CHAPTER 12 Hindi halos nakatulog si Adelhine, knowing she and Matteo were sleeping on the same roof. Hindi niya lubusang kilala ang lalaki at sa ugaling mayroon ito, doon siya kinakabahan. Isa pa, palaging may pagbabanta sa himig nito. Hindi niya alam kung totoo ba iyon o hindi, pero natatakot siya. Patamad siyang bumangon nang makitang may liwanag na sa labas. She went straight to the bathroom and cleaned herself. Mabuti na lang talaga at kumpleto sa gamit ang lalaki. Kahit underwear na pambabae ay mayroon ito. Ultimo tsinelas ay may handa rin doon. Pagkatapos niyang mag-toothbrush at maghilamos, magaan ang mga hakbang na lumabas siya ng silid. Ingat na ingat siyang huwag makalikha ng ingay upang hindi niya maabala sa pagtulog nito si Matteo. Dumeretso siya sa labas ng rest house. Si

