Be safe
"Tell me? Magkwento kana kuya Gardo."usisa ko.
"Ang lalaking namatay kanina ay isa sa mga gustong kumuha sa'yo noong nakaraang linggo."bumuntong hininga na sabi nito.
"And?"
"Lumapit siya sa'kin na parang may tinataguan o tinatakasan. Balisa ito na lumapit sa'kin. Hindi na ito nagpaligoy ligoy pa at sinabi niya na ang kuya mo ang gustong kumuha sa'yo at ibebenta ka niya sa kaibigan daw nitong gangster."kwento ni Kuya Gardo sakin.
Napatda ako sa narinig. Ako, ibebenta ng sarili kong kapatid sa kaibigan nitong gangster for what?! Anong kasalanan ko sa kapatid ko para gawin nito sa'kin ito. Gano'n ba niya ako kadisgusto na magagawa pa nitong dukutin ako at ibenta.
"Sinong kuya ko ang gustong ibenta ako? Bakit daw ako ibebenta ng kapatid ko?"tanong ko.
"Hindi ko alam kung sino sa dalawa mong kapatid ang gustong ibenta ka. Wala siyang nabanggit na pangalan dahil nagsasalita palang ito ng may biglang nagpaputok na ng baril at sunod-sunod iyon. Nagulat kaming dalawa at hindi agad nakagalaw sa kinauupuan ko at itong lalaki naman nakatayo sa harapan ko. May hinala akong plano din nila akong patayin para makuha ka lang nila."mahaba nitong sabi.
"Alam siguro kasi nilang ako ang taga hatid sundo sa'yo at bodyguard mo na din. Kaya siguro ako ang pinupuntirya nila para madali lang para sa mga ito na makuha ka."nakita kong napatiimbagang ito.
"Paano alam ng lalaking iyon na ang kuya ko ang nagpapakidnap sakin?"she want to know everything para alam niya kung ano ang dapat niyang gawin.
"Ang alam ko Isa sa pinakaboss nila ang kuya mo. At may hinala akong si Sergio ang gustong kumuha sa'yo dahil ito lang naman ang may grupong fraternity na kinabibilangan niya na gumagawa ng illegal na gawain. Narinig nito ang sinabi ng kuya mo. Alam kong marami pa sana itong sasabihin pero sa kasamaang palad namatay siya dahil hinarang niya ang sarili para hindi ako matamaan ng bala pero natamaan parin ako at salamat dahil daplis lang ang tama ko sa braso."hinala na sabi ni Kuya Gardo.
"So, what do we do now?"may takot akong nararamdaman sa puso ko.
Pero walang mangyayari kung matatakot ako. Kailangan kung maging matapang at lalaban sa lahat ng oras at kagipitan. Kung si kuya Sergio nga ang may plano at gustong ipakidnap ako? 'Pwes! Hinding hindi mo ako makukuha puputi na lang ang buhok mo hindi mo pa ako nakukuha. Manigas ka! 'gigil na sabi ko sa isip ko.
"Just be safe senyorita! Hindi ko hahayaan na may kikidnap at mananakit sa'yo. Pinangako ko sa Lolo, mo na hinding hindi kita pababayaan kaya susundin ko ang sinabi at pinangako ko saknya."sabi nito.
Heto na naman sila sa super pagprotekta nila sakin. Gustong gusto ko na talagang makausap ang abogado ni Papa. Alam kung marami itong alam na sakanya lang ako makakakuha ng mga importanting impormasyon about sa mga gusto kung malaman.
Napatingin siya sa driver niya at mukhang nahirapan itong imanyobra ang sasakyan dahil sa tama ng bala sa braso nito.
"Kaya mo pa bang mag-drive kuya? Ako na muna ang mag-drive para sa'yo mukhang malalim naman yata ang sugat mo eh."
"Kaya ko ito senyorita, sobrang layo pa sa bituka ang tama ng bala sa braso ko."ngiti niya sakin.
"Okay Ikaw bahala. Sigurado akong kapag nakita ka ni Ate Nina mag-aalala din siya para sa'yo. Ayeeehhh...alam ko kikiligin ka mamaya Kuya Gardo."tukso ko kay Kuya Gardo.
"Tsk! Asa ka pa!"iiling na sagot naman nito. Pero bahagyan ngumisi ito.
"Alam ko kung paano siya mag-alala sa'yo. Hampasin ka niya sa ulo sabay sabing kalaki ng katawan mo tas ang lampa mo! Hinayaan mong saktan ka ng mga gagong iyon! Kumusta ang malaki mong katawan nasaktan ba? May nabali ba sa mga buto mo? May gasgas ka o sugat? Hindi ka nag-iingat Gago ka! Sabay hampas ulit sa braso mo!"halakhak niya.
Humalaklak din ito sa sinabi ko pati boses ng ate ko ginaya ko kasi.
"Tapos sasabihin niya diyos ko po Gardo!"halakhakan silang dalawa.
"Ang kulit ng ate mo."bumungisngis siya.
"Pero alam mo kuya, sana kayo nalang talaga ang totoong pamilya ko. Baka mas masaya pa ako at tahimik ang buhay ko. Ayoko na nasa ganitong sitwasyon ako. Paano na lang kapag wala na kayo. Paano na ako? Kapag wala kayong nagtatanggol sakin hindi ko alam saan ako pupulutin. Baka nasa isang kulungan Ako na parang aso na puno ng pasa, galos at bugbog sa katawan. Gutom at nilalamig sa sulok."malungkot kong sabi.
Napalingon naman sakin si Kuya Gardo ng bahagyan sakin na nakaupo sa likod.
"May dahilan ang lahat ng ito senyorita kaya nandito ka sa ganitong sitwasyon. At kung bakit mo ito nararanasan ngayon. Hindi ko sinasabing napakaswerte mo, pero kung iisipin mo Isa ka sa pinakamaswerte na tao sa buong mundo. Ang hindi ka lang swerte ay kulang ka sa pagmamahal sa sarili mong pamilya. Pero maswerte ka parin dahil sa kabila ng lahat marami parin kaming nagmamahal sa'yo, senyorita. You have everything, pagmamahal na lang ng Isang Ina at Ama ang kulang sa'yo."napakaseryoso nitong sabi sa'kin.
Natouch Ako sa sinabi ni Kuya Gardo kaya hindi ko maiwasan na mapaluha. Pinalis ko agad iyon ng tumingin ito sa maliit na salamin na nasa harapan.
"Ang ibang mga kabataan kahit kompleto sila at masaya ang buong pamilya nila pero maraming kulang sa kanila. Nandun ang paghihirap sa buhay at marami silang kulang sa lahat ng bagay. Walang pera, pagkain, walang magandang tirahan at kung ano-ano pa na wala sila na meron ka. Masagana ka sa lahat, sila kapag hindi na nagtrabaho wala silang kakainin. Sa sobrang kahirapan ng buhay maraming mga kabataan na hikamos sa buhay. Kawawa at walang makain. Kumakakayod sila para may makain lang. Namamasura, namamalimos minsan nagnanakaw dahil sa hirap ng buhay para may maipakain lang sa mga anak nila."
Nakikinig lang Ako sa sinasabi nito. Tama ito hindi dapat ako nagrereklamo. Pagmamahal lang naman ang gusto ko na maranasan bilang isang anak. At iyon ay wala ako. Never ko naramdaman at naranasan ang kalinga ng isang magulang.
"Ang sinasabi ko lang ay balang araw magiging masaya ka din sa paraan na gusto mo. Magiging tahimik din ang buhay mo. Sa ngayon maging kontento ka na muna kung ano ang meron ka. Balang araw mararanasan mo din ang may magmamahal sayong Isang pamilya. Maging masaya ka lang lagi dahil iyon dapat ang gawin mo. Basta ang sinasabi ko lang ay para lang din naman ito sa'yo. Gusto kong lawakin mo at unawin mo ang mundong kinagagalawan mo. Minsan napaka unfair Ang buhay pero gano'n talaga siguro ang mundong ito. Kung papatalo ka sa emosiyon mo wala kang mapapala. Walang mangyayari sayo. Dapat maging matapang ka palagi Vivi. Maging matatag sa lahat ng pagsubok na darating sayo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"seryoso nitong tanong sakin.
"Opo, pastor Gardo."
"Tsk!"simangot nito.
"Salamat sa payo at gagawin ko lahat ng sinabi mo. I appreciate you for being so kind at salamat sa lahat ng tyaga mo sa pagtuturo sakin ng self-defense at ang paghahawak ng baril. I couldn't done all this kung hindi dahil sa'yo. Pinapangako kung magiging matapang pa ako sa'yo someday. Maging mas magaling at matalino sa pakikipag laban."seryoso ko din na sabi.
"That's my senyorita. Laban lang ng laban. Walang susuko at babawi."sabi nito na umaliwalas na ang mukha niya.
Pagkahatid niya sakin sa mansion ay nagpalit lang ito ng damit bago umalis din agad. Pupunta daw ito sa presinto para magbigay ng pahayag sa nangyari sa unibersidad namin. Hindi niya pinansin si ate Nina na tanong ng tanong kanina. Nangingiti na lang ako.
At ngayon Ako naman ang kinulit niya kaya nagkwento na Ako saknya. Heto nga at ramdam kung nag alala ito ng sobra kay kuya Gardo. Halata sa mukha nito kahit ideny pa niya. Hmp!
Mga pakipot at denial, denial pa silang nalalaman. Tsk...