“Tumawag na ba ang suitor mo?” bungad ni Gabby sa kaniya pagpasok na pagpasok nito sa kaniyang opisina. Napalingon siya rito mula sa binabasang mga dokumento. Unti-unting nangunot ang kaniyang noo nang makita ang kakaibang ngisi sa mga labi nito. “Who’s suitor?” hindi na napigilang tanong niya. “Wala akong naaalalang may nanliligaw sa akin,” dagdag pa niya. Tinaasan siya nito ng isang kilay bago naupo sa visitor’s chair na nasa harap ng kaniyang lamesa. “Ang bilis mo namang makalimot.” Kumuha ito ng isang ballpen sa ibabaw ng mesa niya. Hinagip din nito ang isang malinis na bond paper doon at nagsimulang mag-drawing. Ganoon si Gabby kapag naiinip ito sa opisina nito. Pupunta sa kaniya pagkatapos, magsisimulang gumawa ng mga design habang nakikipagdaldalan. Hindi niya alam kung paano i

