“Let’s get inside. It’s getting cold in here,” yaya sa kaniya ni Matteo. Tumango siya. Nilalamig na rin nga siya. Hinawakan ni Matteo ang kamay niya at magkasabay na silang pumasok. Hindi rin nito kinalimutang isara ang pinto ng veranda. Nagulat pa siya nang pagbaling nito sa kaniya, bigla siya nitong binuhat. Natutop niya ang bibig upang hindi makalikha ng ingay ang impit niyang pagtili. “What are you doing?” Hindi pa siya nakontento at hinampas pa ito sa balikat. “Making the most out of our time,” tugon nito at marahang naglakad patungo sa silid nitong nakapinid. “Baka magising si Hillary,” pigil pa niya rito at nilingon ang katabing silid nang kay Matteo. “She won’t. Pagod siya sa byahe, pati sa paglangoy.” “Pero—” “It will be quick. Hindi tayo magtatagal.” Kahit madilim, kita n

