Nagpatuloy sila ni Perry sa pagsubaybay sa tatlo, habang si George naman ay tumutulong na rin sa puwesto nito. Hindi makakuha ng tyempo si Vera para sana barilin si Hassann dahil ginagawa nitong panangga si Matteo. Tiningnan niya ang mga kamay ni Matteo. Nakatali iyon, pero kita niyang manaka-naka iyong gumagalaw. “Come on! Come on! You can do it!” bulong niya— paulit-ulit. Matteo was trying to untie the rope on his hand. Alam na nitong naroon sila. He even took a glance on their position. He didn’t change a bit. The fierce, stealth and lethal master chief of SEAL Team 6 was within him. Alam na alam nito kung saan pupwesto ang sniper. “F*ck! Scorp! Code Black! I repeat, Code Black!” wika ni Bruce sa kabilang linya. Itinutok niya ang lente ng kaniyang rifle sa mga ito at isa-isang pinat

