Chapter 6

1918 Words
Adelhine was in panic. Akala niya tapos na silang magkasama ni Matteo sa gabing iyon, pero hindi pa pala. At nakuha pa talaga ng lalaki na ihatid siya kahit nakatikim ito ng malakas na sampal mula sa kaniya. Kahit ayaw niyang makaramdam ng hiya, iyon ang nararamdaman niya habang nakasunod rito sa basement parking ng hotel. Doon siya dinala ng lalaki. Hindi na niya nagawa pang tumanggi dahil lalabas naman siyang bastos. Nakayuko siya habang nakasunod rito kaya hindi niya napansin na tumigil pala ito. Muntikan pa siyang matumba nang bumangga sa mala-pader nitong likod. “Aw!” daing niya dahil talaga namang nasaktan ang mukha niyang tumama sa likod nito. Hinahaplos niya ang pisngi nang balingan siya nito. “Aren’t you looking on your way?” kunot-noong tanong nito. Nakatingin ito sa kahit hindi niya nakikita ay alam niyang namumula na niyang pisngi. At kung guni-guni lang niya iyon, subalit nakita niya ang pagdaan ng pag-aalala sa mga mata nito. Hindi iyon naitago ng makapal na salaming suot nito. “I am looking. Hindi ko naman alam na basta ka na lang titigil,” masama ang tinging wika niya rito. Huminga ito nang malalim bago may iniabot sa kaniya. Napatingin siya sa hawak nito, napakunot ang noo. “Helmet? Aanhin ko naman ito?” tanong niya. Frustrated or not, but she saw him roll his eyes. And God! She finds it sexy! “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa helmet? Kinakain?” sarkastikong turan nito. Doon niya lang napagtanto ang ibig nitong sabihin. Lumipad ang mga mata niyas sa likuran nito. Dumami ang mga gatla sa noo niya nang makita ang sasakyan nila. “Motor?” “Ano sa tingin mo? Spaceship?” Tiningnan niya ulit ito nang masama, bago muling ibinalik ang tingin sa big bike na nasa likuran nito. “Pero nakikita mo naman siguro kung ano ang suot ko,” hindi na napigilang reklamo niya. “And so? Gabi naman. Wala namang mag-aaksaya ng oras na pagmasdan pa ang itsura mo,” sagot nito, inis pa rin. Hindi siya sumagot. Walang imik na lumapit siya sa malaking motor. Tiningnan niya si Matteo sa naniningkit na mga mata. “It’s you!” gigil niyang wika. Nag-isang linya ang mga kilay ng lalaki. “It’s me what?” Lumapit ito sa kaniya. Walang sabi-sabing hinampas niya ito sa balikat. Wala na siyang pakialam kung ano ba ang mayroon sa kanilang dalawa. Naiinis siya dahil ito ang dahilan kung bakit nasa casa ang sasakyan niya. She remembered his big bike last night. Tugmang-tugma ang description niyon sa nakita niya kagabi, at hindi siya maaaring magkamali. “Alam mo bang muntik na akong maaksidente dahil sa iyo?” inis na wika niya. Unti-unting nawalan ng reaksyon ang mukha nito. “I didn’t know what you were talking about. At para sabihin ko sa iyo, I am not a reckless driver. Kung may nadehado man ako sa kalsada, hindi ko iyon tinatakbuhan,” malamig nitong sambit. Mas malamig pa yata iyon sa yelo kaya bahagya siyang napaatras. Naroon na naman kasi ang kakaibang kaba sa dibdib niya tuwing makikita ang lalaki sa ganoong anyo. Hindi niya alam kung takot ba iyon o ano, pero ang alam niya, kailangan niyang makalayo rito. “M-maybe you didn’t notice that last night because it’s too dark, but I saw this bike. It hit my side mirror,” aniya sa pinatatag na tinig. Mas lumapit pa ang lalaki sa kaniya kaya muli siyang napaatras, hanggang sa lumapat ang likod niya sa malaking pundasyon na naroon sa basement. Napalingon siya sa kinasasandalan, bago sa lalaking wala na halos itinirang pagitan sa mga katawan nila. Itinuon nito ang isang kamay sa bandang gilid ng ulo niya. He was towering over her. She swallowed hard. She had nowhere else to go but face him. Damang-dama niya ang nag-uumapaw nitong kapangyarihan na halos ikapugto na ng kaniyang paghinga. She felt how the air changed. She sensed danger. “W-what are you doing?” Para siyang nasukol na palaka na halos pumiyok nang magsalita. “You’re making me mad, Miss de Dios. Gusto mo bang parusahan na kita ngayon pa lang?” nagbabantang wika nito. Nanlaki ang mga mata niya. “I-I didn’t mean anything. I . . . was just telling you the truth,” aniyang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. “But I am also telling you the truth.” Lumapit pang lalo ang mukha nito sa kaniya. Halos isang pulgada na lang ang layo ng mga iyon sa isa’t isa, kaya mabilis siyang pumikit. Ni hindi na niya makuhang huminga pa. “Ayoko sa lahat ay pinapaulit-ulit ako, Miss de Dios. Sabihin mo lang kung ano talagang gusto mong mangyari— hindi naman ako mahirap kausap. Because as far as I know, masasamang tao lang ang pinapatay. At hindi ka naman kabilang doon,” makahulugang wika nito. Nahigit niya ang paghinga kasabay ng panginginig ng buong katawan dahil sa narinig. Gumapang rin ang nakatatakot na kilabot sa buo niyang pagkatao. Kung puwede nga lang tumakbo, ginawa na niya. But she couldn’t run away from him. Hindi niya lubos na kilala ang lalaki, pero parang alam na niya kung ano ang kaya nitong gawin at hindi niya gustong ipahamak ang sarili, lalo na ang kanilang negosyo ni Gabby. She opened her eyes and landed on him. Lumunok siya, sunod-sunod. “B-baka nga hindi ikaw iyon. Baka nga nagkamali lang ako,” aniya sa mahinang tinig. Ni halos hindi na iyon lumabas sa bibig niya. “Hindi lang baka, dahil hindi talaga ako iyon. You can inspect my bike if you still have doubts. You are free to do that now.” Umatras ito bahagya sa kaniya. Marahas siyang napahugot ng hangin sa dibdib. Ang kanina pa pinipigil na paghinga ay noon lang pinakawalan. Ramdam din niya ang pangangatog ng tuhod. Umiling siya. “H-hindi na siguro kailangan.” Tumaas ang sulok ng labi nito. “I am not scaring you, Miss de Dios. I am just relying on some facts here. You should try to do that also. Para naman hindi ka basta-basta na lang nambibintang,” anito bago tumalikod sa kaniya. Nanghihina ang buong katawang napakapit siya nang mahigpit sa gilid ng sementadong pundasyong kinasasandalan. Pakiramdam niya, anumang sandali, bibigay ang mga tuhod niya. Bakit nga ba niya naisip na ito ang nakasagi sa kaniya? Maraming ganoong klase ng big bike sa Pilipinas, lalo na sa ka-Maynilaan. Hindi lang si Matteo ang nag-iisang mayroon niyon. Napabuntonghininga siya. Maybe, she was just really looking for a trouble. Or maybe, hinahanapan niya ng butas ang lalaki. Pero sana, naisip mo rin na hindi basta-basta ang pag-uugali niya! You’ve experienced that firsthand, so you should think twice before you jump into a conclusion! Inis na sigaw ng isip niya. “Are you just gonna stand there or what?” Napatayo nang tuwid si Adelhine. Pagbaling niya sa kinaroroonan ni Matteo, nakasakay na ito sa motor nito. May pag-aalinlangang humakbang siya palapit dito. Matagal niyang pinagmasdan ang motor, pagkuwa’y ang sarili. Nagulat pa siya nang biglang may kumuha ng helmet sa kamay niya at maramdaman iyong inilalagay sa kaniyang ulo. “There,” Matteo said. “Now, hop in!” he commanded. Hindi malaman ni Adelhine kung paano ba sasakay roon, o kung anong upo ang gagawin. “Just sit whatever you are comfortable with,” wika pa ng lalaki. Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. Gusto niyang magprotesta sa sinabi nito. Ang totoo, wala naman siyang ibang pagpipilian kung hindi ang pumuwesto na kagaya nito. Maliit lang naman ang upuan ng Ducati. Mas akmang sabihin na pang-one-man ride lang iyon. “Ano?” untag nito. Walang nagawa si Adelhine kung hindi ang humawak dito. Kahit hirap, dahil sa heels niya at skirt ng dress niya, nagawa pa rin niyang makasakay sa likuran nito. “Hold anywhere you can,” ani Matteo bago binuhay ang makita ng motorsiklo. She looked behind her. Wala naman doong mahahawakan. She sighed. Again, Matteo left her no choice but to hold on to him. Tinantya niya ang paghawak sa damit nito. Lumingon pa roon ang lalaki bago napailing. “Hold tighter.” Kinuha nito ang mga kamay niya at iniyakap dito. Mag-r-react pa sana siya nang bigla na lang nitong patakbuhin ang motorsiklo. Muntik pa siyang mahulog sa kabiglaan. “Hey! Careful!” malakas niyang wika dahil pinapaspas na ng malakas na hangin ang tinig niya sa bilis nitong magpatakbo. “I am careful!” ganting sigaw nito saka pinagewang-gewang ang motor. “Sh*t!” hindi napigilang mura niya. Sa takot ay mahigpit siyang napakayap dito habang nakapikit ang mga mata at nakadikit ang mukha niya sa likod nito. Halos wala na ring pagitan ang mga katawan nila. “Tell me exactly where you live!” malakas na wika ni Matteo. Bumaling pa ito bahagya sa kaniya na naging dahilan para muling gumewang ang motor. “MB Condominium!” sagot niya at hinigpitan pa ang pagkakayakap dito. Hindi na nagsalita pa ang lalaki. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho, kung pagmamaneho nga bang matatawag na halos lumipad na sila. Ang kulang-kulang isang oras na byahe ay napangalahati lang nito. “We’re here, Miss de Dios,” wika nito. Napamulat siya ng mga mata. Sa takot na baka mahulog ay hindi na niya namalayang naroon na pala sila sa condo niya. Mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap dito. At sa pagkataranta niya, muntik pa siyang mahulog. Mabuti na lang at nasalo agad siya ng lalaki. “Careful . . . Hindi naman ako nagmamadaling umalis,” anito habang mahigpit na kapit ang beywang niya. Mahahaba ang biyas nito kaya kahit may katangkaran ang motor nito ay walang kahirap-hirap na nakaapak ang mga paa nito sa sementadong sahig. “Alright. Here we go.” Mariin siyang napapikit habang kagat-kagat ang labi nang buhatin siya nito na para bang bumubuhat lang ito ng bulak. At nang lumapat ang mga paa niya sa sementadong sahig, nagpahugot siya ng hangin sa dibdib. She felt relieved. Buhay pa siya kahit na papaano. “Is this your first time riding a motorcycle?” narinig niyang tanong ng lalaki. Napalingon siya rito. “Ano pa kaya sa palagay mo?” pagtataray niya. Doon niya ibinaling ang nadaramang takot kanina pa. Dama pa rin kasi niya ang bahagyang pangangatog ng tuhod. “Well, now you have get used to it. Dahil ito lang ang sasakyan na mayroon ako,” kibit-balikat nitong tugon. Pinaningkitan niya ito ng mga mata bago tumalikod. She was about to walk away from him, when he called her. Napatigil siya. “You’re forget something, Miss de Dios,” he said, amused. Hinarap niya ito. “At ano pa ba’ng nakalimutan ko? Magsalamat? Well, then, thank you!” she sarcastically uttered. “Tsk!” Umiling-iling ito. “Come here.” Hindi iyon utos, hindi rin pakiusap. Kaya naman kusang gumalaw ang mga paa niya palapit dito. “You forget this.” Nagulat pa siya nang masuyong alisin ng lalaki ang helmet sa ulo sa niya. “And this.” Para siyang natuod nang bigla na lang lumapat ang mga labi nito sa kaniya. Mabilis lang iyon pero nag-iwan ng libo-libong boltahe ng maliliit na kuryente sa kaniyang buong katawan. “Good night, Miss de Dios,” nakataas ang sulok ng mga labing wika nito, bago pinaandar ang motorsiklo paalis. Hawak ang mga labing hinabol niya ng tingin ang papalayong pigura nito. Nang tuluyan itong mawala, napatingin siya sa kawalan. “What just happened?” parang t**gang tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD