Amazed
Axer
Papasok na sana siya sa loob ng university ng may namataan siyang mga kalalakihan sa di kalayuan sa gate, nagrarambulan. Hindi niya sana papansinin ng makitang hindi sila nag aaway. Pero mas nagulat siya ng makitang pinagkakabisihan nila ang kawawang babae.
Mali, hindi pala ito kawawa mas kawawa ang apat na lalaking gustong kumuha sa babae. Napapikit siya ng makitang tinuhog Ng babae ang p*********i ng isang lalaki na nakahawak dito. Namilipit ito sa sakit. Parang ako iyong nasaktan sa ginawa ng babae.
"Nako wala ng silbi ang p*********i niyan nawasak na."ngiwi niyang sabi sa sarili.
Pero nagulat siya ng masuntok ng isang lalaki ang babae na hindi siguro nito napansin ang pag-atake nito dahil nakapokos ito sa dalawang lalaki. Pero na-amaze siya kung paano gumanti ang payat na babae.
Parang nanonood lang ako ng shooting sa isang pelikula. Para siyang si Cynthia Luster kung gumalaw ang babae. Nakakabilib ang ganitong mga babae kayang ipagtanggol ang sarili.
Pero ng makitang napalibutan na nila ang babae ay dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na lumapit doon sa kinaruroonan nila.
"Anong nangyayari dito? Kalalaki niyong tao nananakit kayo ng babae."nilabas ko ang cellphone ko para makuhanan ko ang mga ito ng larawan.
Pero ang mga gago sa camera lang pala sila takot. Tsk! Nagtakbuhan ang mga ito. Paika-ika pa nga ang isang lalaki. Mabuti nga sainyo. Sa isip niya. At lumingon siya agad sa babaeng pinupulot na ang mga nagkalat na gamit niya sa sahig.
Tinitignan niya ito nakayuko lang ito. Pero kita ko ang mga labi niyang mamula-mula. Ang cute nitong ilong at mamula-mulang pisngi nito. Mahaba kasi ang buhok kaya hindi niya gaano makita ang mukha nito.
"Ayos ka lang ba Miss"tanong pa niya.
Pero tumango lang ito at pinagpatuloy ang pagpulot sa gamit niya.
Parang ayaw din nito na tumingin sakin. Kaya tinulungan ko na lang na mamulot sa gamit niya. Nagulat pa siya ng bahagyan ng may sumigaw at lumapit sa'min na lalaki. At tinawag na senyorita ang babae.
Napulot na ang lahat at hinawakan na ng lalaki ang kamay nito. Pero sa may pasa nito nahawakan ang kamay ng dalaga kaya nagreklamo ito at nagsungit.
Pati ang boses niya ang ganda pakinggan. Napaka angelic ang boses nito.
Nauna na itong naglakad ng hindi man lang nagsasalita o nagpasalamat sakin. Nailing na lang siya. Baka mas masungit pa ito sa kapatid ko.
"Bro, salamat sa pag ligtas sa alaga ko. Gardo nga pala."sabay abot nito sa kamay niya sakin.
"Axer."sagot naman niya at nakipagkamay dito.
"Salamat ulit. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa'yo, Axer. Sige na at nagsusungit na ang alaga ko. Bye!"kaway nito at mabilis na lumapit sa dalaga at pinagbuksan niya ito ng pintuan ng sasakyan nila.
Tumango na lang siya dahil hindi pa ako nakakasagot nakalayo na ito. Tinignan niya ang oras agad siyang lumapit sa kotse niya dahil sobrang late na siya. Baka naghihintay na ang maldita niyang kapatid.
Ang demanding nito na Ako pa ang storbubin eh, sobrang busy ko sa trabaho. Makukutusan ko na ito kapag ulitin pa niyang mag-inarte. Nailing na lang siya.
Nakita niyang nakasimangot at masamang nakatingin sakin. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Umirap naman ito sa'kin. Ganito kami magbangayan ng bunso kung kapatid. Masyadong ingrata at spoiled sa aming magulang. Kaya hindi ko maiwasan na patulan ito.
"Why so tagal mo Kuya. Nilumot na ako kakahintay sayo dito. My ghaaaadd."sabay paypay nito sa mukha gamit Ang mga kamay nito. Napa-roll eyes siya sa kaartehan nito.
"Mas maganda ngang nilumot ka na lang diyang habang buhay!"sumimangot ito at pumasok na sa loob ng kotse ko.
"What are you doing?!"tanong niya ng makitang sa likod ko ito umupo.
"Natural uupo na."irap niya sakin.
"At ginawa mo pa talaga akong driver mo?!"
"Eh, Ikaw naman talaga ang magda-drive d'ba? Alangan ako...halleeerr."maarte pa nitong sabi.
"Seat beside me. At wag mo akong artehan diyan. Lumipat ka dito sa harap."diin kung Sabi.
"Ang arte mo!"
"Mas maarte ka!"balik ko agad dito.
"Let's go na kasi Kuya. I'm so tired na you know. So init pa!"
Tangina! Mapapamura ka na lang sa paraan nito sa pagsasalita. Mabuti at may gusto pang kumausap sa babaeng ito. "I will not gonna start this engine. Kung hindi ka lilipat ng upuan mo. That's final. Pareho tayong malulumot dito! I don't mind!"inis kong sabi.
"Fine! I hate you!"padabog itong lumabas ng sasakyan at lumipat sa harap.
"I hate you too!"sikmat ko.
"Isusumbong kita kay Daddy!"
"E'di magsumbong ka! This will be the last na storbubin mo ako. Anong silbi ng driver mo kung nang-iistorbo ka sa mga taong busy!"
"Gusto lang naman kitang ipakilala sa kaibigan ko. Kaya lang ang tagal mo naman."
"Stop doing that everytime na susunduin kita dito!"inis kong sabi.
"Kaya ang sungit mo eh. Kulang ka lang sa pagmamahal ng Isang babae. Ang tanda muna hindi ka pa mag asawa para naman bumait ka kunti kahit papano."simangot nito.
"Wag mo akong pakialam pwede! Now stop talking!"
Tumigil naman na ito sa pagsasalita at tinuon ang pansin sa pagsi-cellphone. Mabuti pa nga dahil nakakairita ang kadramahan nito at kaartehan.
*****
Vivi
Pag uwi niya sa mansion agad siya nagtungo sa kusina para kumuha ng cold compress. Hindi niya napansin na may tao pala doon sa kusina. Basta na lang siya naupo doon sa may upuan at nilihis ang manggas ng damit niya.
"Anong nangyari sa'yo hija?"bulalas ni Nanay Cora. Bahagyan pa siyang nagulat ng magsalita ito sa gilid ko.
"Wala ho ito Nay."pagsisinungaling niya.
"May pasa ka? Napakalaki at napakaitim ng pasa mo. Nadisgrasya ba kayo ni Gardo ha?"nag aalalang tanong ni Nanay Cora.
"May gustong kumuha saknya Nanay, kaya nanlaban siya."Sabad ni Kuya Gardo.
"At hinayaan mo lang ang alaga mo na saktan nila?!"pagalit na sabi ni Nanay Cora.
"Galing akong nagpagasolina on time sana akong nakarating ng may banggaan na naganap sa harapan ko kanina at kamuntik na akong madamay mabuti at nakaliko agad Ako."paliwanag nito agad.
"Diyos por Santo!"naibulalas na lang ni Nanay Cora.
"Anong nangyari sa alaga ko?!"malakas na tanong ni Ate Nina pagpasok niya sa kusina na may dalang walis tambo at dustpan.
"Tsk!"kamot Ng ulo na sabi ni Kuya Gardo.
Hinampas niya si Kuya Gardo sa braso ng makitang may pasa ako sa braso. Napatulala pa ito ng bahagyan. Ito na ang kumuha sa cold compress na hawak ko at siya na ang naglagay sa braso ko. Napangiwi ako sa sakit. Parang lalagnatin pa yata Ako.
Lumapit naman si Nanay Cora at hinaplos haplos ang ulo ko. Baby na baby talaga nila ako.
"Pasalamat tayo at hindi ka nila nakuha. Kapag nagkataon na nakuha ka nila hindi na namin alam ang gagawin namin. Salamat sa diyos at ligtas ka. Lage ka ng mag-iingat hija ha. Gardo siguraduhin mong puno palage ang gas ng sasakyan at bantayan siya ng maigi sa paaralan maliwanag ba?"seryosong bilin nito kay kuya.
"Opo, Nay. Hindi na mauulit pa ang nangyari."sagot nito agad.
"Dapat lang. Kasasabi ko lang kanina na mag ingat kayo. Tapos heto ang alaga ko sinaktan nila."inis na may pag aalalang sabi nito.
Habang ako nakikinig lang sa mga ito. Dahil ramdam kung parang masama na ang pakiramdam ko.
"Mukhang lalagnatin ka pa yata hija."sabay sapo ni Nanay sa noo ko at leeg.
"Mediyo parang masama nga ang pakiramdam ko Nanay."
"Hala, sige umakyat kana sa kwarto mo at magpahinga. Akyatan ka na lang ni Nina ng pagkain mo mamaya at gamot para hindi na yan lumala pa."mahinahon na bilin sakin ni Nanay Cora.
Kinuha naman ni ate lahat ng gamit ko at hinatid na ako sa kwarto ko ng hindi na pinansin pa si Kuya Gardo. Nakita ko pa nga itong masamang tumingin dito.
Nailing na lang siya. Siguradong mag aaway na naman ang mga ito.
Ngayon lang ulit nangyari ito na may nagtangkang kunin siya. Napapaisip siya kung sinong mga kaaway na naman ng pamilya nila ang may gawa nito. At bakit Ako na naman ang punterya nila. Dahil nanaman ba sa kayamanan.
Hindi ba nila alam na wala akong kayamanan na hawak ngayon. Sure nakapangalan sa'kin ang karamihan sa ari-arian ni Papa, pero hindi ko pa iyon magagalaw.
At kung mamatay man ako mas lalong hindi ko madadala ang yaman na yan. Mapupunta sa lahat ng charities na tinutulungan ng pamilya namin at hindi iyon mapupunta sa sarili kong pamilya. Which is good for me.