Danger
Nasa labas siya ng kwarto niya ng harangan siya ng kuya niyang si Sergio. Ito ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Masungit, masama ugali, at mayabang.
Tinulak niya ako ng mediyo may kalakasan. Hindi ko 'yon napaghandaan kaya tumilapon Ako sa sahig. Nagkalat pa ang mga gamit ko sa sahig.
"Hindi lang iyan ang aabutin mo sakin kapag inulit mo ulit na sagot sagutin ang mga magulang ko."galit nitong sabi sa'kin. Dinuro pa niya ako.
Galit akong tumingala saknya. Hindi ako takot dito. Alam kung may fraternity itong kinabibilangan. Maraming masasamang gawain ang ginagawa ng grupo nila sa loob at sa labas ng paaralan.
Alam kong pinamamanmanan ni Kuya Gardo ang grupo ni Kuya Sergio. Dahil sa mga illegal na Gawain ng grupo nito. Graduating na ito sa kursong Business administration. Hindi ko alam kung anong major ang kinuha nito.
Sa ibang bansa daw ito kukuha ng degree nito. Which is good. Dahil mababawasan na ang isa sa masasamang tao dito sa bahay.
"May karapatan akong sumagot dahil nasa tama naman Ako. For your information, hindi ko sila binastos. After all magulang ko parin naman sila!"matapang kung sagot.
"Matapang ka ng sumasagot sagot ha!"lalapitan sana ako para sampalin ng patakbong humarang si Ate Nina.
"Sir Sergio, naman wag mo naman pong saktan ang alaga ko."paki-usap nito kay kuya.
"Pagsabihan mo 'yang lampa mong alaga baka masakal ko 'yan!"banta pa nito.
"Ikaw ang lampa!"galit kung sabi.
"Anong sabi mo?! Kaya mo na ako ngayon sagot sagutin ha!"lumapit ito sabay hila sa buhok ko.
Napasigaw na si Ate Nina sa takot at pag-aalala sa akin. Hindi niya maawat si kuya dahil mahigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. Masakit pero hindi ako nagpatinag. Kumuha ako ng sapat na lakas at siniko ko siya ng ubod lakas sa tiyan kaya nabitawan niya ang buhok ko.
"Tulooong!"malakas na sigaw ni ate Nina, ng makitang susugurin na naman ako ni Kuya.
"Umalis ka diyan Nina, kung ayaw mong pati ikaw masaktan ko!"galit na galit na sabi pa nito.
Ihinanda naman niya ang sarili sa anong gagawin nito sa'kin. Walang galang kay ate Nina. Napakasama talaga ng ugali ng gagong ito.
"Magagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin sa'yo dahil wala sila Mom and Dad. Wala si Dad, na pipigil sakin na saktan ka! Sumusobra kana. Hindi kita papatayin...pahihirapan lang kita. Ayoko na may kapatid akong babae sana hindi ka nalang dumating sa buhay namin."puno ng galit sa boses at mukha nito.
"Ano ba Sir Sergio, maawa ka sa kapatid mo!"umiiyak ng sabi ni ate Nina.
Bago pa ako gawan ng masama ang kuya ko ay nagsidatingan na ang mga katulong kasama na si Kuya Gardo dito sa taas. Pati ang isang kapatid namin ay dumating din na may pagtataka sa mukha.
Sumbungero ito akala mo babae kung makasumbong sa mga magulang namin. Isa rin na Gago.
"Ilayo-layo niyo sakin ang babaeng iyan baka mapatay ko sa galit!"sabay duro sakin.
Agad akong hinila ni ate Nina palayo sa mga tao doon. Kita ko ang galit sa mga mata ng mga kapatid ko na nakatingin sakin. Lalo na ang kuya ko na panganay. May pagbabanta ang mga mata nito.
Sumunod naman si Kuya Gardo sa amin ni ate Nina.
Pinasok niya ako sa kwarto niya. At pinaupo sa single bedroom niya.
"Ano bang nangyari at galit na galit sa'yo ang kuya mo? Sana hindi mo na lang kasi siya sinagot. Mabuti at umakyat ako para sana tawagin ka."nag-aalala nitong sabi sakin habang hinahaplos ang buhok niyang gulong gulo na ngayon.
Kailangan ko na din mag pagupit kapag magtransfer ako ng university.
"Hinarangan niya ako sa labas ng kwarto ko eh. Hindi ko naman siya inaano bigla niya akong tinulak. Hindi ko napaghandaan kaya natumba ako."Sagot naman niya.
"May masakit ba sa'yo?"hindi matigil ang pag-aalala niya sakin.
"Masakit ang balakang ko. At ang anit ko masakit din ang higpit ng pagkakasabunot niya sakin eh."irap niya sa hangin.
Naiinis siya sa ginawa ng kuya niya sakin. Hindi na bago sakin ang pananakit nito. Pero mas malala lang ngayon.
I feel like I'm in danger in this house. Kailangan kong maging mapagmatyag at handa sa lahat ng oras. Alerto dapat ako palage.
"Hindi na ba tayo aalis para pumasok sa paaralan Vivi?"singit naman ni Kuya Gardo na pumasok din sa kwarto ni ate Nina.
Tumingin siya sa relo sa bisig niya. "May oras pa naman kuya makakahabol pa ako sa klase."
"Papasok ka sa lagay na 'yan? Kasasabi mo lang na masakit ang balakang at anit mo tapos papasok ka pa?!"sita ni ate Nina sakin.
"Opo..wala lang ito sakin. Marami na akong napagdaanan na masasakit pa kesa dito kaya ayos lang ako."mayabang kong sabi.
"Kung kinakailangan na lumaban ka, lalaban ka ha. Wag mong hayaan na saktan ka nila. Sarili mo lang ang makakapagtanggol sa'yo kung wala Ako sa tabi mo. Walang aalalay sa'yo. Basta kapag may problema alam mo na ang ggawin mo."seryosong sabi ni Kuya Gardo.
Nasa mga mata nito ang galit dahil sa ginawa ni Kuya Sergio sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang sila ka protective sakin. Kung tutuusin pwede naman nila akong pabayaan na saktan Ako ni Kuya Sergio. Pero hindi nila iyon ginawa bagkus ay mas prenotektahan pa nila ako.
Kung utos man ito ni Papa ay wala siyang idea. Maraming katanungan sa isipan ko lalo na sa mga bilin ni Papa sakin simula noong malapit na siyang mamatay noon. Marami akong gustong tuklasin pero gagawin ko iyon ng dahan-dahan para malaman ko ang bumabagabag dito sa puso ko.
"Opo, kuya hindi ako pwedeng mamatay ng hindi lumalaban."matapang niyang sabi.
Sanay na siya sa mga ganitong engkwentro sa buhay niya simula noong bata pa siya. Lalo na noong na-ambush ang sinasakyan namin ni Papa noon. Hindi niya ako hinayaan na masaktan o kahit ang madaplisan ng bala.
Magaling ang driver ni Papa noon. Hindi napansin ng mga nang-ambush samin na tumalon kami ni Papa sa hindi naman kalaliman na bangin kasama ang driver nito. At hinayaan ang sasakyan na tumatakbo na kahit walang nag-oopearate.
Nonstop ang pagpapaputok nila sa sasakyan hanggang sa sumabog ito. Habang kami ay tumatakas sa mga nang-ambush samin. Sad dahil pareho ng namayapa ang mga ito.
"That's good. Tara na at baka maghisterikal pa ang ate mo maiingayan tayo dito."
Napahagikhik ako ng sumimangot si ate Nina. Lumapit pa ito at hinampas niya si Kuya Gardo sa braso.
"Ang sweet."sarkastiko kong sabi.
"Sige na layas na kayong dalawa. Hoy, dodong mag-ingat sa pagda-drive. Alalahanin mong kasama mo sa kotse ang alaga ko. May pagkabarumbado ka pa naman!"
"Tara na Vivi, masakit na ang tinga ko nabingi na yata ako."pang-aasar niya kay ate Nina.
"Wag mo akong asarin! Wala ako sa mood!"gigil na inis na sabi nito.
Nagkatawanan kami ni Kuya Gardo.
"Sige na po ate alis na po kami."paalam ko.
"Mabuti pa nga. Ingat!"madaskol niyang sabi.
Kumaway na lang ako. Paglabas namin sa kwarto ni ate Nina, lumapit ang Isang kasambahay at binigay sakin ang mga gamit ko. Pinulot pala nila ang mga tumilapon na kagamitan ko kanina.
Nagpasalamat ako bago kami lumabas na ng bahay. Para maihatid na ako ni Kuya Gardo sa paaralan.
Madaming pangaral sakin si Kuya Gardo. Marami itong alam at koneksyon sa mataas na tao dito sa bansa. Alam ko naman na Isa itong rehistradong pulis. My license ito bilang Isang pulis pero mas pinili niyang maging driver at bodyguard ko ito dahil malaki ang sinasahod niya dito kumpara sa dating trabaho nito.
"Nandito lang ako sa parking hihintayin kita dito. Mag-iingat ka sa loob Vivi."paalala pa nito bago ako bumaba ng sasakyan.
Nakita niya ang grupo Ng mga sikat na studyante na nakatambay sa ilalim ng punong kahoy. May mga upuan kasi doon. Kilala niya ang Isa doon si Razelia ang masungit na kaibigan ng pinsan niya. Mabuti at wala ang pinsan niya dito kung meron baka bubwesitin lang nila ang araw ko. Baka mabalian ko pa sila ng buto sa katawan.
Kaya mabilis siyang naglakad at hindi na namansin sa mga ito. Nakasalubong niya ang pinsan pero nilagpasan ko lang ito ng hindi tinitignan.
Pasalamat siya iba ang course nila sa course ko. Kaya walang epal sa classroom namin.
****
Alas singko matapos ang klase. Nababagot siya at gusto na lang umuwi at magkulong sa kwarto ko.
Nakahinga siya ng uwian na kaya agad akong lumabas ng room. Habang naglalakad ako patungong parking pakiramdam niya may sumusunod sa kaniya. Palinga-linga siya sa likuran at sa ibang direksyon pero wala namang kakaiba. Pakiramdam lang naman niya iyon.
Nagvibrate ang cellphone niya sa bulsa. Tinignan niya ang tumatawag. Si Kuya Gardo iyon kaya sinagot ko agad.
"Kuya, uwian na namin asan ka?"tanong ko.
Kung tutuusin kaya ko naman mag-drive. Pero ayaw lang nila akong payagan delikado daw para sakin dahil maraming banta sa buhay ko.
"Nagpagasolina lang ako. Hintayin mo ako diyan."
"Hintayin na lang po kita sa labas para hindi kana pumasok pa dito sa loob."sabi ko.
"Sige. Diyan lang sa malapit sa may guard house ka maghintay. Sige na. Bye."
"Opo."at naglakad na palabas ng university.
Habang naghintay siya sa labas may napansin siyang apat na kalalakihan na papalapit sakin. Naging alerto siya agad.
"Miss ikaw ba si Serenity?"tanong ng Isa ng makalapit na sila sakin.
Hindi ko sila kilala. At bakit kilala nila ako. "Natural kilala ka dito sa university na ito dahil sikat ang mga kapatid at pinsan mo dito. Kilala ka nila bilang isang weirdo at may sariling mundo."sita ng isipan niya.
"Bakit anong kailangan niyo?"seryoso kung tanong.
"Sumama ka samin kung ayaw mong masaktan!"mangas na sabi ng Isang lalaki na may katabaan ang katawan.
Akmang hahawakan nila ang kamay ko ng umiwas Ako.
"Don't touch me!"galit at blangko ang mukhang tumingin Ako sa kanila.
"Sino ang nag-utos sainyo na basta na lang akong hawakan at kunin?"naghahanap yata sila ng sakit sa katawan.
Wala silang imik na basta na lang akong hinawakan sa magkabilang kong kamay. Nagkalat tuloy ang hawak kong gamit. Sh!t nasaan na si Kuya Gardo. Anong gagawin ko malalakas ang mga ito. Hindi ako makawala sa pagkakahawak nila sakin.
"Bitawan niyo ako. Mga gago kayo!"naisip niyang tadyakan ang isang lalaki para makawala ako sa pagkakahawak nila sakin.
Kaya ko 'to. Hindi pa naituro sakin ni Kuya Gardo ito. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko lalo na at nasa panganib ako.
Kaya walang sabi-sabi na tinadyakan ko ang paa at ang nasa pagitan ng isang lalaking nakahawak sakin. Nabitawan niya Ako napasigaw at namilipit ito sa sakit. Kaya sinuntok ko agad sa mukha ang nakahawak pa na Isa sakin. Tadyak ang binigay ko sa isa pa na sumugod sakin.
Sumugod ulit ang dalawa at hindi ko sila inurungan. Nasuntok ako sa braso at masakit iyon. Hindi ko napansin ang nasa likuran ko ito pala ang sumuntok sakin. Kaya binigyan ko siya ng flying kick tumilapon ito sa damuhan.
"Bwesit kayo mga mahihinang nilalang."galit na sabi ko.
Naiilagan ko ang dalawa. Halatang wala silang mga experience sa pakikipag laban. Pero mediyo nahirapan parin ako na labanan sila. Tadyak ang ginagamit ko dahil ayokong madumihan ang kamay ko. Ayokong madikit sa balat nila ang kamay ko.
Mabuti at magaling Ako sa pag Iwas sa mga suntok nila. Isang beses lang nila ako nasuntok. Pero narami Ako ng tadyak sa katawan nila.
Napatigil ang mga itong sugurin Ako ng may nagsalita sa di kalayuan sa amin. Tsk! Nasaan ba ang mga security guards na kada hapon nakatambay sila sa guard house. Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyante sa university.
Wala man lang tumulong sakin. Mga takot makialam sa awayan. Mga lampa kayong lahat.
"Anong nangyayari dito? Kalalaki niyong tao nananakit kayo ng babae."kinuha niya ang cellphone nito sa bulsa at kinuhanan nito ng mga picture ang mga taong gustong kumuha sakin.
Agad nilang tinakpan ang mga mukha nila. Nagsitakbuhan ang mga ito siguro takot sila ma-guidance. Mga lampa!
"Ayos ka lang Miss?"baritonong tanong ng lalaking tumulong sakin.
Tumango lang ako pero hindi nakatingin sa estranghero. Pinulot niya ang mga nagkalat na mga gamit niya. Kita niya sa gilid ng mata niya na tinutulungan niya akong pulutin ang mga gamit ko.
"Senyorita!?"Malakas na tawag sakin ni Kuya Gardo.
Patakbo itong lumapit sakin. Nag-aalala ang mukha nito habang nakatingin sakin. Agad na kinuha ang mga hawak ng lalaki na gamit ko at Siya na ang tumulong sakin. Nang matapos na ay hinawakan niya agad Ako sa braso pero napadaing Ako sa sakit. Ang nasuntok na kamay ko ang nahawakan nito.
"Aray Kuya, may pasa Ako diyan!"inis niyang sabi.
Nauna na siyang nagtungo sa sasakyan ng hindi na lumingon pa sa taong tumulong sakin kanina. Hindi na din siya nakapagpasalamat pa.
Sumunod naman agad si Kuya sakin at pinagbuksan Ako ng pinto. Agad akong pumasok at sinandal ang katawan sa likod ng upuan. Hapong hapo siya. Hinihingal pa nga siya sa pagod.
"May nangyari ba? Sino ang may gawa niyan sa'yo? May pasa ka sa braso!"napatiimbagang ito.
"Bakit ang tagal mo?!"inis niyang tanong.
"Bigla kasing may nagbanggang na sasakyan sa harapan ko habang patungo ako dito. Kamuntik na akong madamay kung hindi ako nakaliko agad ng daan kanina. Pasensiya na senyorita."nababanaag ang pag aalala sa boses nito.
Nakonsensiya naman siya sa pagsusungit niya dito. Muntik na palang madisgrasya ito.
"Sorry sa pagsusungit ko, kuya."hingi niya agad ng tawad dito.
"Kamuntik na akong makuha kasi Ng mga lalaking iyon kanina. Mabuti at may nagligtas sakin. Hindi man lang Ako nagpasalamat."Sabi ko. At lumingon sa labas ng bentana kung ando'n pa ang lalaki pero wala ito doon.
"Nagpasalamat na Ako kanina. Bago ako sumunod sa'yo dito. Namukhaan mo ba kung sino ang mga taong iyon? Anong ginawa nila sa braso mo at nagkapasa?."napatiimbagang na naman ito.
"Hindi ko napansin ang isang lalaki na susuntukin ako dahil nakapokos Ako sa dalawang susugod sakin. Kaya nasuntok ako sa braso."parang batang sumbong niya.
Hinaplos niya ang may pasang kamay niya. Napangiwi siya sa sakit malaki iyon dahil subrang lakas ang pagkakasuntok nito sa'kin mabuti at sa braso ko tumama ang kamao nito. Nalamog yata ang buto sa loob ng braso ko ang sakit.
"Pa-iimbestigahan ko ang nangyaring 'yan sa'yo. Huwag kang mag alala wala ng mananakit pa sa'yo simula ngayon. Pasensiya na kanina kung hindi kita natulungan.. Hindi mangyayari iyan sa'yo kung hindi ako umalis para mag-pagasolina. Hinintay na lang sana kita bago tayo nagpagasolina."malalim siyang bumuntong hininga.
"Importante ngayon ligtas na ako kuya. Kailangan ko ulit magsanay kuya para malakas na akong ipagtanggol ang sarili ko kahit madami pa sila."determinado kung sabi kay kuya.
Tumango naman ito.
Sa haba ng traffic nakatulog siya sa biyahe.