Third Person
"Ang tatanga niyo iisang babae lang iyon hindi niyo pa nakaya? Hindi pa nakuha!"galit na sigaw niya at pinagtatadyak ang apat na lalaking nakaluhod na sa harapan ko.
"Mga Gago!"ang hawak niyang baseball bat ay inihampas niya sa mga ito.
Wala siyang pakialam sa pagmamakaawa nila. Simpling utos lang hindi pa nila nagawa. Kahit nagpaliwanag na ang mga ito hindi parin niya kayang tanggapin na nakaya ng Isang payat at lampang babae ang apat na mga gagong ito.
Nakahandusay na ang apat na lalaki. Humanda kang babae ka! May tinatago ka din palang talento ha! Ngisi niya.
Pasalampak siyang naupo sa sofa at nagsindi ng segarilyo.
"Hey Serg! Mukhang masama ang araw natin ah!"ngisi ng Isang kaibigan niya na kasamahan din niya sa grupong ito.
"Paano mga walang kwentang tao naman pala ang ipapadala mo para madukot ang babaeng kinahuhumalingan mo Gago!"inis kong sabi.
"What!"malakas niyang tanong sakin.
"Don't what, what me fvck you!"sikmat ko.
"Tangina! Ako dapat ang nagagalit hindi Ikaw eh!"Sabi naman nito.
"E, di magalit ka din!"pabalang kung sabi.
"Fvck! Anong nangyari at hindi nila nakuha ang dalaga. Excited pa naman akong mahawakan ang Sweet Serenity ko!"
"Yuck! Ang baduy mo. Nakakadiri ka!"asar kung sabi.
Ano bang nakita niya sa kapatid kung iyon at humaling na humaling sa babaeng iyon.
"Mind your own taste gags!"smirk nito.
Balak ko lang naman na ibenta ang kapatid kung iyon sa kaibigan kung gangster na ito. Para mawala na sa landas naming lahat! Matagal na kasi akong kinulit ng gagong ito. Hindi makaporma sa babaeng iyon dahil laging kasama ang bodyguard nito.
Pero nakita ko ito kung paano ito makipag laban. Parang expert na kung umatake sa mga kalaban nito. At hindi nagsisinungaling Ang apat na mokong na ito. Sobrang nainis at nagalit lang ako at sila ang napagbuntunan ko ng galit. Nandun ako noong araw na iyon. At may nakakita at tumulong talaga sa babaeng iyon. Maswerte parin ito kahit papano. Pero may araw ka din sakin.
Bago ako mangibang bansa dapat nakuha ko na ang babaeng ito. I don't care about her anyway.
"Sana makuha mo na siya bago ka mangibang bansa gags!"sabi nito.
"Kapag hindi umaaligid aligid ang driver niya. Ano kaya kung ito na lang muna ang tirahin natin para makuha natin ang babaeng gusto mo?"suggestions ko.
"Hindi kaya tayo mahihirapan niyan. Mabuti sana kung hindi kami wanted. Fvck! Namumuro na ang mga pulis na mga 'yan ako at ang grupong ito lang ba ang gumagawa ng kasamaan. Ang dami-dami eh, tayo pa ang pinagtuonan ng pansin. Tangina nila!"galit na sigaw nito.
Tsk! Bwesit talaga ito kapag nagagalit eh. Basta na lang sumisigaw ng walang dahilan. Gago nga talaga ito.
Hinayaan niyang gumapang paalis ang mga lalaking pinagpapalo niya ng baseball bat. May mga dugo pa nga akong nakita sa katawan nila pero wala akong pakialam. Baka mapatay ko pa sila kapag nakita ko pa sila dito.
*****
Isang linggo na hindi siya pumasok sa university dahil nilagnat siya at idagdag pa ang braso niyang may pasa.
Hindi siya lumalabas ng kwarto niya simula sa araw na nagkasakit siya. Pasalamat siya dahil hindi niya nakikita ang mga kapatid niya. At wala pa ang mga magulang nila. Isang buwan sila sa ibang bansa.
Kailangan na niyang pumasok sa university. Maayos naman na siya ang braso lang niya ang mediyo masakit pa.
Ayos naman sakin kung hindi na Ako papasok kaya lang marami siyang kailangan kunin at gawin sa loob ng paaralan bago siya lumipat sa ibang university.
Naparoll eyes siya ng panay bilin sakin ni ate Nina ng kung ano-ano. Gano'n din ito kay Kuya Gardo. Sa totoo lang naririndi na kami sa kadadaldal nito. Hindi ito makasama samin dahil maraming trabaho sa mansion.
Dahil pagdating ng mga parents ko may party daw na magaganap dito sa bahay. Hindi ko alam kung anong okasyon iyon. Hindi naman ako lumalabas ng kwarto ko kapag may okasyon dito sa mansion kaya wala akong pakialam sa okasyon na 'yan.
"Opo ate alam na namin. Baka pagdating namin sa school bingi na ako."sabi ko.
"Pinaalalahanan lang kita."agad na sagot ni ate Nina.
"Binibilang ko 'yung sinasabi mo more than Forty beses na. Alam kong Forty na ako wag mo ng ipaalala pa! Kaya tama na ang paulit-ulit mong sinasabi. Para kang recorder diyan na sirang plaka eh."inis na sabi ni Kuya Gardo.
Nahampas niya agad si Kuya Gardo sa sinabi nito. Gusto kong tumawa kaya lang mas pinili ko na lang ang manahimik. Iniisip kung safe ba ako sa school at baka balikan nila ako ulit doon. Pero hindi dapat ako matakot lalaban ako hangga't kaya ko. 'Never niyo akong makukuha kung sino man ang gustong kumuha sakin.'sa loob-loob niya.
"Let's go Vivi."Sabi ni Kuya Gardo.
Agad akong pumasok sa likod at sinara agad ang pintuan. Kumaway na lang ako kay ate Nina na balak pa sanang buksan ang pintuan ng sasakyan at talakan nanaman niya ako. Gano'n din ang ginawa ni Kuya Gardo at ni-lock agad ang pintuan ng sasakyan.
"Pwew!"hinga ko ng malalim.
"We are free now my ears. You are safe now."malakas ko pang bulalas.
Humalaklak naman si Kuya Gardo.
"Para siyang armalite. Mali, mas malala pa siya sa armalite. Nakakarindi at nakakainis siya. Kung hindi ko lang siya...."hindi niya ito tinuloy ang sasabihin.
Nakita ko itong iiling iling.
"Kung hindi mo lang siya mahal ay baka napatulan mo na siya d'ba Kuya"hagikhik niya.
Alam kasi niyang mahaba habang pang unawa at pasensiya ang ginagawa nito para hindi niya mapatulan si Ate Nina. Sobra kasi minsan si Ate Nina at mapanakit pa. Nailing siya.
"Ewan ko! Hindi gano'n ang karugton no'n."sagot naman nitong natatawa.
"Pareho lang kayong pakipot eh, gusto niyo naman ang isa't isa. Hayyy deny, deny pa....baka kung umamin ka na saknya Kuya baka mabawasan ang pagkabungangera ni Ate at maging mas malambing siya sayo."
"Busy pa Ako!"sagot lang nito.
"Bahala na nga kayong dalawa. Kapag nag-expired kayong dalawa problema niyo na iyon."halukipkip pa niyang sabi.
"Babae lang ang nag-eexpired Vivi."natatawang sabi nito.
"Kaya pauuwiin ko na lang siguro si Ate Nina sa probinsiya nila para makapag Asawa na siya doon. May naghihintay naman daw sknya doon na manliligaw niya eh. Si ate Nina lang naman ang ayaw pa magsettle down. Makulit ko nga siya minsan. Sayang ang lahi niya e, maganda din naman si Ate Nina tignan mo nga madami parin nagkakagusto sakanya kahit sa mga kapitbahay natin na mga guards at drivers d'ba Kuya?"gusto ko lang itong subukan kung ano ang magiging reaksyon nito sa mga sinabi ko.
"Hmmm.."sagot lang nito.
Kita ko ang mga balikat niya kung paano iyon napatiimbagang na pati mga muscle nito ay gumalaw din. Kaya napangiti siya at nagpatuloy sa sinasabi niya.
"Gusto kung sumaya din si ate Nina ko. Nabanggit niya sa'kin na balak nitong magbakasyon sa probinsiya nila at gusto ko sumama para makita ang lalaking laging kinu-kwento ng mga kapatid niya na manliligaw ni ate Nina."kinikilig kunwari siya.
"Tignan ko kung bagay sila ni ate Nina. Deserve niyang may magmamahal din sa kaniya. Ayokong tatanda siyang dalaga dito sa mansion. D'ba Kuya?"patuloy pa niyang kwento dito.
"Ha?"
"Nakakainis ka naman Kuya, hindi ka naman nakikinig eh! hmp!"kunwari'y tampo ko pero alam ko naman nakikinig ito. Kumunot kunot pa nga ang mga noo nito eh.
"Busy akong nagda-drive senyorita!"sagot nito.
"Hmp! Hindi ka man lang maging supportive sa ate Nina ko!"simangot niya
"Naging madaldal kana din. Nahawaan ka na ng ate mo Nina."sabi lang nito at iniiba ang topic.
"Hmp!"sabi lang niya at hindi na nagsalita pa. Alam naman niyang ayaw nito sa topic ko at nagseselos lang ito eh.
Nasa parking lot na sila ng university ng makitang naglalakad ang kuya niyang si Victor with his friends. Mas mediyo matino ito kunti kumpara sa panganay. Pero Iwas din ako kapag nakikita ko siya dito sa paaralan.
"Mag-iingat ka ha. Manatiling mapagmatyag at alerto. Dito lang ako malapit sa building niyo. Malapit naman dito ang canteen kaya mababantayan parin kita."paalala nito sa'kin.
"Opo."sagot ko lang at bumaba na ng makitang nakalayo na ang kapatid niya with his friends.
****
Gardo
Palakad lakad lang siya dito sa may malapit sa building ng alaga nagmamanman. Tatlong oras lang naman ang klase nito. Sanay na akong maghintay kahit gaano pa yan katagal.
Nang mapagod ay naupo siya sa isang upuan sa may puno ng acacia sa gilid iyon ng building. Maganda dito at tahimik. Nahiga siya habang naghihintay sa alaga niya. Ilang oras din siyang nakahiga.
Napabangon siya ng maramdaman niyang may taong papalapit sa kinaruroonan ko. Nangunot ang noo niya ng makita ang isang lalaki na hindi mapakali habang naglalakad palapit sakin.
Palinga-linga ito sa paligid na parang may tinataguan o tinatakasan. Agad itong lumapit sakin. Nakatayo lang ito sa harapan ko.
"Sir, pasensiya na sa istorbo pero may kailangan kayong malaman. Mamatay lang din naman ako ay gusto ko na kahit ngayon lang ay makagawa ako ng mabuti bago ako mawala dito sa mundong ito."Sabi nito agad na parang nagmamadali.
"Tell me at baka matulungan pa kita."sagot ko agad.
"Ako 'yong Isang kukuha sana sa alaga mo. Alam kong driver ka ni Serenity. Ang kuya niya Ang nag-utos sa'min na kunin si serenity, dahil ibebenta niya ito sa kaibigan niyang gangster. Narinig ko ang usapan nila noong araw na binugbog at pinagpapalo niya kami ng baseball bat. Gusto ko ng umalis sa grupo pero natatakot akong patayin nila Ako pero wala akong choice dahil aalis man Ako o hindi papatayin pa----"hindi na niya natapos ang sasabihin ng may sunod-sunod na putok ang umalingaw-ngaw sa paligid namin.
Hindi agad kami nakagalaw at sobrang gulat ko sa bilis ng pangyayari. Sumigaw ito. At kita ko kung paano niya iharang ang sarili sa harapan ko para hindi Ako matamaan ng ligaw na bala. Pero natamaan parin ako sa braso. Dalawang beses nadaplisan ang braso ko.
Hindi ko makita ang nagpapatutok at lalong hindi ko alam saan sila nagtatago para barilin kami dito. Padapa agad akong nagtago para hindi ako matamaan ulit ng bala. Dahil ang kasama kong binatilyo ay nakahandusay na sa tabi ko. Duguan ito at alam kong wala na itong malay.
Nilabas niya ang cellphone niya para tumawag sa pulis headquarter. At ambulansiya na rin para sa lalaking nakahandusay na. Sana ay mabuhay pa ito.
Asan ba ang mga guwardiya dito wala bang nakakarinig sa mga sunod-sunod na putok dito sa loob ng paaralan. Allowed ba dito ang mga ganitong engkwentro sa paaralan na ito. Ang magpasok ng mga baril dito sa loob?
Anong silbi ng mga guwardiya sa gate kung nakakapuslit ang mga estudyante ng mga ganitong dangerous weapons sa loob ng university. Nagpupuyos ang puso niya sa galit. Bullsh!t!
Mga ilang minuto siyang nakadapa. Sana buhay ka pa! Panalangin niya para sa batang nasa tabi niya. Marami na itong dugong nawala at parang hindi na humihinga ito.
Maya't maya may mga pulis at ambulance ng dumating na naririnig niyang papasok dito sa loob ng campus. Gusto niyang tumayo na sana pero natatakot siya na baka hinihintay lang nila na tumayo Ako at paputokan ng baril. Kaya nanatili siyang nakadapa.
Tumatawag na rin sakin ang alaga ko. Kailangan ko ng makaalis dito. Tinignan ko ang oras saktong tapos na ito sa klase.
"Hello senyorita?"
"Nasaan ka kuya? Anong meron at may mga pulis at ambulance malapit dito sa building namin?"ramdam ko ang kaba nito.
"Mamaya na Ako magkwento lumapit ka sa mga pulis or sa sasakyan nila para sa safety mo. Dalian mo senyorita."diin kung sabi.
Alam ko nandiyan lang sila nag hihintay ng tiyempo para mabaril ako o makuha ang alaga ko.
"Bakit bumalik ba sila? Where are you, kuya? Are you okay?"taranta na nitong tanong.
"I'm already here near to the police car. Why, there's a ambulance here? May tama ka ba sa barilan kanina?"alala pa nitong tanong.
"Okay lang ako, senyorita. Sige na diyan ka lang. Maging alerto ka sa paligid mo."iyon lang at pinatay ko na ang tawag.
Bumangon na siya sa pagkakadapa ng may mga lumapit ng mga pulis. Tinulungan nila akong makatayo at agad na nilapatan ng first aid sa natamo niyang sugat sa braso.
Ang binatilyo ay dineklarang patay na. Nanlumo siya at naawa para sa bata lalo na sa mga pamilya nitong naiwan. Sigurado akong wala silang kaalam-alam na ganito ang ginagawa ng anak nila dito sa paaralan. Lalo na sa mga pagsali sa wala namang kwentang fraternity na yan. Nakakasira lang sa kinabukasan ng mga kabataan. Bwesit!
Maraming mga estudyante ang mga nakiki-usyoso sa nangyari. Tumanggi muna siyang magbigay ng pahayag at sinabi niyang imbestigahan ang paaralan na ito. Kung bakit nakakapuslit ang mga estudyante ng mga bawal na gamit dito sa university.
"Ihatid ko lang ang alaga ko na safe siya na maiuwi ko. Sunod na ako sa presinto Sir."Sabi niya at sumaludo muna siya sa pulis na kausap niya.
Nang matapos na siyang linisan at lagyan ng benda ang braso ay agad siyang nagtungo sa alagang naghihintay saknya malapit sa sasakyan ng pulis. Nag-aalala ito sakin at naappreciate ko ito.
"Let's go!"sabi ko agad ng makalapit ako sa alaga ko.
Hindi nila pinansin ang mga taong nakatingin sa'min at diri-diretso sila ng lakad papuntang parking lot kung nasaan ang sasakyan nila. Bulletproof ang sasakyan nila kaya safe ang alaga ko sa loob kung meron man magtangkang barilin kami dito.