“Hey! Hurry up!” malakas na tawag ni Vera sa kasunod niyang si Matteo. Naroon sila sa isa sa hiking site sa California para sa tuluyang pagpapagaling ng lalaki. Iyon ang rekomendasyon ng doktor at therapist nito. Dahil nalagay sa alanganin ang buhay ni Matteo; isa sa pinakamabigat na hamon bilang isang sundalo, kinailangan nitong sumailalim sa psychotherapy para masigurong wala itong trauma. Ngunit, hindi lang naman ang lalaki ang dumaan sa psychotherapy, kung hindi ang buong SEAL Team 6. Iyon ay para masigurong fit na silang bumalik sa serbisyo. When they went back at the naval base in Virginia, after they rescued Matteo, he decided to hand his resignation to his father. Hindi naman ito pinigilan ng admiral— ni hindi na nagtanong pa ang may edad na lalaki. Alam nito, lahat ng myembro ng

