Fight against all odds
Ilang araw na lang uuwi na galing ibang bansa ang mga magulang niya. Ang mga kasambahay naman ay busy na sa prepirasyon para sa okasyon sa susunod na linggo. Narinig niya sa dalawang kasambahay na ang okasyon na gaganapin dito ay ang pag-celebrate daw nila Daddy sa na closed deal nilang foreign investors sa ibang bansa.
Napangiti siya dahil sigurado siyang ginalingan na naman ng Daddy niya ang pakikipag deal sa mga foreign businesman. At pinakita na naman nito kung paano makipag communicate ng maayos sa mga kausap niya. At kung paano niya mahikayat ang mga ito. Basta pagdating sa business world magaling talaga si Daddy. I salute him for that.
Kaya marami na namang mga kasosyo nila sa business ang imbetado sa okasyon na ito. Pero simula nawala si Papa, never na siyang nakikita at isinasama sa mga okasyon or dumadalo sa mga ganitong okasyon. After all, hindi naman siya invited. No big deal.
Hindi na siya pumasok pa sa unibersidad nila. Nakausap na niya ang Professor niya at ang head ng university. They asking a lot. Pero hindi ko sinabi ang dahilan niya kung bakit magtransfer siya sa ibang university.
Alam kasi ng mga ito na top sponsors ang pamilya namin dito sa university na ito. Kaya kahit gumawa ng kalukuhan ang mga kapatid at mga pinsan niya dito sa university ay takot silang i-expel or i-suspende ang mga ito. Konsentidor pa kasi ang mga Ina nila. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nababalitaan ng mga Tito at Daddy ko ang kagaguhan na ginagawa ng mga anak nila dito sa loob ng university. Nailing siya.
Iwinaglit niya ang mga nakakainis na nasa isipan niya at gumayak na para sa training niya ngayong hapon. Hindi na siya kakain dahil siguradong mabu-bwesit lang ang araw niya kapag nakita niya ang dalawang ipis niyang kapatid. Napangiwi siya sa pagtawag niyang ipis sa mga ito.
Agad na siyang lumabas ng kwarto at nagmamadaling bumaba ng hagdan ayaw niyang dumaan sa elevator baka biglang makasabay niya ang mga ipis sa elevator at mandiri lang siya sa mga ito. Mas maganda parin sa hagdan dumaan dahil exercise na rin iyon sakin.
"Ate 'yong water bottle ko po?"tanong niya sa kasambahay dahil nakisuyo siya kanina na lagyan ng tubig iyong bottle niya.
Hindi niya napansin na nandun sa kusina ang Isang ipis kong kuya. Lumalamon na naman.
"Pati bottle mo inuutos mo pa! Hindi ka na bata at hindi ka prinsesa dito sa pamamahay na ito!"kontra sakin ni kuya Victor.
"It's just for today and there's nothing wrong with it."sagot ko.
"Kahit na! Hey! Throw away the water inside of bottle!"inis nitong utos sa kasambahay nila.
Nalito naman ito kung itatapon ang tubig sa bottle o hindi. Pero agad kung kinuha iyon at ipinatong sa center island. Sayang ang tubig kung itatapon lang nito. Napakamot na lang sa ulo ang kasambahay namin.
"Anong ikinaiinis mo diyan? Ikaw nga kahit dumi mo sa banyo hindi ka marunong maglinis! Mga kalat mo sa kwarto mo ang madami at ang dumi! Makapag utos ka sa mga kasambahay dito akala mo anak ka ng hari sa England."sarkastiko kong sabi.
"Because it's there job!"palabang nitong sagot.
"So kapag kayo pwede mag-utos ako hindi pwede! Para lagyan lang ng tubig ang bottle ko e, nagrereklamo kana. Hindi naman Ikaw ang inuutusan ko eh!"irap ko dito.
"Get out of here at baka mabato kita."banta nito.
Kahit ganito lang ito hindi pa niya ako nasasaktan. Iba din kasi ang trip nito. Ang isumbong ako sa parents namin ng kung ano-anong kwento at heck naniniwala naman ang mga bias naming mga magulang lalo na si Mommy.
Masama itong tumingin sakin. Wala itong maisagot na matino kaya agad ko ng kinuha ang bottle ko at lumabas na ng kusina. Napangiti siya dahil pakiramdam niya panalo siya ngayon sa sagutan namin.
Fighting Vivi.
"Ate Nina nasaan po ang lovers mo?"biro ko.
Napalingon agad ito sakin kasama ang dalawang kasambahay na busy din sa paglilinis sa labas ng Bahay. Napahagikhik siya.
"Sino ang may lovers?"bungad agad ni Kuya Gardo.
"Ay, nandito na pala siya."pang aasar ko kay ate Nina.
May tampuhan yata ang mga ito. Hindi nagpapansinan eh.
"Tara na kuya. Gusto ko ng umalis agad dito. Baka awayin ako ni Kuya ipis."bulong ko.
"Sinong ipis ang tinutukoy mo?"mahina din na tanong nito sakin. Para kaming timang na nagbubulungan.
"Si kuya Victor, inaway niya ako kanina eh."simangot kung sumbong sakniya.
"Mukhang bakla naman iyon. Kayang kaya mo iyon balian ng leeg."bulong nito.
Natawa ako sa sinabi nito. Napalingon si ate Nina sa gawi namin pero sumimangot at bigla umalis at pumasok sa loob.
"Ate lq sila ni Kuya Gardo d'ba? Buti po hindi kayo naingayan sknya kanina?"bungisngis niya.
"Nako senyorita, mediyo lang. Ito kasing si Kuya Gardo e, mapagpatol. Hindi pa kasi ligawin si Ate Nina eh."biro ng kasambahay nila.
"Tsk!"iiling iling nitong sabi. "Tara na senyorita. Baka makita ka ni ipis aawayin ka na naman niya."agad naman siyang nagtungo sa sasakyan. Kumaway muna siya sa mga kasambahay bago siya pumasok sa loob ng sasakyan.
*****
Nandito kami sa Isang basement ng hotel na pagmamay-ari daw ng Boss niya sa agency na kinabibilangan niya. Secret place lang ito na ilan lang ang nakakaalam. Pinagpaalam nito sa may-ari bago kami pumasok sa loob.
Dito kami mag i-ensayo ni Kuya. Boxing ang pinili ko muna at si Kuya ang trainer ko. Nagbihis muna ako pagkatapos ay nilagyan na nito ang kamay ko ng gloves. May dalawang malaking boxing punching bag sa gitna ng ring.
"Ready kana Serenity?"tanong ni Kuya.
Serenity ang tawag sakin kapag nandito kami sa training center. Mas mediyo strong daw kisa sa Vivi na parang pangalan ng sanggol.
"I'm ready!"malakas niyang sabi sabay taas pa ang mga kamay sa ere.
"Okay let's warm up first then do the 10 jabs in your left hand and 10 jabs in the right hand."seryoso nitong sabi.
Nagwarm up siya ng five minutes bago niya sinimulan ang unang boxing workout niya.
"Ready one, two ,three jabs 10 times sa left hand go."malakas na sabi ni Kuya Gardo.
Sinunod ko naman ito.
"Punch harder Serenity. Isipin mo na ang mga kuya mong ipis ang sinusuntok mo!"ginawa ko naman at nagbilang Ako ng sampu bago tumigil.
"Good job. Ten jabs to your right hand."
"Now do the 20 pulse squats."sabi nito at sinabayan niya ako mag squats.
Mediyo easy na lang sa kaniya ang mag squats at sanay na ang mga binti niya sa pag squats. Pero nakakangalay lang.
"Whoah!"hingal niya ng matapos ang 20 pulse squats.
"Let's warm up again."sabi ni kuya.
Noong isang linggo karate ang tinuro sakin iyon mga ibang technique na hindi ko pa natutunan. Nag request akong boxing ngayon dahil mas feel ko lang manuntok. Mas enjoy ako sa boxing dahil pakiramdam ko ang mga kuya kung ipis ang binubogbug ko dito sa loob ng boxing ring.
"Let's start again. Gawin mo ang 10 uppercuts una sa left hand."nagdemo muna ito bago ako naman.
"That's right Serenity. Good. Nice."pangche-cheer niya sakin. Pumalakpak pa ito. Kaya ginanahan siya sa ginagawa.
"Now repeat with the right hand 10 uppercuts. Go!"sabi nito at ginawa ko naman agad.
"Whoaah...time out muna!"hingal niyang sabi ng matapos niya ang sampung uppercuts.
"Pero alalahanin mo na kapag nasa piligro ka at napasabak sa rambulan, awayan at sa panganib walang time out, time out. Kailangan mong physically at mentally strong. Kailangan na pokos ka palagi at mas maging mapagmatyag sa palagid mo."paalala nito.
Hindi ko lang siya personal trainer kundi adviser ko din siya. Lahat ng natutunan nito sa pagti-training dati nagagamit niya at nasi-share niya sakin. Kaya laking pasasalamat ko kay Kuya Gardo.
Misteryoso parin ang totoong pagkatao ni Kuya Gardo. Natanong ko na din dati kung bakit mas pinili nitong maging driver at bodyguard ko. Simple lang ang sagot niya dahil malaki daw ang sinasahod niya. Marami daw itong pinapakain na kapamilya kaya kailangan ng malaking sahod para sa pamilya niya. Kahit di ako kumbinsido sa sinabi nito ay hindi na ulit Ako nagtanong pa. Respeto na din sa privacy niya.
Pinagpatuloy na namin ang pagi-ensayo. Nag squats ulit kami ng 20 times.
Sa sumunod na tinuro nito ay nahirapan na ako. 20 hooks sana para sa switching hand for each hit. Pero ginawa ko lang 15 hooks. Tas 10 combos na left jab, right hook and Left uppercuts. At 10 combos na right jab, left hook at right uppercuts. Pagkatapos 20 squats ulit.
Nagrereklamo na ako dahil ang dami nitong pinagawa e, suntok-suntok lang sana sa punching bag ang gusto niya. Ayon pinagalitan tuloy niya ako.
"Hindi mo mapapatumba ang mga kalaban mo kapag suntok-suntok lang ang gusto mong gawin at matutunan. Dapat matutunan mo din ang tambling, circus, at gymnastics din."sabi nito.
"Hindi po ako lalaban ng gymnastics at hindi po ako magso-show sa peryahan para mag acrobatics or circus kuya. This is for my self defense only at para maproteksyonan ko ang sarili ko sa mga taong gustong gawan ako ng masama."Saad ko agad at sumimangot na.
"It's called flexibility. You can do all kind of moves when you are going to fight someone in the very difficult situation. You know Jackie Chan, Bruce Lee and Jet Li. I copied their moves kaya pakiramdam ko para na akong si Jackie, Bruce at Jet combined. Kulang nalang gayahin ko pati 'yung boses ni Bruce Lee."natatawang sabi nito.
"Akala ko sasabihin mong gayahin ko sila o dapat maging kagaya nila. Ikukwento mo lang pala na ginaya mo ang moves nila. Baka iniisip mo na rin kuya na action actor star kana?"biro ko.
"Oo sa isip ko lang."halakhak nito. Napangiti din siya.
"Pero ang sinasabi ko lang ay para sa'yo lang din naman. I want you to be flexible at strong. Pero alam mo senyorita mas gusto ko parin na maging normal ka na tao gaya ng mga ibang kabataan. Maging malaya at walang banta sa buhay mo. Pinapanalangin ni Nina at ni Nanay Cora na maging maayos din ang lahat. Makakamit mo din ang kaligayahan at tahimik na buhay."seryoso nitong sabi sa'kin habang nakatingin ito sa kawalan.
"Ikaw kuya hindi mo ba Ako ipinag-pray din?"natawa ito sa tanong ko.
"Hindi ako madalas nananalangin pero kung manalangin ako lahat ng Santo at Santa tatawagin ko. Para lang sa kaligtasan ng mga taong Mahal ko sa buhay."sagot naman niya. Ngumiti Ako.
"I pray also everyday na sana hindi na kayo mahiyang umamin sa isa't isa ni ate Nina. Kapag naging kayo talaga. Ako na ang pinakamasayang tao sa mundong ito."ngiti ko.
"Marami pa akong mission na kailangan kung gawin. Gusto ko munang tapusin ang lahat ng nakaatang sakin bago ko harapin at pagtuunan ng pansin ang love life ko."seryosong sagot nito.
"Kailangan ko bang sabihan si Ate Nina na hintayin ka niya?"tanong ko.
"Ang kulit mo senyorita. Tara na nga. Uwi na tayo at gabi na. Magbihis kana muna."Iwas nitong sabi at itinaboy na niya ako. Nangingiti naman akong pumasok sa banyo.
Paglabas niya ay nakita niya itong nakatingin sa kawalan.
"Tara na kuya."agaw ko ng pansin saknya. Agad naman itong tumayo at bitbit na ang gamit namin.
"Tulala sa Isang tabi. At namuni-muni."kanta niya. "Tama ba iyong lyrics kuya?"natatawa ko pang tanong saknya.
"Hindi ko alam. May kanta bang gano'n?" balik tanong nito sakin.
"Meron yata. Diko alam ang title. Naririnig ko lang iyon na minsan kinakanta ng kasambahay natin para kay ate Nina."hagikhik niya.
"Nina mo pa binabanggit ang ate mo. Baka na dapa na 'yon!"
"Hayaan mo na madapa para Ikaw ang sisisihin niya."natawa kaming dalawa.
Kumain na muna sila bago umuwi na ng mansion. Gabi na at sana wala na ang mga ipis na pakalat kalat sa mansion at sana nakatago na sila sa mga lungga nila.
Hangga't maari talaga ayoko silang makita. Ngayon uuwi na ang parents niya mas lalong gugulo na naman ang buhay niya at ang bahay. Dahil andito na naman ang Hari at Reyna ng tahanan namin.
Mag Eighteen na pala next month iyong Isa kung pinsan at hindi ako mage-expect na invited Ako or Isa Ako sa 18 Roses or kahit saan 18 pa yan. It's doesn't matter naman iyon sakin. Pero kung i-invite ako na um-attend ng birthday celebration pwede naman akong pumunta siguro.
Iyon nga lang wala akong kaibigan o close na kamag-anak namin. Kinakausap naman ako ni Tito Arman ang bunso na kapatid ni Daddy. Nilalayo ko lang ang sarili ko dahil sa anak at Asawa nitong mga inggrata.