akong mga kaibagan na anak Ng mga kasosyo niyo sa negosyo. Ma-out of place lang ako sa party po."sagot ko. Narinig niya itong bumuntong hininga. "I'm sorry if you feel like you're not part of this family. You will always remember that you are important and that this family Loves you. We love you Serenity. Your Tito Arman love you too. W-we just need to do this for your safety. Someday you will find it. Bata ka pa at hindi mo pa naiintindihan ang lahat sa ngayon."huminga ito ng malalim. Namalisbis na naman ang luha saknyang mga mata. Naramdaman niyang totoo ang mga sinabi ng Tito niya. Ramdam kong mahal niya ako I feel it. Ito lang ang Tito ko na talagang kumakausap sakin. Pero lumalayo lang Ako dahil ayoko ng gulo at nagseselos ang anak niya kapag nakita niyang malambing sakin ang daddy niya. "Thank you Tito."iyon na lang ang nasabi niya. "Hinahanap Kita sa party para sana sabihin sa'yo na gusto kong dumalo ka sa birthday party ng anak ko. Please Serenity."pakiusap pa nito sa'kin. "Baka po magagalit sila Tita at si Verona kapag dumalo po ako Tito."alanganin kung sabi. "Nonsense! Basta dadalo ka and that's final."sabi nito. "S-sige po Tito." "Come here!"tawag niya sakin. Tumayo naman ako agad at lumapit sa Tito ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ako sa noo. Mas lalo nanaman akong naiyak at naantig ang puso ko sa ginawa ni Tito sakin. Bihira 'yong ganitong pagkakataon na mayakap at makausap niya ako. I appreciate him so much. Alam kung masaya na si Papa sa itaas dahil kahit papano may nagmamahal pa pala sakin na natitira. "Stop crying now. Pumasok kana sa loob at 'wag na tumambay pa dito. Hindi safe sa'yo lalo na at may mga bisita tayo. Let's go inside."sabi nito at nauna ng naglakad ang Tito ko. Papasok na Ako sa loob ng may mahagip akong tao na nakatayo sa di kalayuan sa pinagtatambayan kong duyan. Kinabahan siya bigla at mabilis na pumasok sa loob ng Bahay. Tama si Tito hindi Ako safe dito. Salamat sakniya dahil sinundan at pinapasok niya na Ako sa loob. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD