Hindi nga nagkamali ng sapantaha niya si Matteo. Pagpunta niya sa tabing-dagat ay pinuputakte na ng mga mata ang katawan ni Adelhine, habang nag-e-enjoy ito at si Hillary sa paliligo. Halos magkandabali pa ang leeg ng iba sa pagtingin sa babae na lalo niyang ikinainis. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan ng dalawa. Kahit wala naman talaga siyang balak maligo dahil pagod siya sa pagmamaneho, hindi niya magawang balewalain ang tagpong iyon. “What the—” “Daddy!” Gulat na napalingon sa kaniya si Adelhine nang bigla na lang siyang tumabi rito. Hindi pa siya nakontento at kinabig pa ang babae, upang ipakita sa lahat ng mga matang nakatingin dito na mayroon ng nangmamay-ari dito. “What do you think your doing?” nakataas ang isang kilay na tanong nito. “Nothing . . .

